Chapter 7

291 10 0
                                    

Julia's POV:

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

     Kinapa kapa ko ang alarm clock ko na nasa side table. Pinatay ko ito at bumangon na ko.

"What a beautiful morning!" Sabi ko pagkabukas ko ng curtain.

     Dumiretso na ako sa banyo at naligo. After ko maligo, nagbraid ako ng buhok, nagpowder at lip gloss. Bumaba na ako para magbreakfast, naabutan ko naman si Kuya na nagbabasa ng newspaper.

"Good Morning my handsome brother!" Bati ko kay Kuya habang umuupo ako.

"May lakad ka?" Tanong ni Kuya habang titig na titig sakin.

"Meron!" Sagot ko naman at ngumiti pa ako.

"Saan naman? Sino kasama mo? Anong oras ka uuwi?" Sunod sunod na tanong ni Kuya.

"Saan? Dyan kila Luke. Sino? Edi si Luke. Anong oras uwi ko? Ewan." Sunod sunod na sagot ko kay Kuya.

"Dyan lang sa tapat ng bahay natin lakad mo tapos kung makaporma ka para kang aalis sa Bansa." Sabi ni Kuya.

     Nakafloral dress ako and wedge shoes. Grabe naman si Kuya James. Ganto na ba ang porma ng aalis ng Pinas?!

"OA mo lang!" Sabi ko kay Kuya at sinubo ko na yung bread.

"Ano namang gagawin mo dun?" Tanong ni Kuya at nagseryoso yung mukha nya.

"Magbe-bake! Don't worry Kuya! I'm a good girl!" Sabi ko.

      Umandar na naman ang pagkastrict ni Dr. James Dominguez. Hindi na sumagot si Kuya kaya naman kumain na lang ako. Natapos na akong kumain at si Kuya seryoso pa din yung mukha. Weird ni Kuya ngayon.

"Kuya ano ba yang mukha mo, nakakapangilabot!" Sabi ko kay kuya habang nagpupunas ako ng bibig.

     Hindi  sumagot si Kuya at nakatitig lang sya sakin. Hindi ko mabasa yung emotion ng mukha nya.

"Uyy! Kuya!" Sabi ko habang winewave yung dalawang kamay ko.

"A-ano?" Tanong ni Kuya at nagbasa ulit ng newspaper.

"Weird mo lang!" Sabi ko sa kanya.

"Grabe na ang lukemia ngayon." Sabi nya habang binabasa yung newspaper.

"Ha?" Tanong ko kay Kuya.

"Wala. Sige aalis na ako." Sabi ni Kuya sabay tayo.

"Sabay na tayo lumabas!" Sabi ko at tumayo na din.

His Promise (LeeMinHo-ParkShinHye fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon