Uri ng Pangatnig: MGA PANUBALI

14 0 0
                                    


Maligayang Pagbabasa! Nakagagalak na patuloy pa rin ang inyong pagbabasa patungkol sa Pangatnig. 'Kay bilis at nasa huling bahagi na tayo ng Uri ng Pangatnig. Nawa ay may napulot kayong kaalaman at kasanayan na inyong magagamit

Mga pagkukurong pasumal, mga isipang may pasubali at mga pangungusap na pasakali o di-ganap at nangangailangan ng tulong ng kapwa pangungusap upang mabuo at makaganap na kapararakan, ito ang mga naipahahayag sa pamamagitan ng mga pangatnig na PANUBALI.

Ang mga panubaling lalong gamitin ay itong mga sumusunod:

KUNG      —"Kakain ako kung kakain ka rin"

                  —"Kung ibig mong igalang ka ng iba, matuto ka munang gumalang sa iyong sarili"

PAG                    —"Pag umalis ka, aalis din ako pag ako na lamang ang nagsasalita sa iyo, hindi mo pinakikinggan"

                           —"Pag hindi kita isinumbong, ikaw ang bahala"

Alam ninyo ba?

Bagaman ang dalawang katagang magkasunod na ito ay halos magsingkatuturan at magsintungkulin, dátapwa't may kaunting ipinagkakaiba tungkol sa hinihinging anyo ng pandiwa ng isa't isa. Ang kung ay nagdiriwa ng panahong kasulukuyan o ng kaugalian, at ang pag ay ng panahong hinaharap o gagawin pa lamang. Dahil dito'y may mga pangungusap na di nila pagkaisahan ng kahulugan at ng pananalita, kahit na gumagamit ng pandiwa sa iisa lamang panagano o panahon.

Narito ang halimbawa:

"kung siya'y kumain ay pahiga"

"pag siya'y kumain ay napapahiga"

"kung umalis ka, umalis din ako"

"pag umalis ka, aalis din ako"

KUNDI              —"Wala kang nalalaman kundi kumain. "

                            —"Hindi masusukat ang tapang kundi sa labanan"

KUNG DI         —"Huwag kang sumagot kung di ka tinatanong"

                            —"Wala tayong aasahan kung di matitiyaga"

TANDAAN NATIN!

Ang kundi at kung di—ising pisan at isang hiwalay—ay magkaiba ng kapakanan: ang una'y malamang pang pang-abay kaysa pangatnig; bagaman ang dalawa'y kapwa mapapalitan ng kung hindi.

ISAISIP NATIN!

Kapwa rin naman nangangailangang may makatugunang isang pang-abay na pananngi. Ang kundi ay panugon lamang sa hindi at wala, bukod sa laging nasa- ikalawang bahagi ng pangungusap: samantalang ang kung di ay naipanunugon sa lahat ng pananggi, sa wala, sa hindi, huwag, ayaw at aywan—at saka nearing manguna o mapagitna sa pangungusap.

Narito ang mga halimbawa:

"wala kang mapapala kung di ka magpaparaya"

"ayaw siyang maniwala kung hindi makita muna"

KAPAG                    —"Kapag ako'y nagkasalapi, bibilhin ko ang librong iyon"

                                  —"Uuwi ako sa lalawigan kapag nakalabas sa pagsusulit; nguni, kapaghindi, dito na lamang sa Maynila ako maghahanapbuhay"

Sa halip na kapag ay nagagamit ang pag lamang, o ang pagka, at maaari rin ang kung:

"pag lumabas ako sa pagsusulit"

"pagka ako'y nagkasalapi"

"kung hindi ako makasulit"

SAKALI                        —"Sakaling mahal, huwag ka nang bumili"

                                        —"Kung saka-sakali man pong kami'y nagkulang, kayo na ang magpuno"

DISIN                           —"Ikaw disin ang nagtamo ng gantimpala, kung sumali ka sa timpalak"

                                        —"Hindi disin tayo nakagalitan kung nakapagpaliwanang ako agad"

SANA                       —"Kayo sana'y magpapakabait sa Maynila, pagka't doo'y napakaraming tukso"

                                   —"Kung sana sa tugtog ay walang kumpas"

Ang karaniwang katugon ng disin at ng sana, ay kung o kung di; datapwa't sila mang dalawa'y madalas ding nagkakatugunan at nagkakapisan sa mga pasakaling pangungusap.

Halimbawa:

"Tumama sana tayo sa huling "Sweepstake", disin nabili natin ang ang asyendang iyan"

"Hindi disin siya napoot kung di ka sana nagsasagot "

"Kung dumating kayo agad, disin sana'y nakalakad tayong maaga"

Sa disin at sana, bagamán magsingkahulugán at tungkulin, ay itóng hulí ang lalong gamitín sa mga karaniwang pag-uusap, at yaóng una ay sa mga pampánitikang pananalitâ at pangmálalimang pananagalog.

SANAYIN NATIN!:

Panuto: Sukatin natin, kaalaman na iyong nabatid. Punan ang mga patlang sa bawat pahayag na nakalahad. Pumili sa mga salitang makikita sa ibabang bahagi ang angkop na pangatnig na panubali sa sa mga sumusunod na pahayag.

MGA PAGPIPILIANG SALITA:

Kapag                            Sakali

Disin                               Kung

Sana                                Pag

Kundi                           Kung di

1. Hindi matutuloy ang pagpunta natin sa mall ________ uulan.

2. Hindi matutuloy ang ating pamamasyal _______ hindi dumating nang maaga si Mino.

3. Sabi ni Daniel, ______ umulan ay hindi sya makapupunta.

4. ________ na siya ay dadalo sa palatuntunan ay mag-ingat siya.

5. ________ ka lang pupunta ay wala sana ako rito ngayon. 

ANG TALAANPADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon