Selene's POV
Nanginginig ako sa takot dahil nagrarambulan na yung dalawa sa kalye. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang tagal sumagot ng tawag ni Stell. Buti nalang at hindi ako napapansin ng mga tauhan nung kutong lupa na sinapak ni Ken.
"Please, Stell! Sumagot kana." Pagtingin ko sa nagsasapakan ay puro dugo na ang mukha nung kalaban. Samantalang si Ken ay may maliit lang na sugat sa mukha.
Suntok dito, suntok don pero di natatamaan ng lalaki si Ken. Ang galing nya makipag bakbakan, bihasang bihasa. Sabagay, anong silbi ng pagiging mafia boss nya kung di sya marunong makipaglaban.
Tinatry ko pa rin tawagan sila Stell and finally sumagot na ito.
"Hello, Stell. Labas kayo, nakikipag away si Ken. James pangalan nung lalaki. Please!" Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Stell at binaba ko na ito. Nanginginig na ko sa takot, baka mapansin pa kase ako ng mga tauhan nung James at baka madamay pa ko.
Buti nalang at ilang saglit pa ay nakita ko ng lumabas sila Stell galing sa hotel.
"Stell!" Sigaw ko rito, agad naman nya akong nakita at nilapitan. Akala ko ay tutulungan nya si Ken sa pakikipag away pero ang ginawa nito ay hinila ako palayo.
"T-teka, Stell! Si Ken, tulungan mo sya." Hindi naman ako nito pinakinggan at tuloy tuloy lang ako nitong hinila.
Nakita ko si Pablo at Josh na naghihintay sa sasakyan na dala dala namin kanina.
"Pasok na, Selene. Kame ng bahala don. Sasamahan ka ni Pablo jan. Antayin nyo nalang kame." Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi ni Stell dahil nagmamadali na itong umalis kasama si Josh.
Ano bang nagyayare? Sino ba yung mga yon? Isa lang ang makakasagot sakin nito, si Pablo.
"Pablo, sino ba yung mga yon?" Takang taka kong tanong sakanya
"Sila James yon, nakakalaban namin sa karera. Sumasali kase kami dati sa mga motor race. Lagi silang natatalo dahil magaling si Ken sa pagmomotor." Wow so marunong din si Ken magmotor.
"Hindi nila matanggap na talo sila palagi kaya ganyan. Akala nila makakaya nila si Ken. Isa lang silang maliit na alikabok para kay Ken." Proud na proud na kwento ni Pablo. Siguro nga ay sobrang galing nito. Maski sa pakikipag basag ulo ay magaling ito.
"May isa pa kong tanong, bakit tinawag syang Felip nung lalaki? Akala ko ba ay Ken ang pangalan nya?" Tumingin sakin si Pablo at ngumiti. Infairness ha, ang gwapo din talaga nito.
"That's his real name, Felip Jhon Suson. Mas tinatawag lang namin syang Ken dahil mas maiksi to." Napatango tango naman ako sakanya.
Ang tagal na naming nagkkwentuhan ni Pablo bago dumating yung tatlo. Lahat sila ay hingal na hingal at may konting galos sa katawan. Ganon ba sila kagaling makipaglaban?
"Kamusta exercise? Daya di ako nakasama." Pagmamaktol na sabi ni Pablo, ay naiinggit pa ang isang to.
"Basic as always. Puro naman amba ang mga yon. Boss jan kana sa back seat, Selene gamutin mo muna yung cut ni Ken sa may kilay. Nanjan sa likod yung first aid kit." Di na sumagot si Ken at naupo nalang sa tabi ko. Kita ko na pagod sya at parang inaantok na. Maliit lang naman yung sugat nya pero kelangan ko pa ding linisin.
Matapos kong linisin ang sugat nya ay umalis na din kame at umuwi na sa bahay.
Nakakapagod tong araw na to, pakiramdam ko ay ang daming nangyare. Si Justin engaged na, sa kapatid pa nitong fake boyfriend ko. Hay! Niyakap ko nalang si Kuro para gumaan kahit papano ang loob ko.
"I love you, Kuro." Nag meow naman ito, feeling ko ay nag I love you too sya sakin.
"Ikaw nalang mamahalin ko, pare parehas lang naman ang mga lalaki. Matapos kang pasayahin ay iiwanan ka na lang." Sa pag iisip ko ng kung ano anong bagay ay nakatulog na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/294031496-288-k745722.jpg)
YOU ARE READING
I Met The Mafia Boss | COMPLETED
FanfictionShe was broken the night they met. He hunts her because she hurt his precious thing. Will they meet again? What will happen if they meet again? A/N: Kathang isip lamang po ito, sabay sabay tayong mag imagine mga kaps. Enjoy!