Have you ever loved someone so much you just cry? Like it's overflowing from your heart unto your eyes.
I never knew that that was possible until I met her.
******
JULY.
Hi. Ako nga pala si Tyler. Tungkol sa personal info ko? Wag na. Describe ko nalang itsura ko. Okaya wag ako para 'di bias. Hahaha.
"Paki describe nga ako." Sabi ko sa kaibigan kong si Louise na kasalukuyang nakahiga sa kama ko. Nasa kwarto ko kasi kami nito, sabado e.
Hindi niya inangat 'yung tingin niya sakin kasi nag t-2048 siya sa phone niya. "Seryoso ba 'yan? Um ano, ok lang. Balingkinitan? Maputi tas makapal kilay tas cute ngumiti."
"Hahahahahaha! Seryoso nga! Pero pinuri mo lang ako e? Sabagay dinescribe mo nga ako." Pag tawa ko naman. So aun nga, totoo naman un maliban sa pag ngiti ah. Malay ko ba? 5"4 height ko, di payat, di mataba pero di ko sinasabing sexy ako hahaha. Maputi kasi namana ko un, kasama ng kilay na makapal na para akong lalaki. Hanggang balikat buhok ko at kasalukuyang kulay pula. Idol ko kasi si Hayley!
Tatlong buwan na mula nang maghiwalay kami nung ka-on ko. Babae rin siya. Bisexual kasi ako. Pero mas dominant ang pagkakagusto ko sa mga babae. Hindi ko alam kailan nagsimula ito pero naramdaman ko nalang nung nakilala ko nga yung ex ko.
Si Louise, babae ito tsaka straight talaga. Kaklase ko siya nung High School pero magkaiba na kami ng school ngayong college. Parehas kaming 19 y.o, 3rd year na kami at halos kaka start lang uli ng klase, July kasi nito.
Madalas, nanchichicks ako :( Yih gusto ko na kasing makalimot talaga kay ex. Di ko na babanggitin pangalan niya pero pwede na muna Voldemort, hindi dahil kamukha niya kundi dahil.. Siya ay ang the one who shall not be named. Hahaha. Sige lang Ty.
Kaso ngayon matumal e, wala akong tinetext, nakakasawa na kasi makipag harutan sa mga babaeng kunyari bi o les din para lang di halatang malandi naman talaga sa lalaki. -__-
"YES NAMAN NAKA 4096 NAKO!" Sigaw naman bigla ni Louise. Hay adik na talaga 'to kakalaro!
"Uy congrats. Pahinging katext?" Pabiro lang actually, kasi madalas naman ako manghingi tas wala daw tsaka ayaw nya daw chinichix ko mga kaibigan niya.
Tumigil naman siya kakalaro at tumayo para magstretch, "Ge send ko number sayoooo-ahhhh!" Pag uunat pa nya.
"Ge." Sagot ko namang matipid. Maya maya nagsend nga siya ng number na may pangalang Mike.
Napasimangot naman ako, "Bastos lang, lalaki binigay na katext?"
Kasalukuyan siyang nag jujumping jacks sa likod ko, active naman kasi talaga 'tong kaibigan ko kaso pala-laro lang rin. Hehehe.
"Judgemental lang? Nahiya naman ako sa Tyler mo at sa Louise ko? Text mo muna kilalanin mo."
Oonga naman no? Tumayo muna ako mula sa tapat ng computer at nahiga sa kama ko at nagpupush ups ngayon si Louise sa sahig. -_-
Matext nga ito.
"Hi, Mike ;)" Di muna ako nagpakilala baka kasi lalaki nga ito e? Hehehe.
Mabilis namang nagreply. Tsk lagi atang hawak nito phone niya.
"Hello, sino to?" Reply naman niya.
"Louise, babae 'to promise? Papakilala nako e?" Tanong ko naman, baka kasi kung di ko sagutin tong Mike isipin ang bastos ng ugali ko.
Tumango lang siya kaya nireplyan ko na. "Tyler, kaibigan ni Louise. Ano full name mo? Kasi pag sinesave ko number full name e."
Pero totoo naman kasi talaga 'yun. Tumayo muna ako ulit at lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig. Pati narin para kay Is baka napapagod na hahaha.
BINABASA MO ANG
Short Stories (GirlxGirl)
KurzgeschichtenIba't ibang klase ng kwento ukol sa pagmamahal. Similarity? Pagmamahal sa kapwa babae ng isang babae. Gets mo na 'yun, basahin mo nalang. :)