Chapter 9

273 10 0
                                    

Chapter 9

Julia's POV:

      Naabutan namin si Wynona at Bianny na umiiyak at nakaupo sa sahig sa tapat ng gate namin. Ang weird nga nila e. Una si Kuya naging weird tapos ngayon naman si Wynona and Bianny.

"Oh Apo halika ka na sa loob at nang makuha mo na yung mga kailangan nyong gamit ni James." Sabi ni Lolo Fred.

"Sige po Lo." Sagot ko naman.

     Pumasok na kami ng bahay at yung mga maid naman binati si Lolo.

"Lo, akyat muna po ako para makuha ko na po yung gamit namin ni Kuya." Paalam ko kay Lolo.

      Nagnod lang si Lolo. Umakyat na ako at dumiretso sa kwarto ko para kunin yung gagamitin ko. Pumili ako ng ilang mga damit at inilagay ko na sa bag ko. Pumunta na ako sa kwarto ni Kuya. Sa bahay ni Lolo muna kami magsstay ni Kuya for One day. Pagpasok ko sa kwarto ni Kuya nakaayos na sa isang bag yung gamit nya. At bumaba na ako. Kaya naman ang situation ko ngayon. Dalawang bag ang nakasukbit sa balikat ko. Agad naman ako napansin ni Lolo.

"Eric pakitulungan si Julia." Utos ni Lolo sa driver nya.

"Lo may pupuntahan lang po ako. Saglit lang po ako babalik din po kagad ako." Paalam ko kay Lolo.

"Go Ahead Apo!" Sagot ni Lolo.

     Tumakbo ako palabas ng bahay at ngayon nasa tapat ako ng gate nila Luke at nagdoorbell na ako. Pinagbuksan naman ako ng guard. Pumasok na ako sa loob at naabutan ko naman si EJ and Ivez na nasa sala. Naglalaro ng XBOX.

"Si Luke?" Tanong ko sa kanilang dalawa ng makalapit ako.

"Nasa kwarto nya, ginagawa yata yung ano!" Sagot naman ni EJ.

"Yung ano?" Tanong ko ulit.

"Yung sa online school. Kung ano man yun!" Sagot ulit ni EJ.

"Di ko na sya aabalahin. Di nga pala ako makakasabay bukas." Sabi ko.

     Napahinto sila sa paglalaro at napatingin sakin.

"Bakit?" Tanong nilang dalawa.

"Sa bahay muna kami ni Lolo for one day." Sagot ko naman.

     Nagtinginan yung dalawa at bumalik ang tingin sakin.

"INGAT!" Sabi ng dalawa at ngumiti.

"Sige aalis na ko. Pakisabi na lang kay Luke na kila Lolo kami ni Kuya ha?" Bilin ko sa dalawa.

     Tumango naman sila at umalis na ako. Ang weird din ng dalawang yun. Ang weird na ng lahat! Nakakaweird na ha?!

"Mam, tara na po?" Pagsalubong sakin ni Manong Eric.

     Tumango naman ako at sumakay na sa kotse ni Lolo.

His Promise (LeeMinHo-ParkShinHye fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon