Chapter 8 Rivalry

944 25 8
                                    

Stell's POV
"Kamusta na, Keith?" I said thru gritted teeth. Matinding kalaban namin ang grupo nila Keith. Masyadong mayayabang, wala namang binatbat.

Tiningnan ko isa isa sila Ken at nakita ko kung pano nagbago ang mga ekspresyon nila. Puro galit ang nakikita ko sa mga mata nila.

Sumenyas si Ken na ibigay sakanya yung tawag. Agad ko namang inabot sakanya ang cellphone ko at hinayaan na sila ang mag usap. Mga takot naman ang mga yon kay Ken.

"Stell, psst." Nagulat naman ako sa biglang paglapit ni Selene sakin. Tss, this girl.

"Yo, ano yon?" Kaswal kong tanong sakanya kahit na alam ko namang magtatanong sya about dun sa tumawag.

"Sino yung tumawag sayo? Bakit ganyan mga mukha nyo?" Curious na curious nyang tanong sakin. Cute.

"Kaaway. Matinding kaaway. Pero wag kang mag alala, di kame natatalo ng mga yon. Mahihinang nilalang lang yung mga yon." Mayabang kong sabi sakanya, tinaasan naman ako nito ng kilay.

"H-hoy! Tigilan nyo pakikipag away, bad yon." Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Ano ka ba, Mafia Boss yung boyfriend mo tapos sasabihin mo wag kame makipag away? Kadikit na ng buhay namin yung gulo, Selene. Hindi na namin matatakasan yon." Sa totoo lang kahit gustuhin man namin na umayaw sa pakikipag away ay wala kameng magagawa, Ken is a Mafia Boss, kame nila Josh at Pablo naman ay parang kapatid na ang turing sa isa't-isa.

"May point ka." Nangalumbaba nalang si Selene sa lamesa at tumulala. Ang ganda talaga nya, hay.

Aaminin ko, attracted ako kay Selene, kaya nung nalaman kong nagdedate na sila ni Ken ay medyo nasaktan ako. Akala ko kase nung una ay gusto lang pagtripan ni Ken ang isang to. Sabi pa nga nya sakin e gagawin daw nya yong P.A nya. Siguro kalimutan ko nalang tong nararamdaman ko, ako lang din naman yung masasaktan.

Selene's POV
Siguro ay mga 2 oras din bago natapos makipag usap si Ken dun sa Keith na tumawag. Pagbalik nya pa ay nakakuyom yung pareho nyang kamao, kala ko nga ay nadurog na nya yung cellphone ni Stell e. Mukhang galit na galit sya, hindi nya nga ako pinansin pagbalik nya e. Inabot nya lang ang cellphone kay Stell at umakyat na.

"Josh, Pablo, Stell." Sabay sabay kameng lumingon ng marinig namin ang boses ni Ken. Nakakakilabot, sobrang lalim.

"UG." Pagkasabi nya non ay tumalikod na sya at naglakad. Tumayo naman yung tatlo at sumunod na agad kay Ken. Anong UG?

Naiwan akong nakatunganga sa may kusina at iniisip kung ano ba ang nangyayare.

"Bruno!" Pagkakita ko kay Bruno ay lumiwanag bigla ang bombilya sa ulo ko, hihi. Susunod ako sa UG na sinasabi ni Ken.

Agad namang lumapit si Bruno sakin na aligagang aligaga.

"Yes, Ms. Selene?"

"Pwede mo ba ko samahan sa UG?" Sana pumayag *crossed fingers

"Ah, Ms. Selene, hindi ka pwede don e." Pagkasabi nya non ay bumagsak ang balikat ko. Ano ba yan! Ano kayang palusot ang pwede kong sabihin dito.

"E kase sabi ni Ken pag daw nakita kita sayo nalang daw ako magpasama papuntang UG e." Sana naman ay umepekto ang alibi ko dito huhu

"G-ganon ho ba, sige Ms. Selene, tara. Dun din naman ako papunta talaga." Yooon! Sumunod na ako agad kay Bruno sa paglalakad dahil baka maiwan pa ako.

Nadaanan na namin lahat ng pasilyo ng bahay pero tuloy pa din kame sa paglalakad. San ba kaseng lupalop yung UG na yon.

"Ms. Selene, andito na tayo." Nagtaka naman ako dahil wala naman akong nakikitang pinto bukod sa ilaw na nakasabit sa dingding.

"Ha? Saan dito, Bruno?" Laking gulat ko ng hilahin ni Bruno yung ilaw at biglang nagkaron ng pinto ang dingding. Ang astig!

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now