VIII Undecided

3.2K 69 2
                                    

Napaatras si Melody nang marinig ang boses ni Mateo na kausap ang matandang Cipriano. Wala sa loob na napabalik siya sa taniman ng ubas.

Ang sakit ng katawan niya dahil sa nakaraang gabi. Literal na may araw na nang patulugin siya ni Mateo. He is one healthy stud. Wala itong kapaguran. She immediately blushed at the thought of him…

Ngayong lumipas na ang init ng kanilang katawan at maayos na siyang mag-isip, nakaramdam siya ng matinding hiya. They are both consenting adults. She should at least try to act normal. Hindi iyong para siyang dagang nagtatago sa pusa.

She has been avoiding him the entire day. Literally…

Sumama siya sa bayan sa magkapatid na Darlene at Gabby. Nakabili siya ng ilang personal na gamit para sa kanya at kay Mateo. Imbes na hintayin na lang ang inutusan nitong trabahador sa plantasyon.

She wanted to get away. Hindi niya alam kumpaano ito haharapin. By now he must have known that there was no other man in her life but him… Madali lang naman makita na in love talaga siya rito. He had known that all along and the proof was what happened last night.

Natatakot siyang masaktan uli dahil sa sarili niyang kagagawan. Ayos na ang pisikal na ugnayan nila ng lalake. Masyado na siyang aasa kung pati puso nito ang hihilingin niya.

Napamura siya sa isip. Isa siyang romance writer na walang sariling love story na matatawag.

“Melody, hija,” natanaw niya sa hindi kalayuan si Lola Isabel. Puti na ang lahat ng buhok nito at kulubot na ang balat ngunit naroon pa rin ang hindi matatawarang liksi sa pagkilos.

She was looking at a pair of brown, almond shape eyes. Mabait ang bukas ng mukha nito.

“Naiinip ka na siguro sa bahay?” nakangiting sabi habang namimitas ng ubas. May dala itong isang basket na rattan.

“Hindi naman po,” nakangiting sabi niya. Tinulungan niya ito sa pagbitbit ng basket. “Sumasagap lang ng preskong hangin.”

Tumangu-tango ito. “Kamusta ang Pilipinas?”

“Ganoon pa rin ang buhay. Marami pa ring problemang pinansyal ang bansa. Marami pa rin ang walang trabaho at nagugutom. Pero nananatiling nakangiti ang mga tao,” nakakatawa mang isipin ngunit isa siyang makabayan sa puso kaya mas ninais niyang manatili sa Pilipinas kaysa mangibambayan. “Ilang taon na po kayong hindi nakakauwi?”

Nag-isip ang matandang babae. “Marahil ay mga twenty-seven years na… mula ng mamatay ang nag-iisa kong anak na babae ay hindi na kami nakabalik.”

Sa pagkakatingin niya sa kaharap ay tila lalong tumanda ito. Her eyes reflect a deep pain and sadness.

Hindi napigilan ni Melody ang gagapin ang kamay ng matanda. Hindi niya maipaliwanag ngunit talagang magaan ang loob niya sa mga tao sa lugar na iyon, lalo na sa mag-asawang Cipriano.

“Ngunit parte na lamang iyon ng nakaraan,” sinikap nitong ngumiti. “Ang mahalaga ay ang ngayon.”

Napangiti siya. Tila isang matatag na babae si Isabela Cipriano. Katulad ito ng kanyang Lola Floning, sa kabila ng edad ay sinikap siyang itaguyod mag-isa.

Nalaman din niya na pamangkin pala ng matandang Cipriano si Luigi kaya nakilala ng mga ito si Mateo nuong lagalag pa ang lalake.

“Sweetheart, narito ka lang pala,” ang matandang Cipriano ang una niyang nakita, iniwas niya ang tingin sa katabi nito.

Agad na inakbayan ng matandang lalake ang kabiyak at hinagkan sa noo. Warmth filled her heart. Sa panahon ngayon ay mayroon pa rin palang ganoong uri ng pagmamahal. Sa kabila ng paglipas ng maraming taon at nawala na ang dating kakisigan at kagandahan ay naroon pa rin ang pagmamahal.

Book 2:  A Writer's MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon