******
Gwyn's POV
Hi guys! Eto na ang POV ko! Finally! Wahahaha. So ako nga si Gwyn, bespren ni bespren Aila. Matangkad, gwapo.. May abs. Hahaha. Oo sinabi ko na kay bespren na tibo ako. Syempre I don't want to lie to her. Seryoso un. Hindi ko naman tinago ang pagkatao ko o nagpretend na chicks ako. Pero syempre mas okay na sinabi ko na talaga.
Aun, debut na ni Aila ngayon! 4PM na nito at mula kaninang umaga hindi pa ako nagparamdam kay Aila o kaya kina Tita. Alam ko busy kasi sila e. Nakahiga pa ako nito kasi alam kong wala namang darating ng 5 e. Tsaka gusto ko sanang masurprise sa paglabas ni bespren mamaya. Kasi kung maaga ako ittreat ako nila Tita bilang family tas makikita ko pa ang pag-aayos kay Aila. I want a surprise! Hahaha.
"Gwyn!" Tawag ni Dad mula sa labas.
"O!" Sagot ko naman. Uso sigawan e. Hahaha. Nasa taas pa ako ng bahay nito tas malamang nasa baba pa si Dad.
Maya maya nasa kwarto ko na siya, "Diba 5PM ang debut ni Aila? Pwede bang sumama?"
Nanlaki naman 'yung mga mata ko, "Huh! Hindi pwede Dad, wag na please huhuhu." O.o
"Hahahahaha! Joke lang, bigay mo 'tong gift ko sa kanya. Sabihin mo galing sakin! Wag mong aangkinin 'to bata ka."
Nilapag niya sa kama ko 'yung Tommy Girl by Tommi Hilfiger perfume na dinikitan lang ng ribbon sa taas. Hay nako, pareho lang kaming hindi marunong mag balot ng regalo.
Tumayo na ako para maligo. May bibilhin pa kasi ako niyan.
After maligo, tinignan ko 'yung isusuot ko. Aba syempre hindi gown o cocktail dress!
Naka floral akong pale yellow na long sleeves na nakatuck sa black slacks na medyo fit pero hindi masyado baka magmukha akong KPOP. Hehehe. May black na bow tie din ako at naka black rin na suspenders. Maiksi ng kaunti yung pants ko para bagay sa brown boat shoes ko. Syempre suot ko rin'yung necklace kong may crown at GA. Kiligs! Terno kami ni bespren!
Wala man akong dalang bag kaya naman kinuha ko nalang 'yung gift ni Dad at ilalagay nalang sa passenger seat.
"Dad, aalis na ako. Di ko pa alam kung uuwi ako mamaya, text nalang kita." Nagkiss ako sa pisngi niya. Syempre, daughter padin ako kahit na tanggap naman niya ang pagkatao ko.
"Wow naman gwapo naman ni Gwyn mana sa tatay! Hahahaha! Yung gift ko kay Aila ah. Sge ingat ka."
Sumakay na ako ng kotse ko at nilagay nga ang gift ni Dad sa passenger seat, naka seat belt pa. :b
Time Check: 5:06PM. Waaahhh maaga pa. -___-
Pupunta ako sa flower shop at ibibili ng 18 yellow roses si Aila.
*Riiiing*
"Hell-ow!" Sagot ko naman habang naka earphones, syempre nagddrive.
BINABASA MO ANG
Short Stories (GirlxGirl)
Short StoryIba't ibang klase ng kwento ukol sa pagmamahal. Similarity? Pagmamahal sa kapwa babae ng isang babae. Gets mo na 'yun, basahin mo nalang. :)