Mystery #23

43 2 0
                                    

Copy right © Gracialalmighty
(Graciala Villafuerte)
All Rights Reserved
2014

Chapter 23

Jehan's POV

Ang kapal talaga ng mukha nung Lopez na yun! Sino siya para pumasok pasok ng walang paalam sa kwarto ko? Worst is, nagbibihis pako!!

"Jehaaaaan. Dalian mo naman dyan naiinip nako." Sabi ni Jayjay na nasa loob padin ng kwarto ko. Ako eto, nasa restroom para magbihis.

The truth is, kanina pako tapos kaso nakakahiyang lumabas. Bwisit.

"Get the hell out of here kung naiinip ka!" Sigaw ko at tinignan ulit ang sarili ko sa salamin.

"Hindi ka naman mabiro. Sige lang, tagalan mo pa Ms. Hello Kitty."

Pagkasabi na pagkasabi niya non ay nanlaki talaga ang mata ko.

O_O

"Waaaaahhhhh!" Sumigaw ako tsaka agad agad na lumabas ng cr at kinuha ang laptop ko na hawak niya.

Pakielamero! Puro kahihiyan talaga dulot niya sakin!!

Pano ba naman kasi. Yung laptop ko puro Hello Kitty. Eh bakit ba? Ang cute kaya niya.

"So cute naman." Pang-aasar pa niya.

"Lumabas ka!" Sigaw ko.

"Ouch naman. Pinagtatabuyan nako." Pagda-drama niya.

"You're so annoying pain in the ass. Bat kaba kasi nandito?" Tanong ko. Pagod nakong paalisin siya. Alam ko namang hindi siya aalis eh.

"Ahm. Kakamustahin kalang naman." Sabi niya at tumayo sa pagkakaupo sa kama ko at binuksan siya yung ps3 na nandito sa kwarto ko.

Oh diba. Sige, kanya eh, kanya yan kaya okay lang talaga. Tss.

"Pakielamero ka talaga. Okay lang ako. Kamusta sa school?" Tanong ko.

"Malungkot. Wala ka eh." Sabi niya at inabot sakin ang isang player.

Para talaga 'tong tangeks.

"Papalag kana ba sakin sa GT?" Tanong niya sakin.

"Wow. Nagsalita ang talunan pagdating sa Gran Turismo." Sabi ko.

Totoo yon. Lagi ko siyang natatalo sa ps3. Pano kasi, ang bobo niya. Paatras kung maglaro.

"Sige. 3 games kapag nanalo ako sa lahat may dare tayo."

"Ang dami mo namang nalalaman. Sarap mong ipatumba." Sabi ko.

"Seryoso nga, ano game?" Pagyayaya niya.


Dahil sa laam ko namang ako ang mananalo, edi pumayag ako! Kawawang Lopez.


"Game!" Pagpayag ko.

Aerold's POV

"Graciala! Pansinin mo naman ako! Kanina pako nagpapapansin dito oh!" Sigaw ko kay Graciala.

Nandito kami ngayon sa bahay nila. Kasama sina Andreana, Raine, at Jayjay. Ewan ko ba. Simula nung nawala si Reyes kupal lagi nako sa kanila sumasama. Tropa na kami wag kayong ano.

"Edi inamin mo ding papansin ka." Sabi ni Graciala.

Ewan ko lang talaga kung bakit ang sungit sungit nito sakin. Sa iba, hindi naman. Siguro crush ako neto di niya lang sinasabi.

"Tsk makinig ka nga sa sinasabi ko!" Sigaw ko ulit.

"Walang kwenta yung mga kinukwento mo." Sabi niya.

Mystery In Academy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon