V. The Past

3.1K 67 1
                                    

“Mateo?” hindi malaman ni Melody kung papasok na ba siya sa loob ng silid ng lalake. Huling araw na ng burol sa mag-asawang Fernandez at ng asawa nitong si Jenny ngunit hindi pa rin nagpapakita ang lalake.

He isolated himself from everyone, including Olivia and the kids. He started drinking again. Nagkalat ang bote ng alak sa sahig. Napakadilim, sinubukan niyang buksan ang ilaw ngunit hindi ito nagsisindi. Malamang ay binasag ito ng lalake.

Napabuntung-hininga siya. Sinisisi nito ang sarili sa pagkamatay ng mga mahal sa buhay. Isang milagro na tanging gasgas lamang ang natamo nito mula sa aksidente gayong halos wasak na ang buong sasakyan sa lakas ng impact. Lasing kasi ang nakabanggang truck sa kanila.

Nalulungkot siyang isipin na wala na ang mag-asawang umaruga sa kanya mula ng mamatay ang kanyang Lola Floning. Dapat sana’y nagbabakasyon ang mga ito at naglalayag sa buong mundo tulad ng balak ng mag-asawa.

Awang-awa siya kay Olivia na pinipilit magpakatatag dahil maging ang kuya niya ay kailangan pang alalahanin. He’s still in denial.

Kung namatay din si Mateo, she too would have died. Sa kabila ng masamang nangyari, naniniwala siyang may rason kumbakit ito nakaligtas.

“Mateo,” ulit niya. Sinasanay niya ang mga mata sa dilim. Narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Sumikdo ang dibdib niya. Ang kinakatakot nilang lahat ay baka magpakamatay ito sa labis na depresyon.

Halos liparin niya ang pinto. Kinapa niya ang switch ng ilaw, nagbukas iyon ngunit malamlam lamang.

She found him naked in the bath tub, seemed sleeping. Napalapit siya rito. She checked his pulse, throbbing… mukha namang normal. Wala naman itong sugat.

Nakahinga siya ng maluwang.

Pinagmasdan niya ang mukha nito. Naging humpak na ang pisngi nito at nagkaroon ng pinong mga balbas at bigote. Hindi na rin nito makuhang mag-ahit man lang. Parang sinipa ang puso niya. Hinaplos niya ang pisngi at buhok nito.

Kung maaari lang makihati sa sakit na nararamdaman nito, she would willingly burden half of his pain right now. He is just taking it all in. Hindi nito gustong pag-usapan ang nangyari. 

“Mateo,” bahagya niya itong niyugyog.

Umungol lamang ito.

Nilakasan niya pa para tuluyan itong magising.

He opened his eyes. Half opened them, dazed. Mukhang lango pa ito sa alak.

“Tumayo ka na,” pinilit niyang iniangat ito. Napakabigat ng lalake.

“Jenny…”parang pinipiga ang puso niya nang tawagin nito ang namayapang asawa.

Nagawa niyang punasan ang katawan nito ng tuwalya, hindi siya tumitingin sa kahubdan nito. She felt herself blush. Ang init ng buong mukha niya.

Wala sa wisyo si Mateo pero pinagpapantasyahan niya pa rin ito. Ilang ulit niyang pinagalitan ang sarili.

Natigilan siya nang hawakan nito ang kamay niya.  Napakalamlam ng mga mata nito na animo malapit ng umiyak. Hinila siya nito upang yakapin. Nabitawan tuloy niya ang tuwalyang ipantatapi sa baywang nito.

Speechless.

“Huwag mo na akong iiwan uli… Jenny,” garalgal ang tinig nito.

“Mateo, hindi ako si Jenny,” tinangka niyang kumawala rito. Sobrang kalasingan marahil kaya naghahalusinasyon ang lalake.

Lalo lamang siya nitong niyakap. Burying his face on her chest. “I need you… kailangan ka ng mga bata…” natigilan siya nang makita ang mga luhang bumalong sa mga mata nito. For the first time in days, ngayon lang niya nakitang umiyak ito.

“Kailangan kita..” he said solemnly planting kisses on her forehead.

Lumayo ka na, iyon ang utos ng isip niya. But she stood there, willingly parted her lips to meet his kiss.

Banayad na dampi lamang iyon sa una. Sinusubok at ginagalugad ang nanginginig niyang labi.

This is her first kiss. Nilaan niya talaga ito para kay Mateo. Kahit alam niyang hindi siya nito hahagkan, lihim pa rin siyang umasam.

Alam niyang panaginip lamang ito at sa paggising niya, si Jenny pa rin ang mahal nito. Pangalan pa rin nito ang babanggitin niya.

“I want you,” parang lumaki ang ulo niya sa narinig lalo na nang hagkan siya nito sa leeg pababa sa dibdib. Marahas na at mapusok ang bawat kilos nito. Nagtayuan ang lahat ng balahibo sa batok niya.

Pikitmatang nagpaubaya siya sa kapangahasan nito.

Isa siyang baliw… baliw na umiibig sa taong hindi naman magiging kanya.

 

 

Hindi maidilat ni Melody ang mga mata. Her whole body is writhing in pain. Tinangka niyang bumangon ngunit may mga brasong pumigil sa kanya. Mainit ang pakiramdam niya.

Ang mukha ni Mateo ang nabungaran niya. Malamig ang ekpresyon ng mukha nito. For a moment ay inakala niyang sasaktan siya nito. Animo papatay ito ng tao.

“I’m sorry,” mahinang usal niya. May kasalanan siya rito. Sinamantala niya ang kalasingan ng lalake. She should have resisted. Hindi niya tuloy ito matingnan sa mga mata.

Nagulat siya nang akapin nito. Yumugyog ang balikat nito.

“Mateo,” hinang-hina siya. “Wala kang kasalanan…” she felt tears fall down her cheeks. The whole night, Mateo was whispering Jenny’s name. Emotionally drained na siya para makapag-isip pa.

Isa lamang sex ang nangyari sa kanila. Makailang ulit sa buong magdamag ngunit ang emosyon ay hindi talaga para sa kanya.

Nakatulugan niya ang pag-iyak. Nang magising siya ay wala na ang lalake. Hindi na siya nakadalo sa libing. Later on ay nalaman niyang dumalo si Mateo at ito ang nagsabing may trangkaso siya.

After that night, everything changed between them. She couldn’t face him. He avoided her.

Wala siyang pinagsabihan kahit kanino kahit pa nga sa matatalik niyang kaibigan, si Sugar at Olivia. She treasured it, feared for it...

After 3 months, he ended up leaving. Iniwan nito ang lahat. Kahit hindi nito diretsang sabihin sa kanya, he left because of her too. He left without saying a word to her… without saying goodbye. At that moment, alam na niyang wala ng pag-asa pa ang kanyang unang pag-ibig.

Book 2:  A Writer's MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon