Mystery #24

91 3 0
                                    

Copy rights © Gracialalmighty
(Graciala Villafuerte)
2014
All Rights Reserved


Aerold's POV


"Sorry ate di ko nasabi sa'yo. Eh we're both busy eh. Ahmm yes ate he's my guy. Lagi niya akong pinapaiyak at niloloko. I caught him flirting with the other ladies."

Mas nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. She's crazier than what I thought I can't believe na may katangian siyang ganyan, medyo loko-loko din pala to.

Nagulat ako ng bigla akong paghampas hampasin ni ate Faye.


"I CURSE YOU TO DEATH!! WAAAAAAHHHH!'' Sigaw niya sakin habang pinagpapapalo ako.


"Aw-aray! ARAY ATE!" Sigaw ko din habang umiiwas sa mga hampas niya.


"Sino ka para lokohin ang lil sister ko huh?!" Sigaw na naman niya.


Inaway siya ni Graciala habang tumatawa.


"Ate, it's fine. Diba may meeting kapa? Alis kana." Sabi ni Graciala sa kanya. Ako naman, hinihilot ko yung mga masasakit na hampas na natanggap ko.


Tinarayan muna ako ni ate Faye bago umalis.


Wooo! Nakahinga nako medyo.


"How about beating that huh?" Sabi sakin ni Graciala habang naka grin. Baliw na magkapatid tss.


"Hahahahaha hanep kayo! Lakas ng tama niyo!" Sabi ni Lopez samin. Napailing nalang ako. May araw din sakin yang babaeng yan. Tsk. Hays yung gwapo kong mukha.


Raine's POV


Nagseselos ako. Tahimik man ako palagi, di naman ako manhid sa nga taong nakapaligid sakin. Nakakainis. Naiinis ako kay Graciala. Alam naman niyang matagal na akong may gusto kay Aerold, pero ano? Nakikipaglandian pa siya kanina.


"Hatid na kita Raine!" Sigaw ni Graciala sakin. Inirapan ko siya.


"Kahit wag na. I can go home by myself." Sabi ko.


"Eh? Are you okay?" Tanong niya. Mukhang worried naman siya. Nangibabaw lang talaga ang pagiging selosa ko. Well, wala naman akong karapatan magselos. Basta kahit na.


"Bakit naman ako hindi magiging okay?" Sagot ko.


Sa totoo lang, lahat ng gugustuhin ko na kay Graciala na. I wanted to be a honorable students sa school like her. I did my best naman pero kulang padin. I wanted to be a detective like her. Ang bata niya pa, pero yung pinaka pangarap ko naabot na niya. I wanted to be look pretty like her. Adorable like her. Higit sa lahat, lahat ng lalaking nagugustuhan ko, sa kanya may gusto.


May ultimate crush ako before, way back when we're on 2nd year. His name is Jacob. For the first time naglakas loob ako na magconfess pero nareject lang ako. Sinabi pa niya na magugustuhan niya lang ako kapag naging si Graciala daw ako. At ngayon naman, si Aerold? Di nako papayag noh!


Oo na, full of insecurities nako.


"Ahmm.. fine. Basta ingat ka ah? I'll see you tomorrow love yah!"


She's sweet and kind. Naglakad nako pauwi. Ilang streets lang naman eh. Napatingin ko sa wrist watch ko, almost 11:00 pm na pala. Kaya pala walang katao-tao. Nilagay ko nalang ang earphones ko sa tenga ko at nag-soundtrip habang naglalakad para naman di ako mabored noh.


"Pssstttt!" May narinig akong sumitsit pero di ko na pinansin. Sanay nakong may mga nantrip dito sa street nato banda. Tsaka baka guni guni ko lan naka earphone pa man din ako.


Napalingon ako ng may kumalabit sakin.


"Hindi niyo ba ako titigilan?!" Sigaw ko. 


Pero... 


wala namang tao sa likod ko.



Nagsitaasan na lahat ng pwedeng tumaas sa katawan ko dahil sa takot. Hindi ko nalang pinansin dahil baka naman guni guni ko na naman yun.


Nagpatugtog ako ng mas energizing song para mawala yung takot ko.


"Waahhhhhhh!!" Napasigaw nalang ako sabay takbo ng mabilis nung may kumalabit ulit sakin. Lord! Ikaw napong bahala sakin. Huhu kung may nanttrip na naman dito, sana po madapa siya!


Tumingin ako sa likod ko at may nakita akong nakadapang babae. Hala? Ano yan, nadapa? Lakas ko naman kay Lord.



Nang maiangat niya yung ulo niya. I saw her face wearing a creepy mask. Tumakbo ako ng mas mabilis. 


Tumakbo ako, lumingon ako ulit, wala na yung babaeng nakasunod sakin. Kinikilabutan nako. Hindi ko na alam kung san ako dinadala ng paa. Nakahinga ako ng malalim ng makita kong nasa tapat nako ng gate ng bahay namin. Thank you, God.



Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may nakita akong kamay na nakahawak sa braso ko. 



"Ahhhhhhhhhhh!!!" Sigaw ko. Siya yung babae kanina.


"Are you a monster?" Tanong ko. Hindi siya nagsalita pero lumapit sa ng husto sa mukha ko. Hindi nako nakaimik. Ni isang salita walang lumabas sa bibig ko. Nanginginig ako... kinikilabutan. Puro takot ang nararamdaman ko. 



"Uy ate Raine! Bat di ka pa pumasok?" Gulat na gulat akong napalingon sa tumawag sakin. Si Annie, bunsong kapatid ko. 



"Annie! Pumasok ka! Wag kang lalabas!" Sigaw ko sa kanya. Pagka harap ko, wala na yung babaeng creepy na naka mask. Speechless ako. Tumakbo ako kagad papasok ng bahay. 


Wrong move, natisod ako sa gate at saktong lumanding ako sa mga kahoy na nakatayo sa gilid gate. Wala akong naramdaman. Naging manhid ang buong katawan ko. Kusang tumulo ang luha ko at dugo sa bibig ko. 



"Patawarin niyo po ako, sa mga maling nagawa ko Lord. Ikaw napong bahala sakin at sa pamilya ko." Huling sabi ko tsaka--



------

Editor's note: Sorry kung maikli. Bawi po ako.


[Check out the next chapter.]





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mystery In Academy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon