Chapter 9 Shocked

892 32 13
                                    

Selene's POV
"Yani de Dios. Kapatid ng ex mo." W-what?!!

"Tell me you're joking." Pero hindi sya tumatawa, seryoso sya. Pero, paano? Walang nakwento sakin si Justin.

"Okay, enough." Ha? Bibitinin nya ko sa kwento. Ano ba naman yan!

"Anong enough? Ituloy mo na yung kwento. Panong naging ka member nyo sila Justin?" Pangungulit ko sakanya, pero ang walangya dumiretso na sa kama ko at nahiga. Dito na naman ba nya balak matulog?!

"Uy, Ken! Wala kabang kwarto ha? Kainis to!" Niyugyog ko sya ng niyugyog pero parang wala syang nararamdaman. Hay! Mukhang sa sofa na naman ako tutulog.

~~~~ FAST FORWARD ~~~~

Nagising ako dahil bigla akong umangat sa pagkakahiga ko. Si K-ken? Buhat buhat ako. Nagpanggap akong tulog dahil nahihiya ako.

"Ayokong may mangyareng masama sayo. I'm always here to protect you." Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoo ba yung narinig ko na yon sakanya. He wants to protect me? Bakit?

Hanggang sa makalabas sya ng kwarto ko ay di na ko nakatulog sa kakaisip ng narinig ko. Nag hahalluscinate na ba ko?

Buong magdamag ay puro yun nalang ang nasa isip ko kaya pagdating ng umaga ay sobrang sakit ng ulo ko.

Bumangon na ko at nag ayos na ng sarili dahil baka biglang may kumatok na naman.

"Huhu, Kuro ang sakit ng ulo ko. Si Ken kase e." Ngumiyaw ngiyaw naman si Kuro at kiniskis ang katawan nya sa legs ko.

"Naloloka pa din ako hanggang ngayon, ano bang ibig sabihin ng sinabi nya kagabi? Bakit gusto nya ko protektahan? Kilala na ba nya ko matagal na?" Baliw na yata ako, di naman sasagot tong si Kuro kahit ano pang sintimyento ko e.

Ilang minuto din akong nakatitig lang sa kawalan ng may kumatok na sa pinto. Kinakabahan pa kong buksan dahil baka si Ken ang bumungad sakin.

"Oh, Josh, hehe, ikaw pala." Napahinga ako ng maluwag dahil hindi si Ken yung kumatok.

"May inaasahan kang iba?" Umiling naman ako dito ng umiling, kakaloka tong si Josh.

"Breakfast na tayo, dalhin natin si Kuro." Di pa ko nakakasagot ay pumasok na sya sa kwarto ko at kinuha si Kuro. At ang Kuro gustong gusto naman na buhat sya.

Sumunod naman na ko sakanila dahil nagugutom na din ako, kelangan ko din uminom ng gamot, ang sakit talaga ng ulo ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sumunod naman na ko sakanila dahil nagugutom na din ako, kelangan ko din uminom ng gamot, ang sakit talaga ng ulo ko.

Naabutan namin na nakaupo na sila Stell at Pablo. Buti nalang at di ata namin kasabay si Ken. Pero nasan kaya sya? Uupo na sana ako sa pwesto ko nang marinig ko bigla ang pangalan ni Ken.

"Tagal mo, Ken." Pagkasabi ni Stell non ay automatic na napalingon ako sa likuran ko. Sht! Nasa likod ko si Ken.

Agad agad na nagrambulan yung mga paru paro ko sa tyan, naiilang ako kainis.

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now