ANG PANGATNIG

57 1 0
                                    


Ang panangkap sa pangungusap na gumagawa at nagsasaad ng kaugnayan ng isang salita sa kapwa salita, o ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan, ay tinatawag na PANGATNIG. Sa ingles naman ito ay tinatawag na conjunction.

Hinggil sa kaanyuan, ang pangatnig ay nearing, isang kataga lamang, isang salitang ganap, at isang lipon ng ilang salita at kataga.

Kataga, gaya ng at, kung, man, pag, disin, sana, upang, atbp.

Salita, gaya ng kahit, bagkus, kalub, kaya, dahil, datapwa, ngunit, sakali, samantala, subalit atbp.

At lipon ng salita't kataga gaya ng baka sakali, kaya nga, kung bagaman, kung hindi, sa bagay na ito, sa halip ng, sa katagang sabi, atbp.

Hinggil sa kapakanan ng katuturan, nahahati sa pamukod, paninsay, panubali, pananhi, panlinaw, pamanggit, panudlong, at panapos. Bawat isa nito'y may kani-kaniyang ulat at halimbawa sa mga susunod pang pahina kung kaya't h'wag kang mawawala patuloy lang sa pagbasa.

 Bawat isa nito'y may kani-kaniyang ulat at halimbawa sa mga susunod pang pahina kung kaya't h'wag kang mawawala patuloy lang sa pagbasa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ANG TALAANPADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon