11

9 2 0
                                    

"Ethan?" kunot noong tanong ni Larine. Pinatay nya ang makina ng kotse nya at tsaka bumaba roon.

"One and only!" proud na sabi ni Ethan. Nakita nya rin ako ngunit hindi ako pinansin.

"Anong ginagawa mo rito?" agad na tanong ni Larine.

Same question.

"Binibisita ka. Bawal ba?" ngiting tanong nya.

Kumunot ang noo ko. Bibisita ng gabi? Anong iniisip ng isang 'to?

"A-ah, pwede naman," awkward na tawa ni Larine. "Dapat nagsabi ka muna.."

"Gusto kitang supresahin," hindi mabura ang ngiti sa mukha nya.

Psh. Daming alam.

Bumaling sya sa akin. I saw how he forced a smile.

"Sin bro!"

Tumango ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya.

Pinakita ko ang hoodie ko. "Kinuha ko lang."

His mouth opened a little. "Akala ko hindi kayo close ni Larine." tawa nya. "Siguro noon lang, tama ba?"

Nakita kong tumingin sakin si Larine. Naghihintay ng sagot ko. Tinanguan ko si Ethan.

"Yeah, I guessed past is past," I answered. Larine bit her lip to stop herself from smiling.

"Tara na sa loob," muling anyaya ni Larine. Nauna syang naglakad papasok, sinabayan ni Ethan. Nakita kong nakangiti pang nagsasalita si Ethan sa kanya. Nakangiti rin sya.

Masaya ba syang narito yang isang yan?

"Ethan!" gulat na ani Ate Lorraine. Hindi rin inaasahan ang pagdating ni Ethan. Napalitan ang gulat nyang mukha ng ngiti nang makita nya ako.

"Sin!" she smiled. I smiled back.

"Ngayon lang kitang nakitang nakangiti! Ang gwapo mo lalo!" she exclaimed at me. I chuckled.

Tumingin si Ethan ngunit agad nya iyong iniwas.

"Upo kayo bilis pinagluto ko kayo," aniya.

Umupo kami roon sa dining area. Katapat ko si Larine habang katabi nya si Ethan. Katabi ko naman si Ate Lorraine.

Nang maayos ang hapag ay nagdasal na si ate Lorraine. Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.

"Anong gusto mo?" rinig kong tanong ni Ethan kay Larine.

"Ha?" naguguluhang tanong ni Larine.

Tumawa si Ethan. "Ang sabi ko, anong gusto mong ulam dyan?"

Tatlong ibat ibang luto ng manok ang nasa lamesa. Fried chicken, chicken adobo at chicken tinola.

"Chicken adobo," sagot nya. Akmang kukuha na sya ngunit inunahan sya ni Ethan at sya ang naglagay sa plato ni Larine

What are you doing, Alvarez? Damn..

Kumuha na rin ako at tsaka nagsimulang kumain. Salita nang salita si Ethan samantalang tango at ngiti lang ang sagot ni Larine sa kanya.

"Bakit daw yan nandito?" bulong sakin ni Ate Lorraine.

"Surprise visit raw," mahina kong tugon.

"Anobayan! Nareject na nga," sagot nya.

Reject?

Hindi na ako nakapagtanong nang maunahan nya ako.

"Alam mo ba kung bakit manok ang niluto ko ngayong gabi?" ngiti nya sa akin.

You Woke Me Up, Moron (Hatdog Series #1)Where stories live. Discover now