Mystery #21

131 7 4
                                    

Author's POV

*BLAGG!

"What the hell is that?" Tanong ni Jehan.

May narinig silang ingay mula sa main door ng gym.

"Tara tignan natin." Hinawakan ni Jayjay ang kamay ni Jehan at tinayo siya.

"F*ck." Mahinang mura ni Jayjay.

"Hey, what happened? Ako kinakabahan sa kinikilos mo eh." Nag-aalalang tanong ni Jehan.

"We're trapped!"

"What?! It's only 2 in the afternoon." Sabi ni Jehan.

"Andyan na sya! Magtago na kayo!"

May narinig silang isang boses ng babae.

"WAAAAAAAHHH! Si Jullie yun! Boses ni Jullie yun!" Umiiyak na ngayon si Jehan kaya't agad syang niyakap ni Jayjay.

"Sshhh. Wag kang umiyak. Kasama mo ako." Sabi ni Jayjay.

"B-boses yun n-ni Jullie."

"M-magtago daw tayo! Baka totoo yung killer na kinukwento nya samin dati. Pero hindi kami naniwala kasi alam naman naming mahilig mantrip si Jullie."

"Killer? Dito sa academy natin?" Tanong ni Jayjay.

Tumango lang si Jehan.

"Imposible." Sagot ni Jayjay.

"Wala namang mawawala kung maniniwala tayo!" Sambit ni Jehan.

"Kung maniniwala tayo, lalaki tayo na takot sa academy nato!" Sagot ni Jayjay.

"Ok!" Nagtaas ng kamay si Jehan na parang sumusurrender na.

"Talo nako okay? Di na ako sasagot." Sabi nito.

"Wala tayong panahon sa ganyan Jehan. Kailangan nating makaalis dito."

*BLAAGG!

"Shit." Sabay nilang sabi.

May gumugulong na bola na papalapit sa kanila.

"What is this?! Wag nyo kaming pagtripan! Pag nalaman ko lang kung sino ka basag bungo mo sakin!!" Galit na sabi ni Jayjay.

Puro dugo kasi ang bola.

"Jay. May nakasulat." Sabi nya kay Jayjay.

Agad namang kinuha ni Jayjay ang papel na nakadikit sa bola.

"Shit. Puro dugo." Sabi ni Jayjay.

"Basahin m-mo n-n-na..." Nanginginig na sa takot si Jehan.

"Masarap maglaro dito. Tara, laro tayo. Patay patayan."

"Masarap maglaro dito. Tara, laro tayo. Patay patayan."

Habang binabasa ni Jayjay ang nakasulat sa papel ay may sumasabay sa kanyang boses. Creepy na boses. Kaya hindi nila malaman kung isang babae ba ito o lalaki.

"Damn. Get your phone! Dun tayo sa varsity room. Bilis!" Sigaw ni Jayjay at agad silang umakyat papuntang shower room.

"Sige! Takbo lang hanggat may matatakbuhan! Bwahahahaha."

"May psycho nga dito." Sabi ni Jayjay ng maka pasok sila sa varsity room ng mga volleyball players. At tsaka nilock.

"S-sino ba kasi y-yun. Huhuhu. Natatakot na ako." Umiiyak na sabi ni Jehan.

Hinawakan ni Jayjay ang kamay nya.

"We have no ideas. Tao lang rin sya kaya, kakayanin natin to, okay?" Pagpapapanatag ni Jayjay sa loob ni Jehan.

Mystery In Academy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon