Maligayang Pagbabasa! Sa bahaging ito ay panibagong uri ng Pangatnig na naman ang ipakilala at paghahanguan ng mga panibagong kaalaman. Mula pa lamang sa katawagan ay mababatid na ang pinakang tinutukoy nitong ganap pagdating sa pagbuo ng mga sulatin.
Kung hangad o kailangan ang buo o isang bahagi ng mga nasabi na ay paliwagagin pa, o pigain kaya sa kaunting salita, ay itong mga pangatnig na PANLINAW ang ginagamit.
Ang mga sumusunod ay siyang mga lalong palasak:
ANUPÁ'T —"Natagalan bago kami nagkabalita sa kanya, anupa't kulang-kulang na santaon"
—"Magkapwa-bata kami, nagkasama sa pag-aaral, natira sa iisang bahay; anupa nga at kami'y halos tunay nang kapatid"
ÁLALAÓNG SANA —BAGÁ, —Hindi ninyo dapat ginawa iyan kaagad; alalaong sana'y nagsangguni muna kayo sa akin"
—"Kinakailangang tayo'y huwag magpakainip hanggang sa dumating ang taning; alalaong baga'y maghintay tayong mahinahon"
MAN LAMANG —"Alalaong man lamang ay nagpabalita sa atin bago sila nagsialis"
SAMAKATWID —"Kami'y pinaalalayas ninyo agad sa lupang aming ginagawa ; samakatwid po ba'y ipinatatawad na ninyo ang aming mga utang?"
—"Samakatwid nama'y handa silang tumulong sa inyo"
KAYA —"Kaya gayon na ang kanyang pagkabalisa rito, ay may sakunang nangyayari sa kanilang bahay"
—Oo nga, ako'y babaeng tamad, kaya pala kung di sa akin ay di ka magmukhang-tao"
KUNG GAYON —"Wala na tayong mapaniniwalaan, kung gayon, sa kanyang mga sinasabi"
—"Kung gayon pala'y matutuloy rin ang kanilang kasal?"
SA HALIP NG —"Sa halip mag-aral ay naglilibot"
—"Kung sa halip ng sulat ay nakikipagkita ka na sa kanya?"
Ang mga sumusunód na parirala ay halos magkakasingkahulugán:
SA BIGLANG SABI —"Sa biglang sabi'y ayaw kang talaga"
SA KATAGANG SABI —"Sa katagang sabi, pinawawalan mong kabuluhan ang lahat"
SA TAHASANG SABI —"Nagsisikai'y ayaw magbayad: mga balasubas, sa tahasang sabi"
SANAYIN NATIN!:
Panuto: Sukatin natin ang kaalaman na iyong natutuhan sa bahaging ito. Tukuyin kung wasto ang ginamit na panlinaw na pangatnig sa bawat pahayag. Isulat ang "T" kung tama ang paglalapat at kapag mali naman ay isulat ang "M" at palitan ang panlinaw na pangatnig.
________1. Kaya pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa hirap.
________2. Nahuli na ang tunay na may kasalanan kaya makalalaya na si Juan.
________3. 'Kay lalakas naman kumain, mga hindi marunong magligpit, sa katagang sabi.
________4. Maganda na ang pakikitungo muli sa atin ni Jane kaya maayos na ang kanyang pakiramdam.
________5. Nagpaalam sana siya sa atin bago lumisan sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
ANG TALAANPAD
RandomAng nilalaman ng akda na ito ay pumapatungkol sa Pangatnig, mga Uri ng Pangatnig, at mga Halimbawa nito. Ang akdang ito ang magiging batayan sa pagkatuto sa wastong paglalapat ng mga pangatnig sa mga sulatin. Nakalahad din mula rito ang katuturan ng...