Chapter 19 Win You Back

903 29 3
                                    

Ken's POV
After that day sa SM nung nakita ko si Selene at Justin na magkasama, nasaktan ako, nagsisisi ako dahil nakipaghiwalay ako sakanya. I don't know what to do, para kong mababaliw sa kakaisip baka nagkabalikan na sila.

"Boss, tulala ka na naman jan. Pano tayo mananalo nyan kila Zeke." Napansin pa pala ni Josh yung pagiging tulala ko.

"Ah, may iniisip lang. Tara, training na ulit." Tatayo na sana ko kaya lang ay hinawakan ako nito sa balikat.

"Alam mo boss balikan mo na si Selene, at least pag andito sya nababantayan mo talaga sya at isa pa kaya nya depensahan sarili nya, kita mo naman nung nagttraining tayo kasama sya diba. Kung inaalala mo safety nya mas okay kung magkasama kayong dalawa kesa yung nasa malayo sya. Kilala mo si Zeke, kahit sinong malapit sayo, kahit pa sabihin mong hiwalay na kayo, gagamitin at gagamitin yon ni Zeke para mapabagsak ka." Mahabang paliwanag ni Josh, napaisip ako dahil mukhang tama sya sa mga sinasabi nya.

"Tama ka, tulungan nyo ko, tawagin mo sila Stell." Sumunod naman agad to sakin at nag thumbs up pa.

Mga ilang saglit lang ay dumating na silang tatlo.

"Bossing, mukhang maganda yang gusto mong mangyare ah." Sabi agad ni Pablo.

"Tulungan nyo ko, pano ko ulit mapapabalik si Selene dito. I missed her so much." Napapangiti naman ang tatlo dahil di naman ako ganto dati.

Nag usap usap kame at nagustuhan ko naman ang plano nilang tatlo.

Mamaya naming gabi gagawin ang plano, sana naman ay maging maayos at di mapurnada.

Selene's POV
"Hay, Kuro, nakakatamad na naman na araw. Ano pa bang magandang gawin?" Pagkakausap ko kay Kuro, kala mo naman ay sasagot to.

"Alam ko na, tetext ko si Stell. Makikipagkita nalang ako sakanya." Agad ko naman kinuha ang cellphone ko at tinext si Stell na pumunta sa apartment ko.

Maya maya lang ay nagreply na ito at sinabing mamaya nalang daw kame magkita sa park ng 6pm. May ginagawa pa daw kase sila.

Awit, 2pm palang kaya tapos 6pm pa kame makakapagkita. Okay na nga yon atleast makakapaglibang pa din.

Lumipas ang oras at malapit na mag alas sais, nakapagbihis na din ako at nakapag ayos para sa lakad namin ni Stell.

"Sama kana, Kuro. Miss kana daw ni Stell e." Nilagay ko naman sya sa bagpack ko saka na ko umalis.

Pagdating ko sa park ay walang katao tao, mabuti nalang at hindi pa masyadong madilim ngayon. Ano ba naman kaseng trip ni Stell at 6pm pa gusto makipagkita, pwede namang kahit 4pm.

6:30 na ay wala pa din Stell na nagpapakita, tinext ko na din sya pero di naman nagrereply. Aalis na sana ko ng biglang may sumulpot na lalaki sa gilid ko. Ano na naman ba to?

"Sumama ka sakin! Wag kang sisigaw kundi malilintikan ka!" Hinawakan ako nito sa braso pero hindi naman ganon kahigpit.

Walangya ka Stell, bakit ba ko pumayag na makipagkita ng alas sais sayo?!

"K-kuya, wala po akong pera. Pakawalan nyo na po ako. Wala po kayong mapapala sakin." Pagmamakaawa ko pero di ako nito pinapansin. Is this deja vu? Parang ganto din nangyare sakin nung nakidnap ako ah. Bakit ba lagi nalang ako nakikidnap?!

"Ipasok nyo na yan!" Dinig kong sabi nung isa nyang kasama, mga naka-mask kase silang itim kaya di ko alam kung sino ba sila, pero parang pamilyar yung boses e.

Habang nasa byahe ay nagpupumiglas pa din ako, napag-gigitnaan ako ng dalawang lalaki.

"Ay teka, piringan mo pala sya." Kakamot kamot na sabi nung isa. Teka nga, kaboses ni Stell to ah.

"Wait, wait, wait! Stell?" Nakita ko namang parang naging balisa yung katabi ko at dali dali akong piniringan.

"Teka ang sikip ano ba!" Sigaw ko sa nagtatakip ng mata ko. Malaman ko lang talaga na sila Stell to nako!

Ilang oras din ang naging byahe namin, tahimik at walang nagsasalita. Pakiramdam ko ay mag isa lang tuloy ako sa sasakyan. Pero kahit gantong nakapiring ako, nakatali yung kamay ko ay di ako kinakabahan. Marahil ay tama ang hula ko na sila Stell nga ang dumukot sakin.

"Andito na tayo, itali nyo nalang sa upuan para di makaalis. Antayin natin si boss." Pagsabi nung isang lalaki ay ibinaba na nila ko sa sasakyan at inupo sa malambot na upuan. Ayos to ah, malambot pang upuan ang pagtatalian sakin.

"Jan kalang, Selene, ay, jan kalang miss." Natawa naman ako dahil nadulas si Josh sa pagtawag sa pangalan ko. Kahit kelan talaga tong mga to.

"Loko ka talaga, baka makahalata sya na tayo kumuha sakanya. Tara na nga, malalagot pa tayo kay Ken nyan e." Kahit bulong lang ay dinig na dinig ko ang sinabi na yon ni Pablo. So pakana pala to ng boss nila, ano naman kaya ang gusto non sakin?

Kalahating oras din siguro ako naghintay bago dumating si Ken. Hindi man sya magsalita ay alam kong andito sya sa paligid ko. Pakiramdam ko ay nakatitig ito sakin kaya binasag ko na ang katahimikan.

"Tititigan mo nalang ba ko? Sakit na ng mata ko sa piring." Pagkasabi ko non ay medyo napaubo pa sya hahaha

Dahan dahan naman nyang inalis ang piring sa mata ko pati na din ang tali sa kamay ko.

Tama ako, Ken is here, my love is here.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Ang tagal kong inantay na makita sya ulit, ang tagal na nung huli ko syang makita, miss na miss ko yung mukha nya, yung amoy nya, lahat sakanya miss ko na.

Magsasalita palang sana ako ay niyakap na nya ako agad.

"Shhh, don't cry, my love. I'm here, I'm really sorry for hurting you. Babawi ako, love. Please come back." Kitang kita ko din ang dahan dahang pagtulo ng luha ni Ken.

"It's fine, love. I understand whatever your reason is. I've missed you so much. Namiss ko yung ganto tayo kalapit sa isa't isa. Kung alam mo lang gano ako nangulila nung wala ka sa tabi ko." Niyakap nya ko lalo ng mahigpit at hinalikan sa ulo. Grabe miss na miss ko tong lalaki na to.

"Thank you for understanding me. Promise babawi ako sayo. Balik kana sa bahay." Nagpacute pa sya kaya natawa ako.

"Hahaha, kahit naman siguro sabihin kong ayaw ko wala na kong magagawa, alam ko namang ipinakuha mo na yung mga gamit ko sa apartment e." Natawa naman ito, namiss ko yung tawa nya, namiss ko talaga sya.

"Galing mo talaga love hahaha." Nagtawanan lang kame hanggang sa may maalala akong isang bagay na kinainis ko non.

"Wait, sino yung babaeng kahalikan mo sa bar?" Akala ko ay di sya sasagot at mag iiba ng topic pero pinaliwanag nya sakin lahat.

"So, hindi mo gusto yung nangyari na yon?" Paninigurado ko.

"Oo naman love, magaling lang aanggulo yung kumuha ng picture. Tsaka di naman yon lumapat, lumayo ako agad e." Tumango tango naman ako dahil kumbinsido naman ako na hindi basta basta nagpapahalik ang mafia boss.

"Pero sayo lalapat to." Pagkasabi nya non ay hinalikan nya ko, how I miss this kind of moment. Very passionate, nakakaadik.

Naputol lang ang kissing session namin ng biglang dumating sila Stell. Awit, nakakahiya.

"Woah, maya na yan hahaha. Uwi na muna." Pang aasar ni Josh kaya mas lalong namula ang mukha ko.

"Loko, tara love." Hawak kamay naman kameng lumabas na dalawa, yung tatlo naman ang tingin e nang aasar.

Hay, sana naman wala ng maging problema, puro love love lang. Alam ko ang bilis kong napatawad si Ken kahit na di ko pa alam yung dahilan nya kung bakit nya ko hiniwalayan. May tiwala ako sakanya at alam kong hindi basta basta yung dahilan nya na yon.

A/N: 🍿 muna kayo jan 👉👈

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now