10

15 2 0
                                    

Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm ko. Alas-dos na ng hapon. Mamaya pa dapat ang gising ko pero biglang nagkaya-yaan kahapon. Susunduin nila ako at doon kami tatambay sa bahay nila Jake.

"Nak," kumatok si Manang Tin. "Nandito na mga kaibigan mo."

Binuksan ko ang pinto at tsaka bumaba kasama si Manang.

"You're too early," reklamo ko.

"Gago, maaga paba ang alas-dos?" sigaw ni Jake pabalik.

"Hulaan ko, kagigising mo lang," ani Cid.

"Malamang Cid, ganyan naman yang si Sin. Alas-dos usapan pero alas-dos palang gigising," humalakhak si Ish. Nakahiga sya ngayon sa sofa namin. Kinuha nya ang towel na malapit sa kanya at tsaka binato sa akin yon.

"Maligo kana," tawa nya. "Bilisan mo baka umiyak na si Jake."

Kumunot ang noo ko. Nakita kong tinapunan lang ng masamang tingin ni Jake si Ish bago ako umakyat.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na rin ako. Naabutan ko ang nakaidlip na si Ish kaya naman sinapak ko sya para magising. Yung iba naman ay nagcecellphone lang.

"Aray pota!" daing nya.

"Let's go," ani ko at tsaka naunang lumabas. Nagpaalam naman ako kanina kay Manang kaya okay na sa kanya.

"Tulog pa," pang-aasar ni Cid.

"Gago naman nitong si Sin," angal nya habang hawak ang ulo. "Pwede namang gisingin ng maayos."

Tumawa ako. Galit ampota.

"Okay kapa ba dyan, Jake?" baling naman ni Cid kay Jake.

Naalala ko, hindi ko alam ang dahilan kung bakit kila Jake ang tambay. Madalas sila dito 'e. Problema siguro 'to.

Naghintay ako ng sagot.

"Oo naman," sagot ni Jake.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Ayan pre, tulog ka kasi ng tulog. Uso magbasa sa gc," tumatawa si Cid.

"Tara na, eto na sasakyan ko 'o. Mamaya nalang Sin, sa bahay na," ani Jake at naunang pumasok roon. Sa front seat si Ish. Ayaw akong tabihan ng mokong. Galit pa ata.

"Hindi ko maintindihan dito kay Sin," panimula ni Cid nang makapasok. "May sasakyan naman sya pero ayaw gamitin. Anong plano mo sa sasakyan mo? Pang-display lang?"

I shrugged. "Tinatamad akong magmaneho."

Kita ko ang pag-iling nya at tsaka humalukipkip. Nagsimulang magputugtog sa stereo si Jake. One Day.

Tumingin na lamang ako sa labas at pinapanood ang mga building na nadaraanan naming. Narinig kong sumasabay sa kanta si Ish kaya binalingan ko sya.

"Akala ko galit kapa?" asar ko sa kanya.

"Bawal kumanta kahit galit?" sagot nya.

Tumawa ako. "Shut it, bro. Stop with that kind of attitude. What are you? A girl?"

"Shut it.. shut it.." aniya. "Kiss mo ko titigil ako."

"Putangina," sabay na sambit ni Jake at Cid na parehong nandidiri.

"You fucker," napailing ako. Tumatawa. Ganyan ang ugali nyan, madaling mainis kapag binibiro pagka-gising. Well, I guess pare-pareho lang tayo.

Nagpatuloy lang ang byahe hanggang makarating kami. Kagaya ng amin ay nakatira rin sila Jake sa isang subdivision. May kalayuan samin. Bumati kami kay Tita bago kami pumasok sa kwarto ni Jake. Doon kami pumuwesto sa balcony at doon kami nagsi-upo. May nakahanda ng pagkain sa lamesa roon kaya nagsimula na akong kumain. Nagugutom nako, kagigising ko lang tapos diretso agad dito.

You Woke Me Up, Moron (Hatdog Series #1)Where stories live. Discover now