Sing Me a Song (1)

1K 15 0
                                    

FIRST STORY =) Original ito, as in naisip ko lang habang naliligo! Kaya kung may similarities man sa kung anong kwento or whatever, it is a pure coincidence. READ ON!

******

Wow. 

'Yun ang nasabi ko nang makita ko si Belle, bagong officemate ko.

Magpapasko noon kaya naman malamig ang simoy ng hangin.

Nakikipagkilala siya sa ibang officemates namin hawak ang kanyang Christmas-themed cup.

Wow..

Napakaganda niya naman at talagang napatitig ako sa kanya..

"Pare! Malulusaw!" Tinapik ako sa likod ng kaibigang ko si Rocky. Hindi naman talaga Rocky ang pangalan niya, pero pag nakita niyo ang katawan niya, nako, magegets niyo agad. Roxas ang pangalan niya pero okay naman daw 'yun. Tss, boys. 

Natawa naman ako, "Pare naman napatitig lang ako kase bago pala dito!" 

Inabot naman niya sakin 'yung ginawa niyang kape, "Urur, sige sabi mo eh!"

Maya-maya umuwi na kami dahil gabi na rin. Sumakay na ako ng bus para makauwi sa tinitirhan kong apartment.

Bumagsak ako sa kama kauwing-kauwi ko. Pagod eh!

Hay.. Oo nga pala. Ako nga pala si Rhea Jordan. 22 years old at nagtatrabaho sa isang Advertising Company. Kami 'yung mga nagiisip ng mga tema ng mga commercial na nakikita niyo sa TV. Naka apartment ako kasi naman, buong pamilya ko nasa USA. Gusto ko kasing maging independent kaya humiwalay ako sa kanila't dito nag-aral at nagtrabaho. Filipina si Mama at American si Dad. 

Physically? 5'8 ang height ko at.. Sexy. Hahaha! Syempre ikakaila ko ba 'yun! Pero nag gygym kasi ako kaya naman fit talaga ang pangangatawan ko. Maputi ako tulad ni Dad pero itim ang buhok ko tulad ng kay Mama.

Dumapa ako sa kama ko habang iniisip si Belle, hay napaka-

Ay oo nga pala, I'm a lesbian. Mabuti nang malinaw! Tsaka Rhei na lang pala ha. ;)

HAY NAPAKAGANDA NAMAN NGA NIYA! 

Tumayo muna ako para naman makapag shower na. Inalis ko ang suot kong polo at black pants, pero hindi maong. Hindi naman kasi kailangan ng uniform sa trabaho.

Naligo na nga ako at nang matapos, nagpatuyo lang ako ng buhok kong maiksi pa rin na lagpas lang sa tenga. Maya-maya tuluyan na akong nakatulog.

******

Nasa trabaho na naman ako ngayon. Kamuntik pa nga akong nalate kase hindi ko naset ang alrm dahil nga nakatulog lang ako habang nagpapatuyo ng buhok. 'Yan tuloy naka jeans at white t-shirt lang ako tsaka shoes. Basta kung anong una kong nakuha mula sa cabinet ko!

Short Stories (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon