XIV A Writer's Own Happy Ending

4.8K 163 23
                                    

Nuong una ay nagpumiglas siya upang makawala sa bisig ni Mateo. Ngunit sa kalaunan ay kumawala rin ang pananabik niya sa lalake. Famished from the taste of his lips… the feel of his warmth.

Naramdaman niya nang saluhin ng kamay nito ang ulo niya. He wanted to deepen their kiss, she let him. Halos mapugto ang hininga niya, naging mas mapusok pa siya. Napaungol pa siya nang maramdaman ang banayad na paghagod nito sa puno ng dibdib niya.

She wanted to protest when he stopped kissing her, he hugged her tight. She could hear his deep breathing. “I wanted so much to kiss you all day but first thing’s first.”

Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya. “I love you. You would ask me when but I really don’t know when I started to feel this way. You would ask me how I’m sure about my feelings for you… sapat para kuntsabahin ko silang lahat para lang masolo kita at hindi matuloy ang date ninyo ng ‘totoy’ na iyon.”

“Si Daniel?” hindi makapaniwalang sabi niya. She wanted to laugh but his face was all red. Tumango ito. He looked boyish. He buried his face on her breast. Muli, nais niyang matawa sa ginawi nito.

Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Suntok sa buwan ang isiping mamahalin siya ni Mateo.  At mas lalong hindi kapanipaniwalang kikidnapin pa siya nito para lang masolo at makapag-confess! It wasn’t like him at all. He is so damn arrogant and egoistic. Mamamatay muna ito bago aminin ang kahinaan sa iba.

Ako na! naramdaman niya ang pagtalun-talon ng puso sa kanyang dibdib ngunit sinikap niyang huwag ipakita iyon kay Mateo.

“I was a fool to make you believe that I just used you to complete my mission,” malungkot na sabi nito. “Ang totoo natakot ako… You were the epitome of trouble. You were always looking for danger. Tumigil sa pagtibok ang puso ko nang hiwain mo ang pulsuhan mo. You just didn’t know how I hated myself for causing you to resort to that… kahit sabihin pang gusto mong iligtas ang buhay ko.”

“I don’t want anyone to die because of me… again,” hindi niya napigilang haplusin ang naghihirap nitong mukha. “Especially the one I love…”

Bumalong uli ang luha sa mga mata niya… Hindi maipaliwanag na saya ang bumalot sa puso niya. Mahal siya ni Mateo. Mahal na siya ng kanyang Mateo…

Ang tagal niyang naghintay…

“Teka, kung mahal mo ako talaga, bakit hinayaan mong mahigit labinlimang minutong nakakapit sakin ang lintang iyo?” sumbat niya rito kandatulis ang nguso.

“Babe, hindi lahat nakukuha sa pilitan,” inakbayan siya nito. “If I forced it, it might release toxins that can cause you more harm.”

Humalukipkip siya. “I’m not convinced. Sinadya mo lang iyon para lang inisin ako. Aminin mo na.”

Pinisil nito ang ilong niya. “Bonus na lang iyon,” saka sinundan ng malutong na halakhak.

Pinagkukurot niya ito sa tagiliran. Panay naman ang ginawa nitong pag-iwas. Nang mahuli nito ang kamay niya ay hinagkan siyang muli. Buong pagsuyo. At naroon ang matagal na niyang hinihiling… ang pagmamahal.

“Ahem,” nakarinig siya ng eksaheradang pagtikhim mula sa pinto. Nuon niya napansin na naroon sina Sugar at ang tatlong mga bata. “Itigil na ang cast away drama na ito. Mukha namang malayo na ang narrating ninyong dalawa,” naroon ang panunudyo sa himig nito.

“Ano ba’ng pinagsasasabi mo?” uminit agad ang mukha ang leeg niya. Hindi niya alam kumapaano magkakaila sa mga bata. Nahihiya siya kina Jeremy, Jules at Juriz. Ano na lang ang iisipin ng mga bata?

“Napaaga ata ang pagsundo ninyo?” si Mateo, lalo pa siyang niyapos.

“Kung hindi pa kami dumating baka tuluyan na kayong naghoneymoon dito,” sagot ni Sugar na lalo niyang ikinapula. Nagtago siya sa dibdib ni Mateo.

Ang lakas ng tawa ng mga ito. “Priceless,” si Sugar iyon.

“Children, meet your new mom,” bigla ay hayag nito sa mga anak.

Naghiyawan ang mga bata saka biglang natahimik sina Juriz at Julia. Nagkatinginan.

Inilahad ni Jeremy ang palad sa sa dalawa.

“Ikaw na naman ang nanalo,” halos ayaw pakawalan ni Julia ang hawak na one thousand pesos.

“Hayaan mo na, at least may bago na tayong mommy,” ang lapad ng ngiti ni Juriz.

The three love making bets. At mas madalas na si Jeremy ang panalo sa magkakapatid.

Nanlalaki ang matang napamata siya kay Mateo. “Nanay agad? Hindi ka pa naman nanliligaw!”

“Aru, at ngayon ka pa magpapakipot?” tudyo uli ni Sugar. “It’s too late to play the demure bride to be,” nginisihan pa siya nito.

Sinimangutan niya ito. “May atraso ka pa sa akin at hindi ko ‘yon nakakalimutan. You will pay. Mahal. Kaya humanda ka, Susan Garnet del Moran!” muntik ng mapatalon ito nang marinig na bigkasin niya ng buo ang tunay na pangalan.

“Whatever,” anito. “Kids, let’s give your dad and ‘new’ mom thirty minutes more to savour this moment.” Kinindatan pa siya nito bago tuluyang lumabas.

Inulan siya ng tukso mula sa dalawang dalagita. Siyang-siya rin si Jeremy. Hindi maalis ang pagkakaplaster ng ngiti sa mukha.

“I still owe you a lot of explaining,” umpisa ni Mateo nang sila na lamang dalawa.

“I love you too,” agad na sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. Agad niyang sinelyuhan ng halik ang mga labi nito. Explanation can wait… She damn misses him too much to waste on talking. Marami pa silang minuto at oras upang makapag-usap sila ng husto.

What matters now is that he loves her and she loves him in return.

Nararamdaman niyang marami pang magandang bagay ang darating…

Book 2:  A Writer's MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon