Chapter 7

72 3 1
                                        

Chapter 7

Hindi pa rin nagigising si Rad until now. Halos mga 10 hours na ang nakalipas pero ito, tulog pa rin. Hindi ko naman alam kung ilang oras ang bisa ng gamot na itinurok sa leeg niya. I sighed.

Tumayo ako at papasok na sana ng bathroom nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Kudos at Carter.

Napangiwi ako sa ginawa nila, "Hindi ba kayo marunong kumatok?" Nagkibit-balikat lang ang mga ito at  tinignan si Rad.

"Hindi pa rin siya nagigising?" Wala sa sariling tanong ni Carter kaya binatukan agad ito ni Kudos.

"Damn, that hurts man." Reklamo ni Carter habang hinihimas ang ulo.

"Stop asking an obvious thing dumb-ss." Umingos lang si Carter sa sinabi ni Kudos bago humiga sa couch at ipinatong pa talaga ang paa nito sa sandalan. Napataas naman ang kilay ko dahil doon.

"We have a surprise to you." Sambit ni Kudos kaya nilingon ko ito.

"W-what? Surprise?" Gulat na tanong ko rito.

Bakit naman nila ako bibigyan ng surprise? Hindi ko naman birthday o kaya ay wala namang dapat icelebrate.

"Yes. Just wait a minute, they'll come." Nakangising saad ni Carter na ipinagtaka ko.

"Sino naman?"

"Guess who?" Nagkibit-balikat pa ito at pinikit ang mata. Kaya nagtataka ko namang nilingon si Kudos na nagkibit-balikat lang din kaya naupo naman sa kama at tinitigan na muna ang gwapong mukha ni Rad, sinuklay ko ang buhok nito at trinace ang ilong nito pababa sa mga labi niya. Nabusy naman ang dalawa sa kani-kanilang cellphone kaya napabuntong hininga nalang ako.

Minutes had passed ay biglang bumukas ang pinto. Bakit ba napapalibutan ako ng mga taong hindi marunong kumatok?

Napaawang ang labi ko nang makita si Aikia. Umikot ang mata nito nang magtama ang paningin nila ni Carter at nang magtama ang paningin namin ay agad na nanlaki ang mata nito at tumakbo patungo sa direksyon ko. Agad ako nitong niyakap ng mahigpit at ngumiti.

"I miss you, Xaxia! Fuck that man for keeping me." Galit nitong saad bago bumaling kay Carter na ngayon ay seryosong nakatingin sa amin.

"Where's Sesxiya?" Mariing tanong ni Kudos. Napansin ko rin ang pagtatagis ng bagang nito at ang nakakuyom na kamao nito. Matalim ang mga mata nitong binalingan si Aikia, samantalang napayuko naman si Aikia.

"I-I don't k-know." Nauutal na sambit nito. Agad namang tumayo si Kudos at akmang lalapit kay Aikia nang harangan ito ni Carter at umiling. May sinabi si Carter kay Kudos kaya napahilamos na lamang ni Kudos sa mukha niya at pagod na naupo sa couch.

"Fuck. Fuck. Fuck. Fuck." Tumayo si Kudos at sinipa ang isang vase na nasa tabi ng couch kaya napaawang ang labi ko. Galit na galit talaga ito kaya lumabas siya ng kwarto at padabog na sinara ang pinto, napapikit pa ako sa lakas no'n. Samantalang si Carter naman ay tumayo at hinatak si Aikia.

"Wait!" Nag-aalala ko itong pinigilan at akmang hahatakin si Aikia nang umiling ito at mabilis na nagpahila kay Carter.

Napabuntong hininga ako at nilingon ang orasan. Alas onse na pala ng gabi kaya nilingon ko muna si Rad bago tinungo ang study table niya na nakalagay dito sa kwarto.

Binuksan ko ang laptop nito pero kailangan pa raw ng password. Kahit naman secretary niya ako ay hindi naman niya sinasabi ang mga password or whatsoever things na para sa kaniya ay napaka-confidential. Alam ko namang may tiwala siya sa'kin at nirerespeto ko iyon. Nage-exist naman sa vocabulary ko ang salitang 'privacy' kaya napabuntong hininga nalang ako at sinandal ang ulo ko sa backrest ng swivel chair niya.

Intense Desire 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon