Chapter 10

49 1 0
                                    

Chapter 10

Maaga akong nagising kaya matapos kong gawin ang aking morning routine ay nagtungo agad ako sa kusina upang magluto sana ng almusal. Alas-sais palang kasi at sigurado akong tulog pa yata si Kudos at si tita Ash.

Nang buksan ko ang freezer ay muntik na akong mapaduwal sa pagkatatayo dahil sa masamang amoy na nanuot sa ilong ko. Agad kong tinungo ang sink at sumuka nang sumuka, napaluha pa ako dahil kulang nalang ay iluwa ko na ang laman loob ko. Nagmumog ako nang bibig at nanghihinang napasandal sa malapit na pader at napahawak sa ulo ko nang maramdaman ang pagkirot nito. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at umayos ng pagkakatayo. Napagdesisyunan ko na gisingin na lamang si Kudos. Nasa tapat na ako ng kuwarto nito at nagdadalawang-isip kung ipagpapatuloy ko ba ang gagawin ko o kaya'y hindi na. Nababahala ako't baka maistorbo ko ang tulog niya.

Napabuntong hininga ako at kumatok ng mahina. Tatlong katok ang ginawa ko pero hindi pa rin ito nagbubukas. Baka tulog pa? Hinawakan ko ang doorknob ng pinto at dahan-dahang pinihit iyon. Nang mabuksan ko ito ay nagulat ako sa aking nadatnat at binalot ng kahihiyan.

Kitang-kita ko si Sesxiya na nakatali sa kama at sumisigaw sa sarap habang si Kudos naman ay nasa pagitan ng mga hita nito. Mukhang hindi naman nila ako napansin kaya dahan-dahan na akong tumalikod at  sinarado ang pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko at napahinga ng malalim. Whoa, muntik na iyon.

Ibig-sabihin ay kasama na ulit ni Kudos si Sesxiya? Ngunit paano at kailan pa? Saan niya ito nahanap? Napailing na lamang ako sa mga pinag-iisip ko. Matatanda naman na sila kaya alam kong alam na rin nila ang mga desisyon nila sa buhay. Ngunit bakit ba hindi sila nagla-lock ng pinto? Ayan tuloy nakita ko silang gumagawa ng milag—

"Oh iha, anong ginagawa mo riyan?" Napasinghap ako nang may humawak sa balikat ko. Agad akong napatalon at napasigaw dahil sa gulat.

"Ay, gumagawa ng milagro!" Agad akong natigilan nang makita si tita Ash na nakakunot ang noo at nalilito akong tinignan. Pasimple kong kinurot ang kamay ko dahil doon. Ano ba namang milagro iyan, pahamak.

"Pasensya ka na iha at mukhang nagulat kita. Sino ba ang gumagawa ng milagro?" Tanong pa nito na ikinapula nang pisngi ko nang maalala ang eksenang natagpuan ko kanina.

"Ah... W-wala lang po iyon." Aniya ko rito na ikinatango nalang nito, "Ahm... Tita n-nagugutom na po kasi ako. At h-hindi ko po g-gusto ang a-amoy ng isda na nasa freezer." Nahihiya man ay pinilit ko na lamang na sabihin dahil nagugutom na talaga ako. Iwinaglit ko sa aking isipan ang malansang amoy ng isda na nasa freezer dahil parang maduduwal na naman yata ako ng wala sa oras kung pilit kong aalalahanin iyon.

"Ay nako kang bata ka! Bakit hindi mo agad sinabi, masama ang nagpapalipas ng gutom lalo na't buntis ka pa! Ikaw talaga, halika at ipaghahanda kita ng almusal." Hinawakan ako nito sa kamay at inalalayan pa sa pagbaba ng hagdan.

Parang hinaplos naman ang puso ko dahil doon, napakabuti niyang ina at napakamaalagain. Masuwerte talaga ang mga batang lumaki na kasama ang kanilang ina at ama. Hindi na nila kailangan maramdaman ang pangungulila sa pagmamahal ng isang magulang. Pasimple kong pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko at ngumiti. Masyado naman akong emosyonal ngayon, marahil dahil na rin 'to sa aking pagbubuntis.

"Maupo ka rito at panoorin mo akong ihanda ang kakainin mo." Aniya ni tita at marahan pang hinaplos ang pisngi ko.

Nang maihanda ni tita ang kaniyang niluto ay agad akong napangiti dahil sa amoy palang nito ay tiyak akong masarap na.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may dalawang tao ang pumasok sa kusina. Kita ko ang seryosong mukha ni Sesxiya pero nang magtama ang paningin namin ay nanlaki ang mga mata nito at agad itong lumayo kay Kudos at sinugod ako ng yakap.

Intense Desire 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon