Chapter 2 We Meet Again

1.2K 38 1
                                    

Selene's POV

Nagising ako sa ingay ng pusa kong si Kuro, nagugutom na ata sya. Bumangon na ako nag asikaso na ng kakainin ko at ni Kuro. Pagtapos ko pala dito ay ichecheck ko yung regalo na naiwan ko sa park sana andon pa yon.

Pagtapos ko magluto ay pinakain ko na din agad si Kuro. Cat food ang kinakain nya sinasamahan ko lang ng kalabasa para healthy.

"Kuro, alis muna ko ha. Babalik din ako agad. Bye." Pumwesto naman agad si Kuro sa sofa at nahiga. Alam na nya agad pag aalis ako, ganyan ang ginagawa nya.

Nagdrive na ko papuntang park, pagkarating ko dito ay walang tao. Sabagay anong oras na din, 10am na at tirik na ang araw.

Pumunta ako sa swing na pinwestuhan ko kagabi at nakitang wala na don ang regalo na naiwan ko. Hay! Baka kinuha na nung lalaki yon, sayang naman! Aalis na sana ako para bumalik sa apartment ng may humarang saking tatlong lalaki.

 Hay! Baka kinuha na nung lalaki yon, sayang naman! Aalis na sana ako para bumalik sa apartment ng may humarang saking tatlong lalaki

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Sumama ka samin! Pinapatawag ka ng boss namin." Ano na naman to?! Huhu..

"S-sino kayo? At bakit naman ako sasama sainyo? Hindi ko nga kayo kilala e." Nagtatapang tapangan kong sagot. Pero hindi sila natinag, lumapit ang isa sakin at may inispray sa harap ko.

"Stell, Josh, kayo na magbuhat. Ako na magddrive." Yun ang huling nadinig ko bago tuluyang mawalan ng malay.

Nagising ako na nasa loob ng sasakyan, nakatali din ang kamay ko. Medyo hilo pa ko dahil sa amoy na inispray sakin nung lalaki.

"San nyo ko dadalhin? Pakawalan nyo ko. Isusumbong ko kayo kay Kuro!" Sunod sunod kong sigaw sakanila. Pero ni isa sakanila hindi ako pinansin. Nasa gitna ako ng dalawang lalaki. Yung isang may kulay ang buhok yung nagddrive. Kinakabahan ako, pano kung papatayin pala nila ko? Wala akong pera pang ransom.

"Andito na tayo." Agad namang lumabas yung nagddrive at sumunod ang dalawang katabi ko. Hinila naman ako ng katabi ko at pinasunod sakanila.

"Miss wag kang gagawa ng kahit anong ingay dahil baka pag nagalit yung boss namin di ka santuhin. Ako nga pala si Stell." Paalala sakin nung isang lalaki na katabi ko kanina. Kung di lang nila ko kinidnap baka kinilig na ko sakanila e. Ang gagwapo.

"Sino ba kayo? Ano bang ginawa ko? Bakit ako pa yung kinidnap nyo? Wala akong pera." Sabi ko sakanya at natawa naman sya.

"Malalaman mo din mamaya kung bakit. Tara pasok na tayo." Bumukas ang napakalaking pinto at bumulaga samin ang mga gwardya na may mga hawak na armas.

Ano ba tong lugar na to? Natatakot ako! Justin, help me. :<

"Josh, Pablo, kayo muna bahala dito. Sabihin ko lang kay Boss na andito na yung hinahanap nya." Magtatanong pa sana ako kay Stell ng umalis na ito.

"I'm Pablo. And this is Josh. Stell naman yung pangalan nung umalis." Pagpapakilala sakin nung may kulay ang buhok. Kumaway naman si Josh at nakipagkamay.

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now