Chapter 6 Pagpapanggap

1K 34 4
                                    

Selene's POV

*tok tok tok

Nagising ako sa malakas na katok na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Anong oras na ba? Hay! Istorbo!

Mumukat mukat pa yung mata ko ng buksan ko ang pinto.

"Selene! Goodmorning." Napadilat naman ako ng maayos ng marinig ko ang masiglang boses ni Stell.

"Oh Stell! Goodmorning. Bakit andito ka?" Tatawa tawa naman itong sumagot sakin

"Hahaha may laway kapa. Sabi ni Ken mag ayos ka daw at pupunta kayo sa bahay nila ngayon." Nahiya naman ako bigla at napapunas ng labi dahil sa sinabi nya. At ano daw pupunta sa bahay nila?

"Wala naman Stell e. Bakit pupunta don? Anong meron?" Nagkibit balikat naman sya at tatawa tawang umalis.

May saltik ba yon? Hay! No choice kelangan ko ng maligo.

Exactly 1 hour ay natapos na kong maligo. Ano kayang isusuot ko?

Pag open ko ng cabinet ay may nakita akong kulay balat na dress. Ang ganda, puff dress sya na above the knee. Eto nalang siguro susuot ko tapos sandals hihi

Nag ayos na ko sa mukha pati na din sa katawan and finally ang ganda ko na lalo hahaha. Sakto namang may kumakatok sa may pinto pagtapos ko.

"Let's go." Ang gwapo at ang bango!!! Kung di lang mafia boss tong isang to nako hahahaha chariz!

" Ang gwapo at ang bango!!! Kung di lang mafia boss tong isang to nako hahahaha chariz!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Napansin kong di namin kasama sila Stell kaya tinanong ko agad sakanya.

"Tayong dalawa lang." Yan lang ang tanging sagot nya at nagtuloy na sa paglalakad. Ang tipid na naman netong sumagot.

Pagkarating namin sa parking ay sumakay na agad ito sa driver's seat. Sobrang gentleman diba? :^

"Thankyou ha!" Padabog akong pumasok sa kotse nya, tiningnan naman ako nito ng masama at nagsimula ng magdrive.

Habang nasa byahe ay inip na inip ako. Ang layo naman kase nung bahay nila.

"Ano bang gagawin natin sa bahay nyo? Nagugutom na ko, Ken." Ang random na ng mga lumalabas sa bibig ko dahil 8am kame umalis at mag 11am na di pa kame kumakain, or ako lang ang hindi pa? Kainis!

"You'll see." Umirap naman ako sa napakawalang kwenta nyang sagot. Sarap kausap! Sana si Stell nalang kasama ko dito panigurado dami namin napag usapan.

Ilang minuto pa ay may nadaanan kameng drive thru, lumiko naman sya dito at nag order ng meal. Infairness, dito lang ako natuwa sakanya.

"Here's your food. Kawawa ka naman e. Late late ka kase gigising." Di ko nalang pinansin yung sinabi nya at nilantakan ko na ang pagkain ko. Supermeal para sa babaeng super takaw hahaha

*eheeem eeheem

Takte nasamid pa ko!!!

"Dahan dahan naman, wala kang kaagaw jan." Nilagok ko ng nilagok yung inumin ko hanggang sa mawala yung samid ko. Sht! Ang hirap masamid ng ganon.

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now