I The Search for Mateo

4.5K 81 2
                                    

Ilang ulit na napakurap si Melody habang nakamata sa matangkad na lalakeng may asul na mga mata. Speechless na nakatingala siya rito.

"Come posso aiutarla, bella signora?" nakangiti ito habang nakaharang sa pintuan ng unit.

Nagkamali ba siya ng lugar na napuntahan? Sangkatutak na hirap ang inabot niya para lang matrace ang taong iyon. Could she be wrong again? A few days ago, she's in London, now she's in Verona, Italy, in search of that brute.

"Do you speak English?" aniyang napakamot sa ulo.

"A little," anito sa palipit na dila.

Good, medyo nakahinga siya ng maluwag. "I'm looking for Mateo Fernandez? I don't know if I got his address correctly."

"Matt?" anitong lalong lumiwanag ang mukha. "Matt, una bella ragazza ti sta cercando ..." sigaw nito. 

Bahagya niyang napagmasdan ang lalakeng kaharap. Nakaboxer shorts lamang ito at sando. May kung anong pumasok sa isip niya ngunit agad napalis iyon nang Makita ang lalakeng palapit.

Nakatapi lamang ito ng tuwalya at mukhang kagagaling ng shower. She felt her heart stop beating. Maging paghinga ay nakalimutan na niya.

Mateo Fernandez... He has changed physically but it was as if she is seeing him the first time again. He's the ultimate bad boy. He has this lethal aura that surrounds him, a part of his charisma and attraction.

Undoubtedly, sa ganda ng katawan nito, he's one hell of a hunk too. He must have had a lot of women since he left, may kung anong sumuntok sa dibdib niya. Hindi siya napunta para roon. She has a mission.

"What are you doing here?" muntik na siyang mapatalon sa dagundong ng boses nito. 

Instinctively, nagtago siya sa likod ng isang lalake.

"Don't scare the little girl, Matt," natatawang awat ng una.

"Questo piccolo monello è una strega. Non fatevi ingannare da come si guarda" ani Matt. Pakiramdam niya ay paninirang puri ang sinabi nito sa kaharap. 

"Don't be harsh," natatawang sabi ng lalake. "I'm Luigi Cipriano," inilahad nito ang kamay sa kanya.

"I'm Melody," nagawa pa niyang ngumiti dahil tila ito ang anghel dela guardia niya. She needs all the alliances she can get basta pagdating kay Mateo.

He gently pulled her inside the room. Nakita niya kumpaano nagdilim ang mukha ni Matt, she swear he wanted to wring her little neck. Bahala na, nandito na lang din siya ngayon pa ba siya susuko?

It's an old brick house that was turned to an apartelle. La casa di amore everlasting, the house of everlasting love. Ang pinakamagandang parte ng kuwarto ay ang veranda na nagbigay ng maaliwalas na aura sa kabuuan nito.

"Hey," napapitlag siya nang hawakan ng mariin ni Matt sa braso. 

She was looking at the same pair of eyes that haunted her dreams and nightmares for a long time.

"Stop, daydreaming," angil nito sa tila pagkawala niya sa sarili. She is there physically ngunit malyo na ang nilalakbay ng diwa niya. Tinapik pa nito ang pisngi niya.

"Matt, she must be tired," awat ni Luigi, naawa siguro sa reaksyon ng mukha niya. "Let her rest for awhile," tiningnan nito ang dala niyang bag. "Where are your things?" anito.

"These are," she smiled. Kabug lang na sarili niya at ilang personal na gamit ang dinala niya sa unexpected travel na iyon.

Natawa ito. "Most women I know bring their whole closet when they leave," amusement ang nababasa niya sa mga mata nito. "You can take the room beside Matt's."

Nagdadalawang isip na sumulyap siya rito. Tiim ang bibig nito. Muntik na namang maglakbay ang diwa niya pero agad niyang pinigilan ang sarili. It would not be beneficial to her. 

Inakbayan ni Luigi ang lalake. "Matt wouldn't mind. He's just not used to entertaining visitors especially beautiful ones," pabirong kinindatan pa siya.

"Mostra Melody sua stanza."

She saw how he gasped for air, his usual mannerism kapag napipilitan. 

"Halika na," anito, nauna na sa silid.

Natatarantang napasunod siya rito.

"You can stay here for tonight," malamig na sabi nito. "But I want you to leave first thing in the morning," marriing sabi nito.

"No," she looked at him directly in the eyes. "I promised your children I would bring you home." Juriz, Julia and Jeremy need a father, it's about time he comes home.

Nakita niya ang pagpintig ng ugat sa sentido nito, taas baba rin ang Adam's apple nito. She waited for him to burst into anger. Ilang sandali rin ang lumipas ngunit hindi ito tuminag. In a blink of an eye, she saw his pain. Hindi pa rin nito nakakalimutan ang trahedyang nangyari. He is still stuck in the past. 

"Two months  from now, your only sister is getting married. If I need to drag or kidnap you para lang maiuwi ng Pilipinas dare me and I'll do it," ikakasal na ang bestfriend niyang si Olive. She found out that she's pregnant. Kahit hindi nito sabihin, she wants to see her only brother walk her down the aisle. Marahil nga ay ito lamang ang hinahantay nito kaya hindi agad nagpakasal ang magkasintahang Olivia at Ysrael.

Nagulat siya nang marinig ang mahina nitong tawa. "You didn't change, Melody. You became worse."

Napasimangot siya. "What makes you think you can drag me to the airport?" he was literally looking down at her. He stands six feet, mukha siyang dwende sa taas na five flat. Hindi na siya lumaki at tumangkad, taliwas sa inasam niya noong bata pa siya.

"What makes you think I can't?" pinameywangan niya ito. Nang mangawit sa kakatingala, sumampa siya sa kama. Nasiyahan siya na ito na ang nakatingala sa kanya.

He laughed hard. "Iba ka talaga," he heard him murmur. "Luigi will call you when dinner is set," tinalikuran na siya nito.

"Sandali," pigil niya sa braso nito. 

Napilitin itong lingunin siya. 

"Is he gay?" out of the blue ay nasabi niya.

"No," anitong tila inaanalize ang expression sa mukha niya. 

"So," hindi niya maituloy ang gustong sabihin. Hindi niya ata matatanggap ang naisip.

"What?" impatient na untag nito ngunit wala naman balak umalis sa kinatatayuan. He seems to wait for her to tell him what's on her mind.

"So ikaw ang bakla?" hesitant na sabi niya.

"What do you mean?" anito nakatingin ng mataman sa kanya.

"Lovers kayo hindi ba?" namimilog ang almond shape eyes niya habang nakatingin dito.

"You think I'm gay?" flat ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi niya malaman kung ano ang iniisip.

"Not exactly," amin niya. "But people can change preference. And I really don't mind at all," totoo iyon. She would accept him in any form and mood.

Matamang nakamasid sa kanya si Matt. Nag-iwas siya ng tingin, hindi niya matagalan ang makipagtitigan dito.

"Aray," nagulat siya nang pitikin nito ang teynga niya.

"Mabuti pa, get some sleep," anito. "Nang mawala ang agiw sa utak mo."

Hindi na siya nakapagreak dahil nawala na sa paningin niya ang lalake.

Naroon na naman ang mabining pag-alon ng dibdib niya.

God, she must not feel this way anymore.

Book 2:  A Writer's MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon