09

16 1 0
                                    


I was looking outside through the window when the girl named Lorraine welcomed me by her stress look. Nakasuot sya ng pormal na damit at mukhang papasok sa trabaho, magulo rin ang buhok nya at akala mo'y hindi nagsuklay.

"Oh, Sin! Shete, puntahan mo nga muna si Larine sa taas!" ani nya, nagmamadali. "Late na ako sa trabaho, nakakaloka!"

Dali-dali syang umalis habang paulit-ulit na tinitingnan ang kanyang orasan.

I scratches my nape before walking inside. Dahan-dahan akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila at doon ko natagpuan ang dalawang pinto. Luminga linga ako sa bintana, damn it. Is it okay to barge in?

Napatigil lang ako nang makarinig ako ng kalabog na nanggaling sa kanang pinto. Pumunta ako sa harap noon at tsaka kumatok ng mahina.

"Larine?" tawag ko sa kanya. Nakadalawang tawag ako bago ko tuluyang binuksan iyon. Tumambad sa akin si Larine, balot na balot ng kumot. Sa baba niya ay nagkalat ang mga piraso ng baso.

Nakita ko ang pagkagulat sa mata nya ngunit saglit lamang iyon at napalitan nang mariin nyang pikit.

"Hey," I said in a lower voice, hand on her forehead. She's literally burning. "Wait for me here, I'll just go get some water."

Nagmamadali akong bumaba at agad nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig. Pagkatapos ay bumalik na rin ako sa kwarto nya. Binuksan ko ang gamot nya at inalalayan syang uminom nito.

"Kumain ka na ba?" tanong ko. Muli syang humiga at marahang tumango.

She look so pale. Lamig na lamig. Wala akong nagawa kundi ayusin na lamang ang kumot nya at linisin ang piraso ng baso na nagkalat sa sahig.

Pinapanood ko lamang sya habang natutulog. Kung samin ka nag-stay kagabi ay hindi ka magkakaganito.. I sighed.

I unconsciously roamed my eyes around. Doon lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na pasadahan iyon ng tingin. Babaeng babae ang kwarto nya, puro pink at iba pang pastel colors. Naputol lamang ang pagtingin ko roon nang maramdamang kong magvibrate ang phone ko.

MGA MUKHANG HATDOG

Jake: @Sin

Jake: May nabalitaan ako gago HAHAHAHA.

Palagi nalang silang may nababalitaan ni Ish. Pwede na kayong newscaster.

Me: Not interested.

Ish: Kami interested, ano yan Jake?

Jake: Natatandaan nyo ba si Ethan Alvarez?

Ish: Oo, muntikan ko nang makasuntukan yon e HAHAHA pota.

Jake: Tangina HAHAHAAH mukhang makakasuntukan ngayon ni Sin.

Kumunot ang noo ko. What the hell is he talking about?

Ish: Gago, bakit? Reresbak na ba kami? @Sin

Me: I don't know what he's talking about.

Jake: May past pala sila ni Larine HAHAHA.

Me: Past?

Jake: Uy, akala ko hindi ka interesado HAHAHAAH

Ish: Tangina, buking ka ngayon bro HAHAHA.

Jake: Teka sasabihin kona baka magtampo sakin 'tong si Sin HAHAHAHA.

Heck! Hindi ba pwedeng curious lang?

Jake: Binalak pala nyang manligaw noon kaso ayaw ni Larine HAHAHA.

Binalak? Tss. Wala pang sila kaya walang past. Stupid.

Cid: Etong si Jake ang daming alam. Napaka-tsismoso mo . Magbago-bago kana.

Napailing nalang ako. Kilala ko ang tinutukoy ni Jake at wala akong pakielam sa kanya. Napabaling lang ako kay Larine nang marinig ko ang pagtikhim nya. Kanina pa pala syang gising. Dali-dali ko syang dinaluhan.

"How are you feeling?" Nilagay ko ang kamay ko sa noo nya. Hindi na ganoong mainit.

I saw her stiff. "M-maayos na ang pakiramdam ko kumpara kanina."

Agad kong tinanggal ang kamay ko. Shit, awkward pala!

"Ano palang dahilan at nagpunta ka rito?" tanong nya. Damn, oo nga pala!

"Y-yung hoodie ko," tangina. Ako naman ngayon ang nauutal. I almost forgot it, damn.

"Ah, ako nalang magbabalik sa isang araw. Lalabhan ko pa e. Sorry," aniya.

"Okay," sagot ko. Walang nagsalita sa aming dalawa kaya naman tumayo na ako at nagpaalam.

Sakto namang paglabas ko ay syang dating ng ate nya.

"Kamusta si Larine?" bungad nyang tanong. Mas maayos ang itsura nya ngayon kesa kanina.

"Bumaba na ang lagnat nya," sagot ko.

"Mabuti naman, jusq! Salamat ah! Sige!" aniya bago tuluyang pumasok.

Inabot pala ako ng isang oras mahigit dito. Hindi kona namalayan.

Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi nag-abalang tapunan ng tingin ang paligid. Alam kong ang iba sa kanila ay nakatingin sa akin. Anong dahilan? Hindi ko rin alam.

"Sin bro?" wika ng lalaking nilagpasan ko lang kanina. Napatigil ako at napalingon sa kanya.

"Ikaw nga," halakhak nya.

I automatically raise an eyebrow at him.

"Alam mo kung saan ang bahay ni Larine? Larine Ramos?"

"Doon," tinuro ko ang kauna-unahang bahay na nakita ko.

"Totoo ba bro? Ang sabi nung kaibigan nya sa dulo ang bahay nila?"

I shrugged. Tumalikod.

"Sige bro, salamat!"

Sure, Ethan. 

You Woke Me Up, Moron (Hatdog Series #1)Where stories live. Discover now