Mystery #4

332 6 4
                                    

Copy right © Gracialalmighty
(Graciala Villafuerte)
All Rights Reserved
2014

Chapter 4

Author's POV

"Girls, I'm tired." daing ni Jullie dahil nag-co-community service sila. Pang 4th day narin nila 'to. Nasa 3rd floor sila nang hallway para mag-linis.

"Ikaw lang ba? Pasalamat ka nga, pagwawalis lang ang ginagawa mo." reklamo ni Jalaimah.

"Mica, pasuyo naman oh. Kuha mo naman kami ng drinks sa canteen." pakisuyo ni Precious.

"O sige." inabot na nila ang kaniya-kaniyang bayad kay Mica at tsaka naglakad si Mica papuntang canteen.

"Ate, 5 tubig nga po," sabi nya sa tindera.

Inabot sa kanya ang tubig, at inabot niya din ang bayad then nagpasalamat.

"Ikaw po ba si Ms. Mica Layse?" tanong sa kanya nang isang estudyante habang paakyat nang hagdan.

''Oo, bakit po?" tanong niya sa lalake.

"Ako nga pala si Angelo Guinto, kaklase mo ako. Hindi nyo lang siguro ako napapansin." sabi ng lalake.

''Ikaw ba yung laging tulog?" tanong nya.

"Haha! Ako nga.'' sabi nito.

''May kailangan kaba?'' tanong ni Mica. Kasi pili lang ang kinakausap nito, palibhasa laging tulog.

"Oo, kasi pinapatawag ka ni Prof Joanne." sabi nito.

Nagpasalamat si Mica at dumiretso sa opisina ng prof niya.

*TOK TOK*

"Come in." [EXO LANG ANG PEG?] sabi ni prof, pasensya na po sa author umeeksena.

"Prof?" sabi ni Mica pagkaupo.

"Ahm, Ms. Layse. Ikaw ang naka-assign to guide sila Ms. Ong diba? For their punishment?" tanong nito, tumango naman si Mica bilang tugon.

"May program kasi para sa Mutya at Ginoong Kalikasan yung program ng Science Department. Napa-aga ang dead line para maayos ang audi torium sa gagawing event. Ang grupo nyo ang na-assign para gawin 'to. Kapag pumayag kayo, di nyo na kailangang mag-community service at walang nang suspension." paliwanag nito.

"Sige po prof! Sasabihin ko na po sa kanila. Kailan po magsisimula?'' tanong nya.

"Now, kung kailangang mag-over night kayo dito sa school to finish that event, gawin nyo.''

"Yung materials po?'' -Mica.

"Humingi kayo sa library. Sabihin nyo lang na gagamitin nyo sa event." sabi nito.

Lumabas na si Mica at dumiretso agad kila Jullie.

"Eto na ang tubig nyo." sabi nya habang inaabot ito isa-isa.

"Ang tagal mo naman." sabay nilang sabing lahat.

"Pasensya na. May balita nga pala ako." -Mica.

"Ano yun?" -Khyrie.

Pinaliwag na ni Mica ang lahat na kailangang gawin, pumayag naman silang lahat gawa rin na ayaw nilang mag-CS.

__________

"Girls, nakakatakot naman. Gabi na oh! Ang dilim!" reklamo ni Jehan dahil nasa kalahati pa lang sila sa ginagawa nila at 6:45 pm na.

"Oo nga eh! Umuwi na tayo!" daing rin ni Precious.

"Ano ba kayo! Ang liwanag nga dito sa auditorium! Buti nga hindi sa deck eh! Mas nakakatakoy dun." pahayag ni Khyrie.

"Alam nyo bang may namatay ditong estudyante? At nasa likod mo JALAIMAH!" pananakot ni Jullie.

"WAAAAAAAAHHHHHHHH!" sigawan nila.

"HHAHAHHAHAHA! GIRLS YOUR FACE WERE PRICELESS!" sabi ni Jullie habang natatawa.

"Tsk, not funny. Mag-c'cr lang ako." paalam ni Jalaimah.

"Samahan na kita." sabi ni Mica.

"Woooooooo... mamaya may katabi na si Jalaimah.." pangangasar pa ni Jullie. Nagtawanan lang sila.

"Wait lang Mica ha? Wag kang aalis.'' sabi Jalaimah pagkapasok nya sa cubicle. "Sige." sabi ni Mica.

"Mica?" tanong ni Jalaimah pagka-labas nya. Nawala na lang kasi Mica bigla.

Tsk, iniwan yata ako." bulong nito sa sarili.

Bumalik na lang sya sa auditorium.

___________

Other side's POV.

"Bitawan mo akoooo!'' sigaw nitong babaeng 'to.

"Wag ka ngang maingay! Gusto mo bang patayin kita ngayon? Sabihin mo lang, kayang-kaya ko." pananakot ko rito,

"Wag mo'kong takutin! Patayin mo ako kung gusto mo!" sigaw nya.

"Relax ka lang, dadating din tayo dyan." sabi ko rito habang hinahasa ang kutsilyo kong gagamitin kong pampatay sa kanya! Bwahahaha*cough* *cough* tsk, panirang ubo! Ang ganda na nang entrada ko eh!

"Na-napaka sama mo! Akala ko mabait ka! Hindi pala! Ang ganda nang turing mo sa'kin! Yun pala plastic ka lang? Isa kang masamang tao! Wala kang awa-" napatigil sya nang sampalin ko sya nang pagka-lakas lakas.

"Wala kang alam! Manahimik ka! Kung ayaw mongb mapa-aga ang pagkamatay mo!" sihaw ko.

"Hindi! Wala kang-ARAAAAAAAY!" sigaw nya nang putulin ko ang hintuturo nya sa kaliwang kamay.

"Madala ka sa takot! G*go ka!"

Hindi sya maka-palag kasi tinali ko sya sa upuan.

"Any last word?" sabi ko rito habang kinukuha ko ang lubid.

"De-demonyo ka! Huhuhu!" sabi nito.

"Alam ko." itinali ko ng mahigpit ang lubid sa may kisame.

"Get ready to die, BITCH!" sigaw ko.

"Pa-pa-parang awa mo na.... ayoko pang mamatay..." pagmamaka-awa nya.

"Ayan... marunong kanpalang magmaka-awa! Pero, be sorry, inubos mo ang pasensya ko!" sabi ko.

Tinurukan ko sya nang pampatulog at tsaka ginawa ang plano ko.

_____________

"Asan na ba si Mica?" tanong ni Jullie.

"Hindi ko nga alam! Pagkalabas ko sa cr wala sya! Hindi ko na sya hinanap doon kasi baka dumiretso na sya dito." paliwanag nii Jalaimah.

"Asan na kaya yun? Baka may masamang nangyari dun." nag-aalalang sabi ni Jehan.

''Think possitive, girls okay? Baka bumili lang nang snack." sabi ni Khyrie.

''Snack? Lumingon ka nga sa likod mo, Khyrie." sabi sa kanya ni Jullie.

Lumingon naman siya at nakita ang napakaraming chips, softdrinks at biscuits.

Nag V-sign lang si Khyrie.

''Matatapos na tayo eh, tapusin lang natin to. Baka nagpapa-hangin lang si Mica. After this, hanapin na natin sya, okay?" suggestion ni Precious.

Tumango na lang sila at nagpatuloy sa ginagawa nila. Dahil sa pagod hindi nila akalaing naka-tulog na pala sila.

___________

Other' s side POV

"One down, Frugality. Humanda ka na!"

________

[A/N]

Super short update lang.

Time check: 3:27 am. Haha! Habang tina-type ko'to kinikilabutan ako eh! Hahha!

Sorry kung ang corny nung pagpatay. Don't worry, mag'i'improve rin yan XD

Sana nag enjoy kayo =)

Read. Spread. Vote.

@iloooveonedirection ©2014

-Graciala Malik<3

Mystery In Academy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon