Chapter 18

257 8 0
                                    

Julia's POV:

Panibagong umaga. Panibagong araw na haharapin. Panibagong araw na makikita ko yung pinakamamahal ko na nahihirapan.

Nasa kwarto ako. Nag-aayos para pumasok. Ayoko sana pumasok para masamahan ko sa ospital si Luke. Kaso ayaw nya. Kailangan ko daw mag-aral. Hindi daw pwede na pabayaan ko yung pag-aaral ko ng dahil sa kanya. Wala naman akong magawa, sinunod ko na lang ang kagustuham nya.

"Mam Julia, nandito na po ang mga kaibigan nyo." Sabi ng Maid na nasa labas ng kwarto ko.

"Pakisabi po sa kanila, pababa na ko." Sabi ko naman.

Inayos ko na yung sarili ko. Ang hirap takpan ng matang namamaga. Mga matang gabi gabi na lang umiiyak.

Bumaba na ako at nakita ko sila sa sala na nakaupo. Mga walang kibo. Nagbago na ang EXOF. Dati rati kapag naaabutan ko sila sa sala, maiingay, kwentuhan sila ng kwentuhan, tawanan na parang di na aabutan bukas at naghahampasan ng unan na parang mga bata. Ngayon, nag-iba na. Makabasag pinggan ang kanilang katahimikan. Ni isang halakhak wala akong marinig, walang feathers na lumilipad na galing mga unan. Ayos na ayos yung sala.

"Guys!" Tawag ko sa kanila nang malapitan ko sila.

Mapagkunwaring ngiti lamang ang isinagot nila sakin.

"Guys, ano ba kayo? Ngumiti naman kayo! Sa tingin nyo ba matutuwa si Luke kapag nakita nyang ganyan mga mukha nyo. Guys alam kong nahihirapan din kayo. Pero kailangan natin maging matapang para kay Luke!" Sabi ko.

Lumapit sila sakin at niyakap ako. Unti-unti ko na namang naramdaman yung luha kong dumadaloy na naman sa mukha ko.

"Hoy Guys! Ano ba wag kayong ganyan. Manghihina si Luke nyan. Hindi pwedeng manghina si Luke, kasi kailangan pa nyang mabuhay. Kailangan nyang mabuhay pa." Sabi ko at nanghina na ang tuhod ko.

Unti unti akong napalupasay sa sahig. Nagulat ang EXOF sa pagkalupasay ko kaya hindi nila kagad ako nasuportahan. Umupo din sila sa sahig at niyakap ako.

"Pagod na pagod na ko. Pagod na pagod akong makita syang nanghihina, ayoko na makita sya na may nakasaksak na kung anu-ano sa kanya. Gusto ko na syang makitang malakas. Kung yung pagbalik nya sa California magbabalik ng lakas sa kanya. Sige okay lang sakin kahit mawalay sya sakin basta lang mawala na yung sakit nya." Sabi ko habang umiiyak.

"Julia, kayanin mo." Sabi ni Bianny.

"Pinipilit kong tanggapin. Pinipilit ko. Pero ayaw talaga e. Di ko matanggap na anytime pwede na syang mawala. Pinipilit kong tanggapin pero ayoko tanggapin kasi ang sakit sakit kasi." Sabi ko habang umiiyak ako.

"Julia, nandito kami para sayo at kay Luke. Hindi namin kayo iiwan." Sabi naman ni Ivez.

Hindi nila tinanggal yung pagkakayakap sakin hanggang sa huminahon na ako. Hanggang sa unti unti ng mapawi ang pag-iyak ko.

Papunta na kaming school. Tahimik pa rin kami sa loob ng Van. Ang hirap naman kasi maging masaya kasi may isang taong nasasaktan at nahihirapan. Nakikipaglaban para mabuhay. Siguro kung pwede lang namin ibigay yung kalahati ng buhay namin kay Luke. Ibinigay na namin.

"Naaalala nyo ba nung birthday party namin ni Ivez? Nung sumali si Luke sa palo sebo. Wala pa sa kalahati yung naaakyat nya, dumudulas sya pababa. Tapos inabot na ng gabi yung party kasi ayaw nyang sumuko hanggang sa naabot na nya yung tuktok. Kaso hindi naman sya makababa." Kwento ni Wynona.

"Naaalala nyo ba dati? Kapag tumatambay tayo sa school garden. Sya yung humaharang kina Brando para lang di nila makuha yung baon natin. Kahit minsan nasasaktan na sya, hindi sya susuko sa pagtaboy kila Brando hanggang sa magsawa na sila Brando." Kwento naman ni EJ.

"Naaalala nyo ba nung may experiment tayo about sa frogs. Nakawala yung frog ko sa jar. Tapos halos lahat ng girls nagtilian. Walang nagtry makuha yung frog tapos nagulat tayo kasi nakita natin si Luke tinatry mahuli yung palaka. Hindi sya naggive up hanggang sa mahuli nya yung Frog ko. Nilagyan pa nya ng tali sa paa para daw madali ng mahuli kapag makawala." Kwento naman ni Bianny.

"Naaalala nyo ba nung tinuruan kaming dalawa ni EJ magbasketball ni Luke? Hirap na hirap kami nun matuto. Sinusubukan ko magthree points nun, laging bitin yung hagis ko sa bola. Tinuruan ako ni Luke. Hindi nya ko sinukuan sa pagtuturo, ang sabi pa nga nya. Try ko lang daw ng itry hanggang sa makashoot na ako. Nung makashoot na ako. Mas matuwa pa sya sakin." Kwento naman ni Ivez.

"Naaalala nyo ba, nung everytime na umiiyak ako kasi namimiss ko sila Mommy at Daddy. Laging lumalapit si Luke sakin. Niyayakap nya ako at pilit na pinapatahan kasi nga ang hirap kong patahanin. Hindi sya bumibitaw sa pagkakayakap sakin hanggang sa tumahan na ako. Kapag niyayakap nya ako. Nawawala yung lungkot ko. Hindi sya sumuko sa pagpapatahan sakin." Kwento ko.

Ang daming nagawa ni Luke samin. Hindi sya gumive up samin. Ang dami nyang naitulong samin bago sya umalis ng Pilipinas. Bago pa sya magka lukemia.

Nakarating na kami sa school. Bumaba na kami ng Van. Lahat ng estudyante nakatingin samin. Nagkaron ng space sa gitna ng mga tao para daanan namin.

Naglakad na kami papuntang building. Halos lahat nagtataka at nagulat. Marahil iniisip nila na hindi man lang kami nagtrip ngayon.

Nakarating na kami sa ropm namin. Sinalubong kami ni Stefanni and Alien Friends.

"Totoo ba 'yun? Patay na daw si Luke? Condolence!" Sabi ni Stefanni.

"San mo naman 'yan nabalitaan? Hindi patay si Luke! BUHAY SI LUKE! Nagpapagaling sya! Kaya wala kayong karapatang sabihin na patay na sya. Buhay yung tao, nasa ospital nagpapagaling. Tapos gagawa kayo ng chismis na patay na sya? Konting respeto naman sa tao at sa pamilya nya. Uulitin ko. HINDI PATAY SI LUKE!" Sabi ko at dumiretso ako sa upuan ko.

"Wag mo na lang sila pansinin." Sabi ni Wynona.

Lumipas ang ilang oras. Wala kaming ginawang kalokohan. Tahimik lang kaming EXOF. Kahit nung lunch break.

Nagdesisyon kaming pumunta sa ospital para dalawin si Luke. Nagdala kami ng flowers and fruits.

"Good Afternoon Luke!" Bati namin kay Luke.

Mapagpanggap kami. Sa harap ni Luke nakangiti kami pero kapag wala na sya sa harap namin, tahimik kami at malungkot.

"Reunion?" Biro ni Luke.

Lumapit kami kay Luke at yumakap sa kanya.

"Parang gumagwapo ka yata." Sabi ni Ivez kay Luke.

"Nakakagwapo kasi 'tong oxygen tsaka dextrose. Try mo." Sagot naman ni Luke.

"You know what guys, magmovie marathon na lang tayo!" Sabi naman ni Bianny.

"Oo nga, basta wag lang love story!" Sabi naman ni EJ.

"Wag din action and horror!" Sabi naman ni Wynona.

"Edi comedy na lang!" Sabi naman ni Luke.

Gaya ng suggest ni Luke. Comedy movies ang pinanood namin. Tawanan lang kami ng tawanan. Ilang beses na rin kami pinasok ng guard dahil sa kaingayan namin.

Kahit man lang ngayon. Makatawa man lang kami ng sama-sama.

A/N: Nakakaiyak pala ng ganto. Anyway guys. Kamusta po? Vote na po kayo. Thanks and God bless!
Follow me on Instagram and Twitter: @itspattolentino

His Promise (LeeMinHo-ParkShinHye fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon