Sing Me a Song (2End)

660 12 3
                                    

******

“Hon, promise me that you will always sing for me, okay?”

‘Yan ang mga katagang sinabi niya bago kami matulog noong araw na sinagot niya ako.

Tumango ako at hinalikan siya sa noo, “I promise my Belle. I love you.”

---AFTER THREE YEARS---

February 14.

Hi mga pare! Oo, lumipas na ang tatlong taon at..

Going strong kami ni Belle ko. :’)

Kaso nakina Rocky ako ngayon at nasa apartment ko siya. Paano, nag-away kami kagabi..

FLASHBACK

“Hon, 3rd year anniversary na natin bukas oh.. Anong plano?” Sumiksik siya sa side ko habang naglalaro ako sa Xbox ko.

“Honey, Belle, mamaya na natin pag-usapan, patapos nato.” Sagot ko naman.

Tumayo naman siya bigla at pinatay ‘yung TV. “Ganyan ka naman eh! Umalis ka dito at maghanap ka ng lugar na mapaglalaruan mo! Leche!”

END OF FLASHBACK

Oo ganun lang kababaw. -___- Nakikipagbati ako syempre kaso kumuha ba naman siya ng bag at nilagay ang ilan sa mga gamit ko! Syempre wala na akong nagawa kundi tawagan si best friend Rocky.

“Pare ano bang balak mo sa anniv niyo today?” Tanong naman ni Rocky habang nagpapainit ng tubig para magkape. Madaling araw palang pero mukhang hindi na kami matutulog. Actually halos kadarating ko lang sa Condo niya, umalis na kasi siya sa bahay ng parents niya dahil nag lilive-in na rin sila ng girlfriend niya.

Ngumiti naman ako, “It’s all planned, Ro. Blessing in disguise nga itong away namin dahil kahit papano nakaalis ako ng bahay ng walang sabit.”

Umupo naman siya sa tabi ko, “Loko ka Rhei lakas mo talaga! Oh ano ba kasing plano?”

Tumayo ako at kinuha ang maliit na kahon sa bag ko.

Reaction niya: (O____O) “Pare, don’t tell me..”

“Oo, pare, I’ll ask her to marry me. Kinausap na ako nila Mama at napagpasyahang sa States kami magpapakasal at syempre, kinausap ko naman na sina Tita (family ni Belle) at pumayag naman sila. They said it was about time we both settle down.”

Kinuha naman niya ang kahon habang patango-tango, “Pare, magkano nga ulit ang airplane ticket pa-USA?”

Natawa naman ako at ayun, tumayo kami para mag bro-hug. Hahahaha. Ang drama lang.

“Salamat sa lahat ng suporta pare!”

“Wag ka munang pasalamat. We’ll still make the biggest and most beautiful proposal today! Eh syempre nauuna kapa sakin. Hahaha!”

May girlfriend naman nga si Rocky ngayon, going steady for 8 months pa lang sila kaso nasa business trip ngayon si Maxwell. And yes, matagal na siyang nililigawan ni Rocky at siya rin ang dahilan sa pangalang Rox Well! Bar ni pareng Rocky. Mula nang makilala ko kasi si Rocky 5 years ago, si Max na talaga ang minamahal niya, pakipot lang talaga ‘yon at sobrang workaholic.

As for me, emotionally, spiritually, physically, psychologically, financially at lahat ng –ally STABLE na ako. Mula naman nang maging kami ni Belle, alam kong dito rin kami hahantong. Despite all the fights, tampuhan at iringan na dinaanan namin, at the end of the day, we would realize how much we loved each-

*RING RING RING*

My Isabelle.

Eh 3:26am palang? Ayee hindi talaga ako matiis ng Honey ko! :”>

Short Stories (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon