Never Again (Part1of2)

325 4 0
                                    

******

"Aila! Samahan mokong maglaro doon oh!" Tinuro ni Hannah 'yung sa may talahiban kung saan may nag-iisang puno doon. 'Yung umbrella tree. Hawak hawak niya ang isa kong kamay habang pilit akong hinihila papunta doon.



Pilit rin naman akong nagpapabigat sa kinatatayuan ko, "Hannah delikado doon! Sabi ng parents naten maglaro na tayo kung saan pa man wag lang doon."



"Kung ayaw mo, ako nalang!" Binitawan niya ako tsaka tumakbo sa talahiban.



"Hannah sandali!" Hinabol ko siya ngunit hindi naman ako ganoon kabilis. Artificial kasi ang left foot ko, inborn na putol ang kaliwang paa ko.



Unti-unti siyang naglaho sa paningin ko nang makapasok siya sa matataas na talahib.



"Hannah! Hannah labas ka na diyan!" Sigaw ko habang nakatayo sa tapat ng talahiban, hindi ko magawang pumasok. Natatakot ako.



Naiiyak na ako dahil wala akong narinig na sagot mula sa kanya.. Naghintay ako ng ilang segundo..



"AHHHHHHH!!!!!! Aila!!! Aila tulong!!"



Napaupo ako mula sa kinahihigaan ko, pawis na pawis ako at tila nanlalamig ang buong katawan ko. Napanaginipan ko nanaman si Hannah..



Tumayo ako at humarap sa salamin. Namumutla ako tulad ng inaasahan ko, ganun naman lagi pag napapanaginipan ko siya.



"Aira! Gising na!" Dinig kong tawag ni Mommy mula sa labas.



"Gising na po!"



Sinubukan ko munang kalimutan si Hannah at naligo na ako.

Matapos maligo, pinunasan ko nang mabuti ang kaliwang binti ko na isang artificial limb. Hindi rin alam nila Mommy bakit inborn na putol ang left leg ko. Nagpapasalamat nalang ako na may kaya kami sa buhay kaya naman nabigyan ako ng chance na makagamit pa rin ng ganito. Isa pa, only child lang ako kaya naman nabibigay naman nila Mommy 'yung mga kailangan ko lalo na para sa paa ko..



Sinuot ko na ang uniform ko. Isa akong AB Communications student sa ikalawang taon at ngayon ang 18th-


"Aira! Labas na diyan!" Muling tawag ni Mama sakin.


Sabi ko nga. -__- Lumabas na ako at nagtungo sa kusina. Hindi naman ako nahihirapan sa bahay dahil walang hagdan. Lahat patag kaya naman nagmukhang malaki lalo ang bahay namin dahil palapad imbes na pataas ito.

Short Stories (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon