Chapter 17

258 9 0
                                    

Julia's POV:

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Luke. Nagdedesign ako ng scrap book namin, yung niregalo nya sakin. Habang ginagawa ko itong scrap book na 'to. Bumabalik sakin yung masasayang memories namin. May stolen pictures kami nung binuhat nya ko na parang bagong katay na baboy, nung nagbake kami, nung nagcelebrate kami ng 10 birthdays ko, nung sinurprise nya ko, nung kasama namin si Cloie at Lola Estrella at marami pa. Nabago ang lahat sa isang iglap lang. Yung EXOF na matrip, nawala na yung pagkamatrip. Ang dating ako na palangiti at kung humalakhak, di na ko na magawa pa. At higit sa lahat, ang dating Luke na malakas at masayahin, ngayon ay nakahiga sa kama, mahina at kung anu-ano ang nasaksak sa katawan nya.

"Matatapos na ba?" Tanong ni Luke.

"Medyo." Sagot ko at pinilit kong ngumiti.

"Tingnan mo si Mommy, tulog na tulog!" Sabi ni Luke at tinuro si Tita Len na natutulog sa sofa.

"Oo nga e, pagod yata." Sagot ko naman.

Nakatitig sakin si Luke at nakangiti. Hindi ko alam kung papano pa sya nakakangiti sa lagay nya. Namayat na sya at maputla na. Kitang kita sa kanya na mahina na sya.

"A-a-aray!" Inda nya habang namamalipit sa sakit.

Nabitawan ko yung scrap book. Agad namang tumawag ng doctor si Tita Len. Hahawakan ko sana si Luke ng bigla nya kong tinulak.

"Mo-mommy, ilabas mo si Julia. A-aray ko!" Nanghihinang sabi ni Luke.

Tumakbo ako palabas mg kwarto nya. At napalupasay na lang ako sa labas ng kwarto nya. Yakap ko yung dalawang tuhod ko at iyak lang ako ng iyak.

"Julia!" Tawag sakin.

Iniangat ko yung ulo ko at nakita ko si Kuya James. Niyakap ko sya.

"Sige iiyak mo lang 'yan." Sabi ni Kuya habang tinatap yung likod ko.

"Nasasaktan ako Kuya! Ayokong nasasaktan sya!" Sabi ko habang tuloy tuloy sa pag-agos ang luha ko.

"Shh! Be strong for him." Sabi ni Kuya James.

"Kuya, bakit sya pa ang  nagkaleukemia? Hindi naman sya masamang tao! Bakit sya pa?" Sabi ko.

Naririnig ko ang bawat aray at iyak nya. Hirap na hirap sya. Mas lalo akong nasasaktan. Gusto ko syang damayan at hatian sa sakit na nararamdaman nya ngayon. Pero ayaw nyang nandoon ako. Ayaw nyang hawakan ko ang kamay nya habang nasasaktan sya. Ayaw nyang himasin ko at hilutin kung san yung masakit sa kanya. Gusto kong sabihin na "Shhh! Mawawala din yung sakit." Pero wala akong magawa, wala ako sa gabi nya at nandito ako sa labas na kagustuhan nya.

"Mabuti pa siguro sa office ka muna." Sabi ni Kuya.

"No Kuya, I'll stay here! I know he needs me!" Sagot ko .

"Julia sumama ka muna sa Kuya mo, kung malalaman ito ni Luke tyak na di nya 'to magugustuhan. Sige na sumama ka na muna kay James. We will make sure na okay si Luke." Sabi ni Ate Angelica na kadarating lang.

Pumayag ako na sumama muna kay Kuya sa office nya. At nandito ako ngayon sa sofa sa office ni Kuya.

"Water oh!" Sabi ni Kuya sabay abot ng isang basong tubig.

"Thanks!"  Pasasalamat ko at ininom ko na yung tubig.

"Natatandaan mo ba yung kinwento ko sayo na pasyente na may Leukemia? Na kahit na nasasaktan sya, di sya umiiyak?!" Tanong ni Kuya at umupo sa tabi ko.

"Yes Kuya. Naaalala ko." Sagot ko.

"Si Luke 'yun. Simula nung umuwi sila dito from California, May schedule check ups sya dito. Pinakiusapan nila ako na wag ko muna sabihin sayo. Ayaw ni Luke na magworry ka sa kanya. Nung mga panahon na malakas pa si Luke, napakasigla nya. But now he's getting weaker. Ayaw ng umepekto sa kanya yung mga treatments and therapies. Julia, 2 weeks or 1 week na lang. Give him strength. Julia milagro na lang ang pwede natin asahan. Ikaw ang kaligayahan ni Luke. Kayanin mo, lakasan mo ang loob mo para sa kanya." Sabi ni Kuya.

His Promise (LeeMinHo-ParkShinHye fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon