Chapter 10

272 9 0
                                    

Luke's POV:

     Dumaan ang ilang araw na di ko nakasama ang EXOF. Lagi kasi kami may pinupuntahan ng parents ko. Si Ate Angelica naman bumalik sa L.A. Ang dami kong iniisip ngayon. Ayokong saktan si Julia. Ayokong makita syang umiiyak. Ayoko na makita syang malungkot. Hinintay nya ko ng sampung taon pero parang mababalewala lang ang lahat ng pagtitiis at pagtatyaga nya sa paghihintay sakin.

"Anak!" Tawag sakin ni Daddy at hinawakan ako sa balikat.

     Nandito kami ngayon sa garden.

"Dad!" Sagot ko naman.

"May problema ba Anak?" Tanong ni Dad.

"Wala po Dad!" Sagot ko naman.

"Come on I'm your Father, son!" Sabi pa ni Dad.

"I don't want to hurt her, masasaktan din po ako." Sabi ko.

"Mas masasaktan sya kung di mo pa sasabihin sa kanya." Sagot ni Dad.

"Di nya kakayanin. Di po ganoon kadali matanggap iyun. Maybe it is not the right time to tell her the truth." Paliwanag ko.

"Okay. I respect your decision. Pero kapag dumating ang time na kailangan mo na aminin sa kanya ang lahat, lakasan mo ang loob mo. Iexplain mo lahat hanggang sa maintindihan na nya. Tulungan mo sya na kayanin ang mga nangyayari. Nandito lang kami ng Mommy mo." Sabi ni Dad

      I'm so lucky to have a Mom and Dad like them. Lagi syang nakasuporta sakin lalo na nung mga panahon na hirap ako.

     Bigla ko naisip na malaki na ang tampo ni Julia sa parents nya. Nasasaktan sya dahil pakiramdam nya walang pakialam sa kanila ang parents nya.

"Thanks Dad. Ahmmm. Can I ask you a favor?" Tanong ko.

"Anything Son." Sagot ni Dad.

"Pwede mo po ba contact-in yung parents ni Julia?" Tanong ko.

"I'll try son. Alam mo naman kung gano sila kabusy hindi ba?!" Sagot ni Dad.

"Gusto ko po maayos si Julia sa parents nya. Kahit yun man lang magawa ko para sa kanya. Makabawi man lang po ako sa ten years na wala ako." Sabi ko.

"That's my son. Manang-manag sa Ama!" Biro pa ni Dad.

"Father and Son heart to heart talk?" Sabi ni Mom na papalapit samin at may dalang meryenda.

"Mom!" Sabi ko at tinulungan ko sya sa dala dala nya.

     Nakaupo kami dito sa may garden.

"Ano ba ang pinag-uusapan nyo at mukhang seryoso?!" Tanong ni Mom habang iniaabot sa amin ang pagkain.

His Promise (LeeMinHo-ParkShinHye fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon