II Nightmare

3.7K 81 0
                                    

Napabalikwas ng bangon si Melody sa mahihinang pagyugyog sa balikat niya. Nagbubutil-butil ang pawis sa noo. It was that dream again. Ngayon lang uli niya napanaginipan iyon. It had been so long. 

"Here," ani Matt, tiim-bagang na nakatingin sa kanya. He has soulful eyes. Hindi niya kaylanman siguro maiintindihan ang lalakeng halos buong buhay na niyang kakilala. 

Tahimik na nilagok niya ang tubig. Hindi niya masalubong ang tingin nito. 

"You shouldn't have come here," anito, naroon ang halo-halong emosyon sa mukha. "I told you to stay away from me." 

Napakagat-labi siya. "I came here for Olive and the kids and nothing else." 

Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan nila. 

"I will just disappoint you because you know I'll say no," malamig na pahayag nito. 

She felt the urge to hug him. Hindi man ito magsalita alam niyang matagal nitong pinagdusahan ang pagkamatay ng mga magulang at ng pinakamamahal na asawa. He left home and isolated himself in a foreign land. Pinaparusahan nito ang sarili dahil sa guilt. 

"I'll do anything," hindi niya alam kung itutuloy ang sasabihin. Kailangan niyang panindigan ang ipinangako sa magkakapatid na Fernandez. "I'll do anything to make you come home." 

Napaurong siya nang lapitan nito. Nafreeze siya nang halos gahibla na lang ang pagitan nila ng lalake. Hindi siya makahinga ng maayos. 

"Are you sure you'll do anything?" tila nanghahamong sabi, not moving an inch from her. 

Napalunok siya. "Yes," siguro. She has doubts in the way he is asking her. Kilalang-kilala niya ang pagiging maloko ng kapatid ni Olive. He had been a burden to his family because of that. 

He grinned at her. "Are you sure?" sumasayaw sa kapilyuhan ang singkit nitong mga mata. 

Disimuladong umiwas siya rito pero nacorner siya ng lalake sa dingding. Naiinis siya dahil ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Tiyak na nararamdaman iyon ni Matt, another humiliation on her part. 

"Are you backing out on what you have said?" pinameywangan siya nito. "Ang dali naman atang magbago ng isip mo, Melody. Scared?" 

"Hell, no!" itinulak niya ito. Lumayo siya ng ilang dangkal. She felt threatened, she has to protect herself. 

Naupo si Matt sa gilid ng kama. Prente itong naupo. 

He is testing her words. Akala ata ng unggoy na ito magbaback out siya ng ganun-ganon na lang. Well, she isn't the type to give up that easily. 

"What do you want?" kalmadong sabi niya. 

Mateo smiled a lethal smile. Mukhang may niluluto itong kalokohan. 

"I need a lover and a partner in bed." 

"What?" Melody felt her heart beat stop. "Baliw ka ba?" wala sa loob na niyakap niya ang sarili. 

Narinig niya ang mahinang tawa ng lalake. "You should have seen your reaction. Para kang daga na nahuli ng pusa." 

Hindi niya napigilan ang sumimangot. Ito lamang ang tanging taong hindi niya mabasa ang nasa isip. Mula noon hanggang ngayon, paborito na siyang alaskahin at biruin ng lalake. 

"I need to see the merchandize first," matapang na pahayag niya. "Before agreeing to your proposition, I need to see you naked," nasiyahan siya nang bahagyang magbago ang expression ng mukha nito. O loko, akala mo ikaw lang ang marunong mamuska. Hindi siya nito maiisahan. 

"Are you asking me to strip?" there was something dangerous in the way he stood up and looked at her. "Being naked in front of a woman means nothing to me," sinimulan nitong tanggalin ang butones ng polong suot. 

Naalarma siya sa kinatatayuan. She wanted to stop him. 

Then suddenly, he stopped. "How about you, Melody? Are you comfortable stripping in front of a guy?" 

Napipilan siya. Nakasalalay sa isasagot niya ang magiging resulta ng kanyang misyon sa paghunting sa lalake. What she said backfired at her. Sapul na sapul siya. 

Huminga siya ng malalim at pikit-matang hinubad ang suot na blouse. Hindi siya magpapatalo kay Mateo. "How about this? Are you happy now?" sinikap niyang maging kalmado pa rin kahit gusto na niyang kumaripas ng takbo. 

She felt him stare at her. Blangko din ang expression ng mukha. Parang slow motion sa paningin niya ang paghuhubad nito ng polo. Tumambad sa paningin niya ang perfectly toned and sculpted muscles nito. Higit na naging sexy at yummy ito sa lumipas na mga taon. 

Yummy? Where did that come from? 

Ibinalik niya ang paningin sa mata nito. Tiyak na magkakasala lang siya kung sa katawan nito titingin. Matatalo siya ni Matt. He is a natural charmer and flirt. Bukod sa pagiging bad boy, likas din itong malapit sa mga babae. Bata pa lang siya nang una niyang masaksihan ang isa sa mga escapades nito. Kailangan niyang mag-ingat. 

He unbuckled his belt at inalis iyon. Napilitan siyang alisin din ang sinturon, not looking away from him. Kakayanin niyang maghubad sa harap nito. 

Nahigit niya ang paghinga nang maghubad ito ng pantalon. Nakaboxer shorts ito at bakat ang muscles nito sa hita at ang bagay sa pagitan niyon. 

Baka naman maheart-attack siya nito at tuluyang mapurnada ang mga plano niya. Napakagat-labi siya nang mapilitang hubarin din ang suot na pantalon. Pagbabayaran mo ito, Mateo. Tatandaan ko ang araw na ito, she swore to herself nang paulit-ulit. 

Nainsulto siya nang marinig ang tawa ng kaharap. Tiningnan niya ito ng pagkatalim-talim. 

"I'm sorry," anitong halata namang hindi sincere. "I'm not used to seeing short legged women." 

Ouch, tama ba namang ipamukha sa kanyang hindi na siya lumaki. Ever since alam niya ang tipo nito, mga babaeng matatangkad at mahahaba ang biyas. He said so himself. 

"Sorry at nadisappoint kita ha," pagtataray niya rito. "At least mapuputi naman ang hita at tuhod ko kaysa doon sa babaeng kalampungan mo sa auditorium," sa lahat ng mga naging babae ni Mateo ay dito lang kumulo ang dugo niya ng sobra. She's the ultimate bitch na lage niyang ginagawang kontrabida sa mga libro niya. 

He smiled widely. Sinuyod nito ng tingin ang kabuuan niya. Nagbilang siya hanggang sampu para pigilan ang sariling suntukin ito. May araw din sa kanya ang lalake. 

Muntik na siyang mapatili nang hubarin nito ang boxer shorts. "You didn't think we're done yet, right?" 

Napalunok siya ng sunud-sunod. Matagal na pinag- isipan niya kung ano ang uunahing tanggalin. Sa huli ay tinanggal niya ang kawit ng bra. Ano ba nman itong napasukan niyang gulo? Pulang-pula ang mukha niya, she felt herself blush from head to toe. 

Hindi niya matingnan ang sarili dahil baka magback out siya bigla. Maduwag sa hamon ng kaharap. She has come this far. Ngayon pa ba siya susuko? 

Naramdaman niya ang mahabang katahimikan. Ilang saglit na tahimik si Mateo. Inilang hakbang lang siya nito. Nabigla siya nang pitikin nito ang teynga niya. Madilim ang mukha nito nang harapin siya.  

"How could you willingly expose yourself to a man? Hindi ka ba nag-iisip? How can you be so sure I would keep my part of the bargain?" 

Napasigok siya, animo batang napagalitan. "I trust you. You may be the worst father and brother in the world but you always keep your word. Hindi ka mangangako ng hindi mo kayang tuparin." 

Napaaray siya nang pitikin uli nito ang teynga niya. "You think so highly of me. I'm a monster and you of all people should know that.So for your own good, stay away from me, Melody." 

Galit na nagbihis ito at mabilis na lumabas ng silid. Naiwan siyang mag-isa.  

She felt tears well in her eyes. Mabilis na tumulo iyon sa pisngi niya. Hindi lang ito ang nagdurusa at nasasaktan.

Book 2:  A Writer's MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon