Salamat Po...(:

82 2 0
                                    

             “Salamat Po”

Di man tuwiran ang pag-amin

Sadyang napakapalad namin

Sapagkat nakasama namin

Ang taong nagpasaya sa amin

Isang taong handang gumabay

Isang taong handang mag-alay

Taong may positibong taglay

Taong tinuring naming INay

Salamat sa’yong ibinigay

Pagmamahal, walang kapantay

Mga aral, puno ng saysay

Ngiti at halakhak na tunay

Salamat sa’yong sakripisyo

Kahit bawas ang benepisyo

Ika’y tuloy sa pagtuturo

Sa ami’y huwaran kang guro

Hirap mo’y aming nababatid

Sa tuwing inaaway ng kapatid

Kaya tawanang walang patid

Nais naming sayo’y ihatid

Salamat sa pagtitiyaga

Sa asal naming parang bata

Salamat sa pakikisabay

Sa mga banat naming kikay

Salamat sa buti mong taglay

Buhay nami’y nabigyang kulay

Kontribusyon mo sa aming buhay

Baon namin hanggang sa hukay

Ngayong tayo’y maghihiwalay

Isa lang ang aming salaysay

Bitbit ang sulong aming gabay

Sa pangarap naming tagumpay

Salamat po GURO o INAY….

>>>Happy Birthday po Inay Rhon...:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Salamat Po...(:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon