VII Say My Name

3.2K 73 1
                                    

Melody immediately noticed the familiar shadow at the veranda.

Hindi siya agad nagpakita rito. Tiyak na kukunutan na naman siya nito ng noo. Sa mga pagkakataong ganito Malaya niyang napapagmasdan si Mateo.

Mukhang malalim ang iniisip nito.

She could tell that he’s in trouble. Wala pa rin siyang narinig na eksplanasyon mula rito kumbakit sila kinailangang palihim na umalis sa party na iyon.

Hindi naman niya mausisa ito, she wanted him to open up to him freely.

Mukhang malabo iyon ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa.

Sira ka talaga, Melody, gusto na niyang katusin ang sarili. She’s a sensible person pero kay Mateo, nawawala ang lahat ng logic. Naiiwan sa closet ang utak niya.

She decided to let him be.

“Nagsawa ka na sa kakatingin sa akin?” anang lalake na ikinapihit niya paharap dito.

“Hindi ‘no,” depensa niya agad. Kanina pa ba nito alam na naroon siya?

She heard him chuckle. Isa iyong pamilyar na musika na madalang na lang niyang marinig.

She pouted. Nagmartsa siya palayo rito.

“Don’t leave,” natigilan siya. Nanayo lahat ng balahibo niya sa likod.

Mateo has this husky voice that she can’t ignore. Parang lagi itong kakagising lang at inaanyayahan siyang magsumiksik sa katawan nito.

Ilang beses siyang umiling. Wrong thought…

Hindi siya lumingon dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili na yakapin ito. She wanted him.

“Inaantok na ako,” mahinang sabi niya. Sapat lamang upang marinig ng lalake.

She can’t afford to break her heart again. Mateo will not hurt her; it would be self inflicted hurt. She has to safely deliver him to Olivia and the kids.

Iyon ang pinaka importante ngayon.

She might drive him away again.

Naramdaman ni Melody ang bahagyang paglundo ng kama. Naalimpungatan siya. Kanina pa niya hinihintay na pumasok si Mateo ngunit nakatulugan na niya ang paghihintay dito.

Pigil ang hiningang hinintay niyang makahiga ito.

Her heart was beating wildly inside her chest. Natatakot siyang baka sa lakas ng kabog niyon ay lumabas na ito sa dibdib niya. Or worst, baka marinig ni Mateo at kantyawan uli siya.

“Gising ka pa,” it’s more of a statement, rather than a question.

Hindi siya sumagot.

“Luigi will pick you up the day after tomorrow,” anunsiyo nito.

Napaupo siya sa kama, looking at him in awe. “You can’t make me,” mariing pahayag niya.

“I asked Ysrael to pick you up at the airport,” hindi man lang ito natinag.

“Hindi na ako bata. You can’t dispose me that easily,” tumayo siya para makakuha ng lakas. “I can have options and choices without you taking that away from me.”

Napaaray siya nang hawakan nito ang braso niya.

“You’re getting in my way again…” naroon ang matinding pagpipigil sa bawat salitang binibitiwan nito. “Napapagod na ako sa kakabuntot mo. I can’t be responsible for you all the time.”

Book 2:  A Writer's MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon