Chapter 13 Kilig Much

945 32 7
                                    

Selene's POV
Pagbalik namin sa loob, lahat sila ay nakatingin samin. Napataas naman ang kilay ko dahil lahat sila ay mga nakangisi. Anong problema ng mga to?!

"What the hell are you staring at?" Iritang sabi ni Ken, tatawa tawa naman silang lahat na akala mo ay nagpatawa si Ken.

"Kuya, look at the mirror, pft!" Agad namang naghanap si Ken ng salamin kaya napasunod ako dito.

"Aish!" Lalo silang nagtawanan lahat kaya hinila ko si Ken at hinarap sakin. Ay putek! Kalat kalat pala yung lipstick ko sa labi nya. Sht! Agad agad akong kumuha ng tissue at pinunasan ko ang labi nya. Nakakahiya!

"Wala kameng nakita hahahaha." Pagbibiro ni Pablo, loko talaga to.

"Shut up! Balik na sa training!" Sigaw ni Ken kaya nagtayuan na silang lahat pero tatawa tawa pa din. Ang mga to talaga!

Naiwan kame ni Ken sa loob dahil lahat sila ay nagsisimula na ulit mag training. Pati si Heira ay nakikisali na din, tinuturuan sya ni Justin mag firing ngayon.

"Nakakahiya, love." Sabi ko kay Ken, pero ang loko tumatawa.

"No, that's fine. Gusto mo ulitin?" Adik sa kiss hmp! Hinampas ko ang braso nya dahil nahihiya talaga ako.

"Love naman e, nahihiya na nga ako e. Tara na nga sa training area." Tatawa tawa naman ito habang palabas kame, napakaloko.

Pagkabalik namin sa training area ay seryosong seryoso silang lahat sa kani kanila nilang ginagawa.

Tinuloy lang din ni Ken ang pagtuturo sakin ng ibat ibang klase ng self defense. Sobrang nakakapagod pero ang saya dahil parang naging bonding na din namin ang pagttraining.

Pagbalik namin sa bahay lahat kame ay dumiretso na kaagad sa kanya kanyang kwarto. Pero itong si Ken hindi ata nakakaramdam ng pagod.

"Love, pwede dito matulog?" Super clingy ng boyfriend ko na to!

"You sure? Dun nalang ako sa sofa." Kukunin ko na sana ang unan at kumot ko kaya lang ay hinila nya ako.

"No, tabi tayo. Si Kuro nalang sa sofa." Agad naman nyang kinuha si Kuro na natutulog na sa kama at nilipat sa sofa. Natawa naman ako dahil ang sama ng tingin sakanya ni Kuro.

Agad naman syang pumwesto sa kama ko at tinapik tapik pa ang tabi nya na parang sinasabing mahiga na din ako don. Napailing nalang ako habang tumatawa.

"Magwash up muna ko, love." Tumango naman sya at nag indian sit muna sa kama.

Kumuha na muna ako ng pamalit kong pantulog bago pumasok sa cr, syempre hindi pwedeng lalabas akong nakatapos lang ng tuwalya dito. Baka kung ano pa ang maisip na gawin nitong Mafia Boss na to.

Pagtapos kong gawin ang mga ritwal ko sa katawan ay lumabas na agad ako. Pagkakita ko kay Ken ay nakapikit na to habang naka indian sit. Nakatulog na yata.

Nilapitan ko sya agad at chineck kung tulog na ba talaga. Yare, tulog na nga. Pano ko papaayusin to ng higa?

"Ah, love? Ayos kana higa. Sleep na tayo." Mumukat mukat naman ang mata nya na tumingin sakin.

"Tagal mo mag wash up, love." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil halos isang oras pala ko sa banyo. Sorry naman hahahaha

"Girl things." Ngumiwi naman sya sa sagot ko.

"Higa kana, gusto ko ulit maligo." Tumayo naman sya agad at dumiretso na sa cr. Naligo na kase sya kanina nung nasa training area kami, pero parang di pa sapat sakanya yon. Tsk! This Mafia Boss!

Nagpatuyo na muna ako ng buhok gamit ang blower ko dahil ayoko namang matulog ng basa ang buhok. Naglagay na din ako ng mga skin care products dahil di kumpleto ang wash up ko kung walang ganto. Habang naglalagay naman ako ng lotion ay lumabas na si Ken na basa ang buhok na tumutulo tulo pa. He's wearing a sando and a short. Ngayon ko lang nakita yung tattoo nya na nasa gilid ng katawan nya. It's a dragon.

"You have a tattoo pala." Inayos naman nya ang kanyang sando para makita ko ng maayos ang tattoo nya.

"Yes, this is our sign." Tumango naman ako dito at tinapos ang paglolotion ko.

"Blower ko hair mo para matuyo agad at makatulog na tayo." Naupo naman sya agad sa inuupuan ko at nagpablower na ng buhok.

"Hmmm, bagay sayo ang amoy ng shampoo ko. Very feminine hahaha." Amoy strawberry kase yung shampoo ko, my fave scent.

"Whatever, btw I used your toothbrush." Hindi ko pa agad naintindihan yung sinabi nya kaya late akong nakareact.

"WHAT? Bakit mo ginamit? Loko ka talaga." Tatawa tawa naman sya sa reaksyon ko.

"That's fine. Beside I already kissed you. So what's the difference, right?" Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko dahil sa sinabi nyang yon. Hindi nalang ako sumagot at tinuloy ang pagtuyo ng buhok nya. I feel awkward.

"Hey, love. Okay na yan. Let's sleep. I want to rest." Agad ko namang pinatay ang blower at inayos ito sa lalagyan.

Nauna syang mahiga sakin pero sa right side sya pumwesto. Buti nalang dahil mas gusto ko ay nasa may pader ako nakadikit.

Pagkaligpit ko ng mga ginamit ko ay pinatay ko na ang ilaw at nahiga na sa tabi nya. Sana makatulog ako agad kahit katabi ko ang Mafia Boss na to.

Niyakap naman ako nito at isiniksik nya ako sa may dibdib nya. Ang komportable ng pakiramdam. Dinig na dinig ko yung tibok ng puso nya.

"I love you, Selene. Goodnight." Pagkasabi nya non ay hinalikan nya ako sa ulo ko. I think I can sleep well tonight.

"I love you more, Ken. Goodnight." Niyakap ko din sya at sabay na kameng nakatulog ng mahimbing. Sana ganto lagi hehe

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now