Moments of Love (2of3)

141 3 0
                                    

 HAPPY NEW YEAR!

******

Ayos! Nagpasukan na. Hindi ko na sasabihin ilang taon na ako ah? Pero bata pa ako. He he he he

Ayos naman mga kaklase ko, mga kakilala ko na rin naman sila eh. Ano bang bago sa buhay ko? Ay oo nga pala no kinwento ko si L.J at ang akala kong pagiging insecure ko.

HINDI PALA.

Bat naman ako maiinsecure sa kanya? Porke ba ang ganda ganda niya at parang lahat ng tao e maaattract sa personality niya? Tapos kahit parang ang sarap niyang makasama at makausap dahil napaka masayahin niya? Bat naman! Tsss.

“Pinsan! Tagal naman ni L.J. una na ako!” Walang pasensya kong sabi kay Lory.

Tumingin tingin muna siya sa paligid, “Ihh sige. Uwi ka na agad no? Sorry.. Ingat ka Kim!”

Kinuha ko na ‘yung bag ko at tsaka umalis. Uuwi na talaga ako dahil matutulog pa ako. ^^

*Lakad.. Lakad..*

“Hi Kim!”

Napaangat ulo ko. Nakayuko kasi ako. Syempre baka madiscover ako ng mga tao. :D

Si L.J. pala.

“Uy L.J. hinihintay ka ni Lory sa loob.” Sagot ko naman sa kanya.

Lumapit siya sa akin, “Oo nga papunta ako dun. Bumili pa kasi ako ng pagkain para ‘di siya magalit na nalate ako.” Ngumiti siya.

Pacute ba ‘to.. -___- Tumango tango naman ako.

“Sige Kim, pasok na ako ah puntahan ko na Pinsan mo. Bye ingat!” Tumakbo siya bago pa man ako nakasagot.

*Lakad.. Lakad..*

Pag-uwi ko, pinakain na ako ng meryenda ni Mama. Nagbihis at naghilamos ako para matulog muna ako. Hindi pa naman busy sa eskwelahan kaya magrerelax muna ako.

*ZZZzzzzz*

******

Pag nagchecheck ako ng Friendster ko at kung sino nagview ng profile ko, laging nangunguna si L.J. Tingin ko gusto niyang makipag kaibigan sa akin. Di ba?

Edi makipagkaibigan?? Sige nga.. Matext nga si Pinsan.

Short Stories (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon