Mystery #22

52 3 0
                                    

Dedicated to Einnah19 . Atat sa update always.

Jayjay's POV

"Graciala..... dali na kasi...." Panlalambing ko kay Graciala.  Nandito ako nakaupo sa harapan niya.

Nagtatampo kasi sakin. Nakalimutan kong may lakad pala kami kahapon. Birthday ni tito, ang daddy niya. Hindi man lang ako nakasipot.

"Tse." Pagtataray niya pero parang nang-aasar lang siya.

"Dali naaaaaa." Pagpipilit ko. Halos pagtinginan na kami ng mga estudyante dito sa cafeteria.

"Don't talk to me." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain.

Anak ng. Ang hirap naman paamuhin ng isang 'to! Hindi ba umuubra ang charming ko at kagwapuhan ko?! Hays.

"Dali na. May valid reason naman ako kung bakit hindi ako nakapunta eh." Paliwanag ko.

Tinignan niya lang ako at bumalik sa pagkain.

"Okay. Babawi ako. Pupunta ako mamaya kay tito. Tss, tsaka kapag tinulungan mo ako sa favor ko, ililibre kita ng kahit anong gusto mo." Pagkasabi ko ng libre thingy na yun ay nagliwanag ang mukha niya at feeling ko kumikinang na ang mata niyan.

"Seryosoooo? Talagaaaaa? Weh? Nang-gogood time ka lang eh." Pang-aasar niya.

"Seryoso nga ako." Sabi ko.

"Wehhh?" Pang-aasar niya pa. Mababatukan ko na talaga 'tong babaeng 'to eh. Ang lakas ring mantrip eh.

"Oo nga." Sabi ko. Nagulat ako nang bigla siyang nagsimangot-simangutan. Naka-pout pa ang bruhilda! Hays.

"Napipilitan?" Sabi niya.

"Hala! Hindi noh!" Sabi ko.

"Oh sige nga. Ano bang favor yan?" Tanong niya at this time sobrang seryoso na niya.

Bipolar din 'tong panget na to eh noh?

"At sinong pangit?!" Sigaw niya sakin.

"Ha? Wala! Ang sabi ko, ang pangit nung kinakain ni Raine. Oo.. hehe yun nga." Anong palusot yun? Hays. Hindi ko namalayang binulong ko pala yun at dahil malakas ang pandinig niya, narinig niya pa talaga.

"At nadamay pa ako ah?" Sabat ni Raine. Hinarap ko siya. Bwahaahhaa. Siya nalang ang pagttripan ko. Si Jehan kasi hindi muna pinapasok para magpahinga sa bahay nila. Bawal naman si Graciala kasi may hihingin ako favor. Bwhahaha.

"Yung pagkain mo ang dinamay, hindi ikaw." Sabi ko.

"At wala akong pake." Sabi niya at kumain.

"Hindi ko kailangan ng pake mo." I smirked.

"Aaaahh! Pakainin mo muna ako, pwede?" Sabi niya.

"Ba't kita papakainin? Ginawa mo pa akong alalay." Sabat ko.

"Hindi kaba tatahimik, huh?!" Sigaw niya.

Hahahaha. Yan ang gusto ko sa kanya eh. Mabilis mapikon hahahahaha.

"Bakit? Maingay ba ako? Ikaw nga yung nasigaw diyan eh." At nagpout ako para mainis siya.

"Waaaaaaa! I hate you to death!" Sigaw niya ulit tas nkatingin na ang mga tsismosang estudyante.

"Tss. Ang sungit mo, nerd ka naman."

"Anong pake mo kung nerd ako?"

"May pake ako kasi tao ako."

Mystery In Academy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon