Chapter 9
Kasalukuyan akong nandito sa kuwarto, nakahiga. Hindi kasi ako pinayagan ni Kudos na gumamit ng gadgets. Wala raw talagang gadgets dito dahil puwede pa raw naming ikapahamak iyon. Naiintindihan ko naman iyon dahil marami na rin ang mga trackers sa panahon ngayon.
I startled when the door open. Tinignan ko kaagad si Kudos ng masama dahil hindi man lang ito kumatok.
"Kuixev Doshiel! Wala ba sa bokabularyo mo ang kumatok sa pinto?!" Inis kong sambit dito na ikinangiwi niya dahil sa itinawag ko sa kaniya.
Hindi nito pinansin ang sinabi ko, "Come with me, may ipapakita ako sa iyo." Naglakad na ito palabas kaya sumunod na rin ako sa kaniya.
This must be important.
Pumunta kami sa gilid ng hagdan kung saan ay may pintuan na sa tingin ko ay basement.
"Anong gagawin natin dito?" I asked but he remained silent.
Nang makababa kami sa basement ay puro alikabok ang sumalubong sa amin. Nabahing pa ako dahil doon kaya nagtakip ako ng ilong. Dumiretso siya sa pinakadulo at mula rito ay nakita ko itong inusog ng kaunti ang aparador. Napakunot ang noo ko nang biglang bumukas ang pader na nasa tapat niya. Sumeniyas ito sa akin na sumunod na kaya naglakad ako patungo roon habang nakatakip pa rin sa ilong.
Nang makapasok kami ay napaawang na lamang ang labi ko nang makita si Carter at Wise. Inilibot ko ang paningin sa paligid at nakita ang iba't-ibang uri ng computer at malalaking monitor screen na puro records ang mga naka-play. Sa pinakagitna naman ay nakapuwesto ang isang conference table o meeting table na may 10 vacant chairs.
Wise cleared his throath, "So, she already knew." He muttered.
Not actually, Atty. Devoux!
"Obviously." Carter replied.
"Let's start." Kudos suddenly announced. My forehead creased because of that.
May isang video silang pinanood sa akin. It was Alicia and his father, they were talking seriously. Alicia hand him something. Kinuha iyon ng ama niya at binuksan. Nang mailabas nito ang laman ng folder ay galit nito iyong pinunit, makikita rin sa video ang pagwawala nito sa opisina niya. Samantalang nakayuko lamang si Alicia at mukha ring bigo. Walang sounds na maririnig dahil nasa malayo ang kumukuha ng video. Mas maayos sana kung may sounds at maririnig namin ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Xia, we need your help." Sambit ni Kudos na ikinalingon ko. Nakaupo kasi kaming apat sa mini sofa rito sa sala habang pinapanood ang video record. Malawak pala ang lugar na ito, nasabi ni Kudos na rito ang hide out nila. May exit sa bawat rooms dito patungo sa parking lot kung saan sila dumadaan para hindi na maistorbo ang kaniyang ina na nasa loob ng bahay. Kapag sa parking lot ka raw dumaan ay tatagos ka sa resort nila Carter na ektarya rin ang layo mula rito. Napakaganda rin ng pagkakagawa rito dahil napaka-classy tignan.
"What is it?" I asked before sipping on my vanilla shake.
Nagkatinginan ang tatlo bago nagpakawala ng malalim na paghinga. "Can you unlock the security system of that..." Tunuro ni Carter ang isang laptop na nakapatong sa isang table. Kulay itim ito. Nangunot naman ang noo ko. "We knew everything, Xaxia." He added. Gulat lamang akong nakatingin sa seryoso nilang mga mukha. Does Kaeoluix knew about this too? Gusto ko sana iyong isatinig ngunit hindi ko na lamang ginawa.
If they are telling me the truth. Then that only means one thing, if they knew everything then they're in a higher position or rank. If that's so, bakit pa nila kailangan ang tulong ko? Naguguluhan ko silang tinignan at mukhang hindi naman sila nagbibiro dahil wala akong emosyon na makikita sa kanilang mga mata.

BINABASA MO ANG
Intense Desire 1
RomanceXaxia is the secretary of the most popular CEO and company in the world. Being a secretary is just a mask for Xaxia's real job and identity. She's a secret agent of the organization she's working with. She's seductive but dangerous woman. Fearless b...