Chapter 7 A Day with The Mafia Boss

1K 30 0
                                    

Selene's POV
Pag-gising ko ay nasa kama na ako at katabi ko na din si Kuro. Napangiti ako sa di ko malamang dahilan. Kilig ba tawag dito? Awit!

"Goodmorning, Kuro. Ang saya ng umaga ko hihi." Tiningnan lang ako ni Kuro at bumalik na ulit ito sa pagtulog. Supladong pusa.

Tumayo na ako at dumiretso na sa banyo para mag ayos. Sakto namang tapos ko ay may kumatok na sa pinto.

"Miss Selene, kunin ko na po si Kuro." Siya si Vanessa, sa kanya ko iniiwan si Kuro dahil sabi ni Ken ay expert daw ito sa mga hayop.

"Oh sure, alam mo ang sungit na sakin ni Kuro parang mas love kana nya kesa sakin." Sabi ko dito habang inaabot sakanya si Kuro. Natawa naman ito at hinaplos haplos ang balahibo ni Kuro.

"Nako, Miss Selene, kung alam mo lang gumawa pa ko ng kamukha ng kwarto nyo para makatulog si Kuro. Iyak kase sya ng iyak nung una pero ngayon dahil nga kamukha na ng kwarto nyo ang kwarto na pinagtatambayan nya ay naging komportable na sya."

"Aw! I love you, Kuro. See you later. Please take care of him, ha." Nagkiss muna ako kay Kuro saka sila umalis.

Buti pa to si Vanessa hindi natatakot sa madilim na hallway. Sasabihin ko nga kay Ken lagyan ng ilaw kahit isa. Takot kase talaga ako sa dilim e. Parang any moment kase ay may manghahablot sakin.

*ding

From: MfBss
Are you awake? Come here.

Wew! Pano ko lalabas e ayoko nga dumaan dun sa madilim na hallway. Ilang minuto din akong nag isip isip kung maglalakad ako mag isa dun sa hallway at napagdesisyunan kong wag nalang. Kahit na kumakalam na yung sikmura ko. Gutom na ko!!! Ikaw nalang pumunta dito, Ken, please.

*kring kring kring

OTP:

K: I told you come here.
S: Ang dilim sa hallway. Ayoko sa madilim.
K: Tssss.

-end call

Anong sagot yon? Liliwanag na ba yung hallway sa tssss nya na yon. Kainis!!!!

*ding

From: MfBss
Open your door.

(A/N: MfBss - Mafia Boss)

Makapag utos naman tong taong to. Tumayo nalang ako at binuksan ang pinto. Nagulat ako dahil sa nakita ko, ang liwanag na sa hallway ^_^

"Happy?" Sa tuwa ko ay di ko napansin si Ken sa may gilid ng pinto.

"Super!!! Ang ganda ganda naman pala ng hallway na to!"

"Tsss. I'm hungry, let's eat." Nauna na syang maglakad at dali dali ko namang sinarado ang pinto ng kwarto ko. Hungry din naman ako ah! Hmp!

Pagkarating namin sa dining area ay walang tao. As in walang tao.

"Nasan yung mga tao, Ken?"

"Business. Sit down. Please no more question, I'm hungry." Ang sungit na naman hmp

Mahabang katahimikan ang namayani habang kumakain kaming dalawa. Gutom na gutom ba sya at hindi sya nagsasalita?

"Ah, Ken. Balak ko kase sanang umalis ngayon. Dadalawin ko yung Tatay ko." Tumingin lang sya sakin at nagpatuloy sa pagkain. Kainis!! Mabulunan ka sana!!

*eheeem eheeeem

Ahehehe, wish granted agad!

"Oh, water." Abot ko sakanya. Ininom naman nya ito agad at tapik tapik pa ang dibdib nya.

"Samahan na kita pag alis mo. Wala din naman akong gagawin ngayon." Eh? Sure ba sya don?

Matapos namin kumain ay may sinagot lang syang tawag sandali.

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now