Chapter 12

270 7 0
                                    

Luke's POV:

      Nagising ako ng naramdaman kong may humalik sa pisngi ko. Kinusot ko yung mata ko at nakita kong katabi si Julia, nakayakap sakin.

"Good Morning Honey, may work pa po ngayon at bumangon ka na po baka malate ka pa po!" Sabi ni Julia.

"Good Morning Honey! Opo alam ko po 'yun at yung baby po ba natin gising na?" Sabi ko at bumangon na kami.

      Ang sarap tingnan ni Julia na pinagsisibilhan nya ko bilang asawa.

"Honey, titigan mo lang po ba ako o mailigo ka na?" Tanong pa nya.

"Kiss mo muna ako!" sabi ko sabay nguso.

      At pinitik nya yung nguso ko. Pakipot talaga itong babaeng 'to.

"Mabaho pa kaya yung hininga mo!" Reklamo nya.

"Makaligo na nga at makapagtoothbrush ng sampung beses para makamtan ko na ang gintong kiss ng asawa ko!" Sabi ko pa.

"Dami mong alam honey, Baba na ako. Maligo ka na!" Sagot nya.

"Masusunod Mahal na reyna!" Sabi ko.

      Pumasok na ako sa banyo at bumaba na rin si Julia. Nakakaexcite gumusing araw araw kung sa pagmulat mo makikita at makakasama mo ang mahal mo sa buhay.

      Natapos na akong maligo at nagbihus na rin ako. Sakto naman pagkabihis ko ay biglang sumulpot ang maganda kong asawa.

"Ako na mag-aayos ng neck tie mo!" Sabi nya at iniayos nya yung neck tie ko.

"I'm so lucky to have you as my wife Honey!" Sabi ko sabay ngiti.

"And I'm so lucky too. I love you Honey!" Sagot nya.

"I love you too Honey!" Sagot ko at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Basta Honey, promise me na di mo kmi iiwan ni Baby!" Sabi pa nya habang magkayakap kami.

"I Promise!" Sagot ko at hinalikan ko sya sa noo.

"Tara na? Baka naiinip na si Baby!" Aya nya.

      Bumaba na kami at naabutan namin ang baby girl ng buhay namin.

"Good Morning My little princess!" Bati ko sa anak ko at hinalikan ko sya sa noo.

"Good Morning Dadsi!" Pagbati naman ng anak ko sakin.

      Kumain na kami. Masarap kumain ng sabay sabay kayong pamilya.

"Honey,  Ahhhh!" Sabi ni Julia at nakaakmang susubuan ako.

His Promise (LeeMinHo-ParkShinHye fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon