XIII The Island

3.8K 88 5
                                    

Light…

Melody felt the heat touching her cheeks.

Tinangka niyang dumilat ngunit agad ding napapikit. Too much light coming from the window.

Ang sakit ng ulo niya, pumipintig ang magkabilang sentido niya.

Napahawak siya sa ulo. She badly needs coffee.

It was like having bouts of severe hangover.

She tried again to open her eyes, closed them again.

She tried to think. The last thing she remembers is talking to Olivia and Sugar…

Shit, she groaned. Nilagyan ng dalawang iyon ng pampatulog ang juice na ininom niya.

What the hell are they thinking?

Tinangka niyang bumangon ngunit ayaw sumunod ng katawan niya.

“I wouldn’t move so much if I were you,” napamulat siya sa tinig na iyon.

It was Mateo alright. Wala itong saplot na pang itaas at naka-shorts lamang.

Napakurap siya ng ilang ulit. Anong ginagawa roon ng lalake?

Lumapit ito sa kanya at walang anumang iniupo siya. Wala siyang lakas upang tumutol. Isinandal siya nito sa kawayang dingding.

He made her sip from a metal cup. Mapait iyon. Her mouth and throat felt dry.

Coffee… she drank some more.

Bahagyang humupa ang pananakit ng ulo niya.

Napansin niya ang tumutubong balbas sa magkabilang panga ni Mateo.

“Anong nangyari?” she managed to ask him, staring at the familiar pair of eyes.

“Well I guess, we’re both trapped in this place for a couple of days,” kalmanteng naupo ito sa tabi niya.

Nagkandaubo-ubo siya sa sinabi nito.

Hinagod naman nito ang likod niya. “Easy…”

“What did you just say? A couple of days?” nanghihinang napakapit siya sa braso nito.

May itinuro ito sa may pinto.

Napahumindik siya sa nakita. It was an illustration board not a manila paper or cartolina. It says, “We’ll both pick you up before Olive’s wedding. For now, try not to kill each other.”

Sugar del Moran! Ang lesbianang ‘yon ang may pakana nito!

P.S. If you try to escape, go ahead. We are not responsible if the sharks will devour your bodies. The only way out is by air so good luck!”

Naikuyom niya ang palad sa labis na inis. “You are going to pay for this Sugar. Humanda ka sa pagbabalik ko!” gigil na gigil siya sa kaibigan.

Halos naiimagine na niya ito habang sinasabi sa kanya, “How does it feel to taste a dose of your own medicine.”

She felt like screaming…

Nabitin sa ere ang balak niya sanang pagsigaw nang makita si Mateo. Naalala niyang may kasama pala siya sa silid na iyon. Nakaupo ito sa may bintana, matamang nakatingin sa kanya. Natatawa o na-a-amuse sa kanya, hindi niya masabi.

“Paano kang naloko ng dalawang iyon?” she managed to ask out of curiousity.

“They didn’t,” natatawang sabi nito. “It was Ysrael who made me drink the damned juice.”

Book 2:  A Writer's MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon