12

11 2 0
                                    

Kinabukasan ay gumising ako ng masakit ang ulo. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tumingin roon. Binuksan ko ang messages ko at tiningnan kung mayroong bagong mensahe. Nang makita kong wala ay agad ko na rin itong binaba. Alas kwatro na ako nakatulog kanina at ngayon ay kagigising ko lang. 6 hrs of sleep? Damn. Ang ikli. Sinuklay ko ang buhok ko bago pumasok ng banyo upang maligo. Black shirt lang na batman ang sinuot ko at gray na sweatpants. Kinuha ko ang cellphone ko at tsaka iyon inilagay sa bulsa. Bumaba ako habang pinapatuyo ang buhok gamit ang towel.

"Morning, Manang," I greeted her. She's washing the dishes.

Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng cereal at gatas. Halos wala na itong laman kaya kinain ko na lamang ang natira.

"Sin anak?" tawag sa akin ni Manang. "Kamusta ang tulog mo?"

"Kinda short," I replied. Nagpaalam rin akong bibili ng cereals ko.

Dali-dali kong inubos ang pagkain ko at tsaka umalis. Malamig ang panahon ngayon dahil magpapasko kaya maayos lang na malglakad sa labas. Tirik ang araw ngunit hindi mainit at masakit sa balat.

Habang naglalakad ay may napansin ako sa di kalayuan. Kagaya ko ay papunta rin sya doon sa mini mart. Nakita ko ang pagbati at pag ngiti nya sa mga nakakasalubong nya. Humarang ang ilang piraso ng buhok nya sa mukha kaya inilagay nya iyon sa gilid ng kanyang tainga. Surprisingly, she was wearing a gray shirt with looney tunes print on her right side, paired with her black shorts. Umiling ako, ang ikli.

Hindi naman sya mabilis maglakad kaya nasabayan ko sya.

"Good morning, Larine," bati ko.

"Ay pote- Sin!" halos mapatalon sya sa gulat.

I softly grabbed her arms to make her continue walking. I chuckled. Hanggang ngayon ay gulat sya. She looks cute.

Sumunod lang sya sa akin. Hindi parin nakakapagsalita kaya binitawan ko na ang braso nya.

"You won't greet me back?" I said. I even sounded dismayed, what the hell?

"S-sorry! Nagulat kasi ako," hinampas nya ng mahina ang braso ko. "Good morning, future!" excited nyang sabi. Matamis syang ngumiti sa akin, ultimong pati mga mata nya ay ganoon rin. I didn't realize how good morning is before, not until now.

I also smiled at her. It was like she transferred her slight energy at me. I saw her stunned before looking away, whispering something at herself before clearing her throat and speak.

"Pupunta ka ring mini mart? Ako rin! Pinabibili lang ako ni Ate ng snacks, naubos namin kagabi 'e. Ikaw ba?" baling nya sa akin. Umiiwas sya ng tingin sa akin. Napansin ko ang pisngi nyang mamula-mula, iyong kagaya kagabi. Naiinitan ba sya?

"Cereals ko lang," sagot ko.

"Sabay na tayo ha? Ikaw naman naunang sumabay sakin 'e, panindigan mo na hanggang dulo!" biro nya.

Tumawa ako. "Yeah..yeah."

Pagkarating naming ay napagdesisyonan naming isang basket na lamang ang gamitin. Ako na ang nagpresintang magbuhat niyon. Umikot kami roon sa loob. Nauna naming bilhin ang mga kailangan nya bago ang sa akin. Nakapila kami sa counter nang mapansin ko ang pagtingin nya sa ilang ice cream roon.

"Want some?" tanong ko. Napatingin sya sa akin at umiling.

"Naghahanap ako ng strawberry flavor pero wala akong makita. Sayang, libre mo pa naman!" nanghihinyang nyang sabi. "Minsan lang magkaroon ng ganitong pagkakataon, ano bayan! Sayang talaga!"

Hanggang sa nakabayad na kami at naglalakad pauwi ay iyon ang bukangbibig nya. I don't get her. Para bang malaking karangalan para sa kanya kapag nailibre ko sya.

"Nakakainis, sayang talaga 'e! Dapat pala kinuha kona kahit anong flavor. Kaso naman hindi ko rin makakain iyon. Ano bayan!" himutok nya.

"Hayaan mo na iyon," ani ko. Dala-dala ang mga binili namin.

"Next time ha!" aniya, nakasimangot.

I pat her head and smile a bit. "Sure."

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko nang bigla nya akong pigilan.

"May pupuntahan kapa?" tanong nya, naguguluhan. Nakatigil kami sa tapat ng aming bahay at nakatingin sya roon samantalang ako ay diretso lang ang tingin.

"Hahatid ka," nauna nakong magpatuloy sa paglalakad kaya humabol sya.

"Ikaw ha," she poke my side. "Hinahatid mo na ako ngayon!"

Ngiting-ngiti sya sa akin.

"Why? You don't want?" I suddenly stopped.

"Hindi ah," she grabbed my arm and clung unto it. "Tara na, future."

Hinayaan ko sya. I'm walking properly but then out of nowhere she'll jump. Para syang tumatalbog na bola kapag naglalakad, minsan ay tumatawa pa at bigla-biglang nangingiti. Hanggang makarating kami sa kanila ay ganoon sya.

"Para kang baliw," puna ni Ate Lorraine. "Hi, Sin!"

I waved a little and smiled at her. Bumaling ako kay Larine nang bigla syang napatigil at pinisil-pisil ang pisngi nya. Para bang hindi nya narinig ang sinabi ng ate nya. Nakalimutan narin ata nyang nandito ako.

"Aray," hindi sya mukhang nasaktan dahil lalo lang syang ngumiti.

"Ikaw may dahil nyan," ani ate Lorraine. Napatingin ako sa kanya.

"Bakit ako?"

"Ano bang ginawa mo?"

I shrugged. "Nothing."

Ate Lorraine chuckled. "Hayaan mo, ganyan sya pag kinikilig. Parang tanga."

What the hell?

Muli akong tumingin kay Larine. I agree but she looks cute tho.

I cleared my throat and that made her look at me. She looks like she just came back from reality.

"Uwi na ako," aniko. Napansin ko ang pamumula nya, nakatakip ang kamay sa bibig.

"S-sorry, sorry!" she then whispered something to herself. "Nakakahiya ma!"

Hindi iyon naging ligtas sa pandinig ko. Napangiti ako. Did she just daydreamed while I'm here?

Narinig ko rin ang tawa ng ate nya pero hindi ito nagsalita. Nagpaalam narin ako kay Ate Lorraine. Nagpumilit si Larine na ihatid ako sa labas pero hindi na ako pumayag.

Habang naglalakad ako pabalik dala ang cereals ko ay naisip ko kung kalian ko ba sya bibilhan ng strawberry flavored na ice cream. Mukhang gustong-gusto nya iyon.

I also want to see her smile and I want more. Gusto ko ay palagi syang ganoon.

I just watched movies when I got home. After that, I played some Ben and Ben music. Dinama ko lang ang kapayapaan na nararanasan ko ngayon. It was my quiet time and it felt so good. Nakapikit lang ako ng ilang minuto habang paikot-ikot sa swivel chair ko. Natigil lang iyon nang naalala kong kailangan kong ilabas ang basura namin. Pinatay ko ang music at tsaka bumaba. Kinuha ko ang isang malaking basket at tsaka lumabas ng bahay. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasalin sa sako nang may biglang bumisina sa akin. Si Ethan.

Mayabang syang nakangisi sa akin bago sya nagpatuloy.

I arched my brow while I'm looking at his car. I tsked at him while shaking my head. I also bit my lip to ease my frustration.

He'll go to Larine? Again?! 

You Woke Me Up, Moron (Hatdog Series #1)Where stories live. Discover now