Moments of Love (1of3)

197 4 0
                                    

AN: Another girlxgirl story. Inspired by a reader's love story. Mostly fiction pero non-fic concept. Sorry bitin muna. Para at least 3parts sana. THANKS!

******

FRIENDSTER.

*See who viewed your profile*

“…Sino ba mga to.. *scroll down* Ah, si pinsan nagview nanaman ng profile ko, idol talaga ako ‘nun.” Wala, ganyan talaga pag cool. Pati sariling pinsan, fan ko. Hahaha. Check ko na rin profile niya para magiwan ng testi.

“PINSAN! Salamat sa view! Iwan ka na rin ng testi! Thanks! XD”

Natripan lang hehehe. Syempre nag tingin tingin na rin ako ng mga nagcomment sa kanya. Kaso iisang tao lang naman, L.J daw pangalan. Okay close na browser.

*Loading…*

Whaaat -___- Mali pa napindot ko, nabukas ‘yung L.J na nagcocomment kay pinsan.

Sige na close na talaga, sleep na ako e..

*Napatingin sa Profile Picture*

Um.. Maganda pala siya. Ano ba ‘tong feeling na ‘to, naiinsecure ba ako. Haha -__-

Tinignan ko mga profile pictures niya at nag grab din ng iba. Pero pasekreto syempre, tatanong ko lang naman kay pinsan sino ‘tong L.J na ‘to.

Anyways, matutulog na nga ako. Good night!

******

Nagising ako sa tunog ng magkasunod na text message.

GM pala nung barkada ko.

‘Dalawang pakiramdam lang ang pwede mong mafeel pagdating sa kapwa babae: una, magandahan ng sincere o pangalawa magandahan tapos mainggit.

 

So confused, good morning ;c’

 

Ano daw? Naconfuse din ako e, dami kaya pwedeng mafeel sa kapwa babae: mainis, magalit, sumaya. HAHAHA pero oo gets ko siya. Good luck nalang sa kanya.

Nagtataka ba kayo bat dalawang beep gumising sakin? Double send ‘yung GM e. Una kasi, nasa classmates group niya ako tapos ‘yung isa, sa barkada group.

“Kim!” Tawag ni Mama mula sa labas.

Sumagot naman ako, “Ano po?!”

“Mag almusal ka na, aalis pa tayo mamaya!”


Nagpunta na ako sa kusina para kumain ng agahan. Tinanong ko si Mama saan kami pupunta, kasama daw namin sina Tita pupunta ng SM para mamili ng school supplies.

Short Stories (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon