Uri ng Pangatnig: MGA PANULAD

18 0 0
                                    

Ang tugunang mga parirala sa pagtutulad o pagwawangki ng mga gawa o pangyayari, ay siyang mga pangatnig na PANULAD, gaya ng kung ano, siya rin, kung gaano, kung paano, gayon din; kung saan, doon din, atb

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang tugunang mga parirala sa pagtutulad o pagwawangki ng mga gawa o pangyayari, ay siyang mga pangatnig na PANULAD, gaya ng kung ano, siya rin, kung gaano, kung paano, gayon din; kung saan, doon din, atb. 

Narito ang ulat ng magkakatugon: 

KUNG ANO               —"Kung ano ang ama, siya ring anak" 

 SIYA RIN                   —"Kung ano ang puno, siya ring bunga"

                                      —"Kung ano ang kinain, siya ring ididighay" 

                                      —"Kung ano hinihingi, siya mong ibigay" 


KUNG GANO,           —"Kung gaano magalit, gayon ding matuwa"

 GAYON DIN            —"Kumuha ka kung gaano ang iyong kinakailangan" 


KUNG PAANO         —"Kung paanong iniwan, gayon ding dinatnan" 

 GAYON DIN            —"Isalaysay mo kung paano mo nakita ang ginawa niyang panloloko" 


KUNG SAAN           —"Kung saan narapa, doon din bumangon"

 DOON DIN            —"Kung saan may lilim, doon sumilong"


KUNG SINO           —"Kung sino ang may kasintahan, siyang manlilibre"  

 SIYA                        —"Kung sino ang malinis, siyang hindi tamad maligo"  


KUNG ALIN            —"Kung alin ang maayos na plano, siyang sundin" 

 SIYA                        —"Kung alin ang barbero, siyang mahaba ang buhok" 


SANAYIN NATIN!: 

Panuto: Nabatid ninyong kaalaman ay ating aalamin. Bumuo o gumawa ng dalawa hanggang tatlong pahayag batay sa mga panulad na pangatnig na nakalakip. Bigyang pansin ang bawat salita at bantas na gagamitin upang madali itong maunawaan. 

 Halimbawa: KUNG ANO, SIYA RIN

Kung ano ang nauso noon, siya ring mauuso ngayon. 

1. KUNG ALIN, SIYA 

2. KUNG ANO, SIYA RIN

3. KUNG GANO, GAYON DIN

4. KUNG PAANO, GAYON DIN

5. KUNG SAAN, DOON DIN 

ANG TALAANPADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon