Chapter 12
Pull your ass out of here, Xaxia. He's already engaged.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at agad siyang tinulak. Hindi nawala ang ngisi sa mga labi nito kaya inirapan ko na lamang ito at umayos ng tayo.
"Fix yourself, we'll attend a masquerade party later." He said as he turned his back on me.
Agad akong napabuntong hininga. Muntik na! Damn him.
"I shouldn't let him rule over me." I whispered then sighed frustratedly. I'll make a plan later. Kailangan ko nang magpakalayo-layo. For me and my baby's sake.
Ayokong manatili sa kaniya sapagkat alam kong mali ang ginagawa namin o gagawin palang. Alam ko kung saan ako lulugar, at hindi ito ang tamang lugar para sa akin. Hindi siya.
Marahas kong sinambunutan ang buhok ko bago napagpasyahan na umalis na ng kusina, ramdam na ramdam ko na kasi ang lamig na dumadampi sa pagkababae ko dahil isang polo shirt niya lang ang pinahiram niya. Hindi man lang nagbigay ng boxer o short na rati niya namang ginagawa noon.
Napailing nalang ako nang maramdaman ang pagkirot ng puso ko, para iyong pinipiga sa isipin na hindi talaga kami puwede dahil ikakasal na ito. Naiisip ko palang ang anak ko ay parang gusto ko na lamang manatili at sumabay sa agos ng tadhana makasama lang namin siya, ngunit hindi yata talaga para sa akin ang bagay na iyon.
Pumasok ako sa kuwartong inuukupa ni Kaeoluix dahil balak kong mangalkal ng damit na maisusuot, papalipasin ko na muna ang nararamdaman ko ngayon at bahala na mamayang gabi.
Narinig ko ang lagisgis ng tubig sa bathroom kaya nakatitiyak akong nasa loob pa si Kaeoluix. Agad akong nagtungo sa walk in closet niya at namili ng damit na puwede sa akin. Kinuha ko na lamang ang isang black hoodie at isang jogger pants, kahit malaki sa akin ang hoodie ay ayos na ito basta may maisusuot ngunit wala nga lang akong masuot na panloob.
May kung anong ideya ang pumasok sa isip ko kaya't dali-dali kong hinatak ang isang sando at boxer. Napangiti ako dahil sa naisip ko. Hindi rin naman kasi nagb-brief iyon si Kaeoluix dahil mas gusto niya raw ang boxer.
Kaagad akong lumabas ng kuwarto niya at tinungo ang kusina. Kumuha ako ng gunting at ginupit ang boxer niya, ganoon rin sa sando niya. Ginupit ko ang boxer niya na katulad sa isang panty at ang sando naman niya ay gagawin kong tube. Medyo may kaluwagan pa iyon mabuti nalang at nakahanap ako ng paraan at tinali iyon.
Napangiti ako nang isuot ko na ang ginawa ko, hindi naman siguro siya magagalit sa ginawa kong ito. Dalawang piraso lang naman ito ng tela at nakakasiguro naman akong kaya niyang makabili ng mas marami pa rito. Sinunod ko nang sinuot ang hoodie at jogger pants. Lalabhan ko nalang kapag hinanap niya.
"I see." Napasinghap ako at napaharap kay Kaeoluix. Tinignan niya ang kabuuan ko at bahagya pang umangat ang gilid ng kaniyang labi. "My clothes looks better on you, huh." Nairolyo ko na lamang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman hiningi ang opinyon niya, tsk.
"Pupunta ako ng mall para bumili ng damit na maisusuot mamaya." Saad ko rito at tinalikuran siya, akmang aakyat na ako sa ikalawang palapag nang magsalita ito.
"No need, Kylie's on the way. She already bought a dress for the both of you." He coldly said then put his hand inside of his pocket. Napaka-insensitive talaga ng lalaking 'to! Ang fiancè niya pa talaga ang inutusan niya para sa dress namin mamaya?
Inirolyo ko na lamang muli ang mata ko at padabog na umakyat ng hagdan. See? May Kylie na pala siya pero gusto niya pa akong maging parausan niya. What a dick! Yeah, what kind of dick he has. Wait, what?! Argh, ang halay na ng isip ko.
BINABASA MO ANG
Intense Desire 1
RomanceXaxia is the secretary of the most popular CEO and company in the world. Being a secretary is just a mask for Xaxia's real job and identity. She's a secret agent of the organization she's working with. She's seductive but dangerous woman. Fearless b...