Chapter 2
Napahiyaw ako ng nilapit nito ang kaniyang mukha sa akin, akala ko hahalikan ako nito kaya pumikit ako agad pero ganoon na lamang ang pamumula ko sa hiya ng marinig ang pag-unlocked ng seatbelt ko.
Damn you Kaeoluix! Narinig ko pa ang mahinang tawa nito. Kaya para maligtas sa kahihiyan ay nag-sign of the cross ako habang nakapikit. Narinig ko ang malakas na paghalakhak niya kaya mas lalo akong namula. Kanina galit siya ngayon tumatawa na, ang bipolar nitong lalaking ito.
"Xaxia, si Carter! Shit don't come near me! Fuck!" Sigaw ni Aikia, napangiwi ako ng mawala sa linya si Aikia.
Ang sakit sa tainga non.
Napatili ako nang walang kahirap-hirap akong binuhat ni Kaeoluix at isinampay sa balikat niya.
Si Sesxiya naman ay tahimik lang sa kabilang linya.
Hindi na ako nakapalag nang ipinasok niya ako sa sports car niya at kinabitan ako ng seatbelt. Ni hindi ko man lang namalayan na pinapaandar na pala ni Kaeoluix ang sasakyan dahil sa narinig ko mula sa linya ni Sesxiya.
"Ugh! Kudos. Shit!" Napaawang nalang ang mga labi ko nang marinig ang ungol ni Sesxiya. What the fuck? Tahimik pala ha.
Kudos?
Nagulat ako nang i-preno ni Kaeoluix ang sasakyan niya. Tangina kung wala pala akong seatbelt nabangasan agad 'yung magandang mukha ko. "Holy shit! Nababaliw ka na ba?!" Galit kong sigaw dito.
"How dare you to say someone's name while you're with me?" Mahigpit ang hawak nito sa manibela at lumalabas na rin ang ugat nito sa kamay at madilim ang mukha, hindi ko tuloy maiwasang kabahan, anong pinagsasabi nito? Huwag mong sabihin na nasabi ko ang nasa isip ko?
"W-what are you talking a-about?" Naguguluhan kong tanong rito. Shit ka Xaxia, kailan ka pa natakot sa isang lalaki?
Ngayon lang... At kay Kaeoluix ko lang ito nararamdaman.
Magaling ako sa hand to hand combat. Magaling din sa barilan lalo na kapag sniper ang gamit. Well-trained ako sa lahat ng bagay. Magaling din ako sa larangan ng teknolohiya. Sa sitwasyon namin kanina kaya kong makatakas at ipagtanggol ang sarili same with Aikia and Sesxiya, pero hindi namin ginamit ang mga natutuhan namin dahil sa —
"Ugh! Kudos. Yes. Faster, please!" Patuloy na ungol ni Sesxiya.
Tangina yung dalawa kong kaibigan natuhog na. Kinikilabutan kong tinanggal yung earpiece sa tainga ko.
Nilingon ko si Kaeoluix na matalim pa rin ang tingin sa akin.
"Ano bang sinabi ko kanina?" Alanganin akong ngumiti dahil sa tilim ng tingin nito.
"Really? You are really asking me that?!" Hindi makapaniwalang sambit nito at sinapo ang ulo bago niya ginulo ang buhok niya.
Ano bang problema ng lalaking ito? Bukod sa wala na nga siyang magandang ginawa ngayong araw, napaka-bipolar pa ng ugali.
"Wala naman akong ginagawang masama sayo ah?" Pangangatwiran ko pa, narinig ko pa ang mahinang mura nito bago minaobra ang sasakyan.
"Boss! Hindi mo na ako kailangang ihatid, I can handle myself — "
"Who told you na ihahatid kita?" Masungit nitong pambabara, bahagya pa itong lumingon sa gawi ko.
Parang gusto ko na tuloy siyang patayin.
Sa sarap shempr — maghunos dili ka naman Xaxia, kailan ka pa naging maharot?!
"Sandali! 'di ba kasama mo kanina 'yung mga kaibigan mo?" Tanong ko rito pero tahimik lang ito kaya nanahimik nalang ako.

BINABASA MO ANG
Intense Desire 1
RomanceXaxia is the secretary of the most popular CEO and company in the world. Being a secretary is just a mask for Xaxia's real job and identity. She's a secret agent of the organization she's working with. She's seductive but dangerous woman. Fearless b...