Ilang taon na ang lumipas (AN: sa tagal ng update ko parang ilang taon talaga lumipas, pasensya na po sa lahat huhu) at nakalimutan ko na si L.J.
..
...
....
......
.......
Pero pansamantala lang pala 'yun. Bakit? Kasi naman...
"Pinsan, diba alam mong nagdodorm ngayon si L.J banda dito sa school?"
Tumango lang ako. Originally kasi, malayo 'yung bahay nila dito sa amin. Tapos bigla, ngayong college na, nagaaral siya sa school na medyo tapat lang ng bahay namin.
"Oh ano, shot daw tayo mamayang gabi?" Tuloy naman ni pinsan. Wala, college students na eh. Hehehe. Kaso..
Sumagot ako, "Ih pinsan alam mo namang may ka-MU ako ngayon. Baka hindi man ako payagan?"
Pinitik naman niya ako, "G*go, ka-MU nga hindi asawa, walang bawal bawal eh tayo tayo lang naman nila L.J tsaka 'yung dating barkada. Kung gusto mo mag aya ka pa wag lang si ka-mu, sus."
Edi wala na akong nasabi. Lumabas na siya eh.
******
Hindi naman ako magiging OA para sabihing hindi ko na nakikita si L.J. Syempre noong umpisa akong mag move on, mas madalas ko siyang makita. Bastos kasi ang tadhana. Di ba?
Nasa bahay kami ngayon at eto nandito na nga 'yung barkada ni Pinsan na barkada ko na rin. Nandito rin si L.J. Kanina pa tira ng tira mga 'to at sa totoo lang, nahihilo na rin ako. Nagpaalam muna ako sa ka-MU ko dahil nakacharge rin naman phone ko. Promise man.
"Pinsan! Kwento mo nga samin si ano yung Ka-MU! Hahahaha! Pinayagan ba, ikaw ba?!" Magulong pagtatanong ni pinsan sakin. Lintik, sarap palupaluin.
Nagtawanan naman 'yung mga nandito. Nakitawa nalang ako tsaka umiiling kasi nahihilo na rin ako. Nagshot muna ako at yumuko na lang para makaiwas sa mga pangaasar nila.
Bigla, naramdaman kong may nakatitig sakin. Mararamdaman naman kasi talaga 'yun e. Okaya naman sobrang naiinitan lang mukha ko dahil sa alak.
Inangat ko 'yung tingin ko tapos...
Tama nga. Nakatingin si L.J sakin.
Nahilo ako lalo kasi hindi man lang siya umiwas ng tingin. Parang... May nais siyang sabihin sa akin at parang nais magtanong.. May tingin ding parang gusto niyang ngumiti pero mukha siyang galit.
Hindi ko siya maintindihan. Pero 'yung naramdaman ko, malinaw na malinaw sa akin. Alam niyo 'yung sparks? Ganun e. Parang may nagsindi ng paputok sa dibdib ko, sa balat ko, sa buong katawan ko!
"WOOOOOH!" Rinig kong sigawan ng mga kasama namin.
"Lagkit naman ng tinginan!" Sigaw din ni Lory.
Inangat ni Pinsan 'yung shot glass niya at sinigaw, "Shot para kay L.J! Naway magkalakas na siya ng loob para umamin kay Kim!"
Naki-toast at shot naman 'yung iba. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nawala bigla 'yung pagkahilo ko.
Tumayo bigla si L.J at akmang lalabas ng bahay pero agad ko siyang sinundan.
"L.J!" Tawag ko sa kanya. Hindi niya ako pinapansin.
"L.J! Wag kang aalis!" Tawag ko pa.
Hinawakan ko siya sa braso niya para lang pigilan siya. Nakatalikod pa rin siya at ang lalim ng paghinga niya. Binitawan ko siya at nandun lang ako sa likod niya, hinihintay na magnormal paghinga niya.
BINABASA MO ANG
Short Stories (GirlxGirl)
Short StoryIba't ibang klase ng kwento ukol sa pagmamahal. Similarity? Pagmamahal sa kapwa babae ng isang babae. Gets mo na 'yun, basahin mo nalang. :)