Chapter 16

76 7 0
                                    

Trigger Warning : May contain triggering and sensitive material topics. Some of the parts or words that are expressed here are not meant to offend any party.

Chapter 16

Third person point of view,

MULA SA MALAYO ay tinatanaw ng binata ang isang dalagitang umiiyak at naghihinagpis sa gilid ng kalsada kung saan wala masyadong dumadaang tao.

Hindi maiwasang masaktan ng binata nang makita kung paano umiyak at mawalan ng pag-asa ang dalaga habang yakap-yakap nito ang patay na katawan ng ina.

"Don't waste your tears to her, baby. She's not your real Mother." Sambit ng binata sa kaniyang isipan.

Tatawa-tawa namang sumakay si Fernand sa kaniyang kotse at iba pang mga tauhan nito nang makita ang duguan na si Xeria sa kalsada habang yakap ito nang anak.

Gustohin man nilang tapusin ang dalaga ay hindi nila 'yon maaaring gawin sapagkat ang patayin lamang si Xeria ang ini-utos ng kanilang Boss. Napag-alaman nilang si Xeria ay isang spy at ninanakaw ang impormasyon ng kanilang organisasyon at ibinibigay iyon sa kalaban nila. Kaya pala sunod-sunod ang pagkawala ng ilang milyong dolyar sa kanila sa bawat pakikipagtransaksyon sa ibang bansa ay dahil nahaharang iyon ng tauhan ng mga Heartilia.

Ang Heartilia ang pinaka-nangungunang may malakas at mataas na ranggo, tauhan, at mga kagamitan sa underground world. Ilang organisasyon na ang sumubok na kalabanin at talunin ang Heart Organization ngunit ni isa ay walang nagtagumpay.

Kaya upang makapaghiganti sa ilang milyong dolyar na nawala at tauhan nila na namatay ay buhay nito ang naging kapalit.

Noong una ay nagalinlangan pa siyang tapusin ang buhay nito dahil alam niya kung paano naging obsess ang Boss nila kay Xeria at isa pa ay asawa niya ito sa papel na utos din ng kaniyang Boss.

Siguro'y nagsawa na ang kaniyang Boss na maghabol pa rito dahil hindi naman nito makuha-kuha ang babae.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang Boss niya upang sabihing tapos na ang kaniyang mission. Mabilis na napangisi siya nang makita ang pagtransfer ng pera sa account niya.

Sa kabilang banda naman ay galit at lungkot ang namayani sa kaniyang puso habang umiiyak. Ang Mommy niyang walang kalaban-laban ay binaril ng sariling asawa nito.

Sa sobrang pagod kakaiyak ay nawalan siya ng malay. Hiniling niya pang sana ay isa lamang itong masamang panaginip at sana sa pagmulat ng kaniyang mata ay ina niya ang sasalubong sa kaniya.

Agad na lumapit ang binata sa dalaga ng makitang nawalan ito ng malay at ngayon ay nakahiga na rin sa kalsada. Siguro'y sa sobrang kakaiyak at pagod ay nawalan ito ng lakas. Mabilis niyang pinangko ang dalaga at pinasok sa sasakyan.

"What's your plan now?" Tanong ni Karius habang nakaupo at walang emosyong nakatingin sa dalagang nasa bisig niya.

"I will recruit her in our organization." Saad ko habang pinupunasan ang luhang nasa pisngi nito. I will protect you, baby.

"You're still in the Rank 15 what makes you think na papayag si Ventricle na magpasok ka ng isang mahinang babae?" Diretsong tanong nito.

I know that. Hangga't hindi ka nabibilang sa mga Summus Ordo o High-Ranking 5 hindi ka pa puwedeng magrecruit o magpasok sa organisasyon. Kaya lalaban ako at hahamunin ang isa sa mga nasa HR5.

"Ikamamatay mo ang gagawin mo, Rad." Sambit nito na animo'y alam ang kung anong nasa isip ko.

"I'm willing to sacrifice my life just for her to be safe. Alam mong hindi rin siya titigilan ng mga Morietur kapag nalaman nilang itinatago ni Tito Krivex ang ina niya. At isa lamang proxy ang babaeng pinatay nila." Litanya ko na ikinailing niya.

Intense Desire 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon