Chapter 21

300 4 0
                                    

Julia's POV:

Birthday namin ni Luke ngayon. Tama, birthday namin. Magkabirthday kami. Dahil sa meteor shower mamayang gabi ay napagdesisyunan namin na magcelebrate kami sa Memorable Park.

Nandito ako ngayon sa kitchen. Gumagawa ako ng Cake. Nangako ako kay Luke na ipapatikim ko sa kanya kung gaano ako kagaling magbake.

Nakakailang try na ako, pero hindi ko pa rin masarap. Ayoko gumive up kasi para ito kay Luke. Para sa kanya ito. Di ko namamalayan na umiiyak na ako. Ang sakit kasi, sobrang nanghihina na sya. Ayaw na talaga umepekto sa kanya yung medication nya. Lagi na rin sya nagsusuka ng dugo.

"Julia tama na 'yan." Sabi sakin ni Kuya James na kadarating lang.

"No Kuya. Para ito kay Luke. Hindi ako susuko kasi si Luke hindi sumusuko e." Sagot ko naman kay Kuya habang naghahalo.

"Tama na please." Sabi ni Kuya at niyakap ako.

"Kuya bakit ang unfair? Bakit kailangan pa sya magkasakit? Bakit ayaw nyang gumaling? Bakit ang sakit sakit? Bakit hindi ko pa rin matanggap?" Sabi ko kay Kuya habang tuloy tuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Shhh. Tahan na. May purpose kung bakit ito nangyari. Tahan na." Sagot ni Kuya.

"Kuya ano yung purpose na 'yun?! Kuya iexplain mo sakin kasi hindi ko na talaga alam." Sabi ko pa.

"Maiintindihan mo rin Julia. Tumahan ka na, gusto mo bang humarap ka kay Luke ng ganyan? Birthday nyo. Ipakita mo sa kanya na masaya ka." Sabi pa ni Kuya.

Nang kumalma na ako, umalis na si Kuya at natapos ko na rin ang paggawa ng cake. Inayos ko na rin yung sarili ko. Isinuot ko yung Dress, sapatos, earings at necklace na bigay sakin ni Luke. Ginamit ko rin yung perfume.

Ngayon ay nasa harap na ako ng bahay nila. Parang ang bigat bigat ng paa ko. Parang ang hirap hirap pumasok sa loob.

Pumasok na ako sa loob. Walang tao sa loob. Dumiretso ako sa kwarto ni Luke. Kumatok ako pero walang sumasagot. Nakakapagtaka naman.

Unti-unti kong binuksan ang pinto at.......

"HAPPY BIRTHDAY JULIA!" Sigaw nila.

Nilagyan nila ng decoration yung buong kwarto ni Luke. Nandito sina Tito Froi, Tita Len, Ate Angelica,Cloie, Lolo Fred, Lola Estrella, EXOF, Kuya James at ang magulang ko. Nandito sina Daddy at Mommy.

Lumapit sakin sina Mommy at Daddy at niyakap ako.

"I'm so sorry Anak. Sorry sa mga pagkukulang namin ng Daddy mo. Sorry kung napabayaan namin kayo ng Kuya mo. Sorry anak kung pakiramdam mo hindi namin kayo mahal ng kuya mo. Sorry anak iniwan namin kayo. Patawarin mo kami ni Daddy." Sabi ni Mommy.

Nung niyakap ako nila Mommy at Daddy parang nawalan ako ng tinik sa dibdib. Ganto pala yung pakiramdam ng yakapin ka ng magulang mo kapag nasasaktan ka. Nawala lahat ng tampo ko at tanong ko sa kanila. Parang napalitan ng saya.

"It's okay Mom and Dad. I understand." Sagot ko at pinunasan ko yung luha nila.

"Thank you Anak. We love you! Hindi na ulit kami aalis." Sabi ni Daddy at niyakap ulit nila ako.

Sana nga. Sana  dati  pa sila dumating. Pero hindi na mahalaga 'yun, atleast nandito na sila.

"Pero anak, may isang taong nagpursige na makauwi kami ng Mommy mo. Hindi sya nagsawa kakatawag samin. At malaki ang pasasalamat namin sa kanya na dahil sa kanya,naisip namin na may anak kaming naiwan dito. At si Luke 'yun anak." Sabi ni Daddy.

Naggive way silang lahat sakin para malapitan ko si Luke na nakawheel chair, walang kung anu-anong nakasaksak sa katawan nya. Ang ganda ng mga ngiti nya. At napakagwapo nya.

His Promise (LeeMinHo-ParkShinHye fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon